Trip Lang?!

www.fashionpulis.com
9/21/2013 3:06:21 PM
www.fashionpulis.com
www.fashionpulis.com

Habang nirere-update ang post na ito ay 5 sa 6 na suspek ang hawak na ng awtoridad. Ang mga pangalan ng mga aksuado, maliban kay Sameul Decimo ay Jorek Evangelista (na sumuko sa pamamagitan ng kanyang ama sa Cabanatuan City), Jomar Pepito (na sinamahan ng kanyang lola at magulang bago ito isuko kay Cavite Governor Juanito Remulla), Lloyd Benedict Enriquez, at Reggie Diel. At large naman ang nagngangalang Baser Minalang.

Isa sa mga kagimbal-gimbal na balitang umalingawngaw noong mga nakaraang linggo ay ang pagpaslang sa isang advertisement executive na si Kristelle Kae Davantes. Alas-6 ng umaga noong Setyembre 7 ay natagpuan ang kanyang bangkay sa ilalim ng isang tulay sa lalawigan ng Cavite. Nakagapos ang kanyang katawan gamit ang seatbelt ng kanyang sasakyan, pinasakan ng panyo ang kanyang bunganga, at tinatad ng saksak ang kanyang leeg.

Natagpuan naman ang kanyang sasakyan, isang linggo matapos mangyari ang karumadal-dumal na kriman. Tila tinangka pa umano na sunugin ang naturang sasakyan para walang matirang ebidensya. Tila may galit ba ang motibo sa krimen? Possible, naisantabi ang anggulong carnapping sa pagkakataong yun.

Umani ito ng matinding airtime sa balita, at ang sinumang may alam sa mga perpetrator ng naturang slay case ay may reward na 2.5 milyong piso. Binuo rin ang isang task force group para sa ikalulutas ng krimen.
Subalit noong nasakote ng awtoridad ang isa sa mga suspek nito na si Samuel Decimo ay kinanta nito ang pakay ng kanyang grupo sa pinaslang na advertising executive.

“Napagtripan lang namin siya.”

Teka, parang ang sakit naman ng pangti-trip na yan. Carnap lang ang pakay, pero pati yung nagmamaneho, pinatay? Namumukhaan raw kasi sila matapos ang pag-nakaw sa kanyang sasakayn. Kaya nila tinuluyan ang pangti-trip nila. Sa totoo lang, nakakatawa man ang sinabing yan ng suspek e pustahan, may gana pa silang matuwa ukol rito. As in pang-aasar lang.

E kung pagtripan kaya ng mga taong naulila ni Kae ang buhay din ng kawatang ito? Parang mas okay pa na ibalik ang death penalty pero ang tulad ng mga ‘to ay balatan dapat ng buhay, ano? Oo, burtal na kung brutal. Pero sa totoo lang, ito ang sikohiya ng tao pag nabibiktima: madalas sa pagkakatao ay gusto nilang maghiganti. Kung sadista pa sila ay gusto nilang mas higit pa sa nagawa nila ang maituturing na paursa. Yan siguro ang napapansin ko sa kapapanood ng mga palabas na tulad ng S.O.C.O., Krime Klasik at ultimo ang klasikong The Calvento Files noong 90s.

Click here to read the entire article.

Sources:
http://www.interaksyon.com/article/71162/breaking–suspect-arrested-in-kae-davantes-murder
http://kickerdaily.com/suspect-in-kae-davantes-murder-arrested/
http://newsinfo.inquirer.net/495033/5th-suspect-in-davantes-robbery-slay-surrenders
http://newsinfo.inquirer.net/494291/another-suspect-in-davantes-murder-surrenders-in-cavite
http://newsinfo.inquirer.net/491753/nbi-holding-davantes-slay-suspect
http://newsinfo.inquirer.net/488997/what-kaes-car-can-tell-about-her-killers
author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions