Trials and Tribulations

SKY IND - TRIALS AND TRIBULATIONSTrials. Happy lang. Tanggapin lang nang tanggapin whatever life offers me.

Tulad ng gasgas nang payo, pagsubok lang yan, malalampasan mo din. Ang mahalaga, kinakaya mo pa. Andiyan ka pa rin nakatayo. Kahit anong bigat ng bagsak ng mga problema, nakakaya mo itong dalhin.

Saan ako humuhugot ng lakas? Hindi ko rin alam eh. Sabi ng marami, prayers. Keep on praying. I do. But I don’t think I’m very good at it. Still I take time to do it, to talk to Him.

Nakaka-guilty nga lang  minsan kasi nagagawa ko lang yun during my most down times. I think everybody else does. Pero nakaka-alala din naman akong umusal ng pasasalamat para sa mga answered prayers and blessings na natatanggap ko.

To wake up each morning able-bodied, with all your senses functioning, legs and limbs complete is enough to utter a prayer of thanks.

Minsan naitatanong ko sa sarili ko, why does God allow us to go through trials and tribulations?

Sabi ulit nila, para daw masubok Niya kung hanggang saan ang tatag natin at ang pagtitiwala at paniniwala natin sa Kanya. Okay. Siguro nga ganun. And I’m thankful that I’m still hanging on. May kinakapitan pa ako.

Hindi ko matukoy kung anu-ano ang mga mabigat na dinadala ko. Sa sobrang dami ng life’s hard blows na dumarating sa akin, parang hindi ko na alam ang pagkakaiba ng tahimik at masayang buhay sa magulo at malungkot. Was I destined to be like this? Hindi naman siguro.

Naniniwala naman ako na walang taong itinadhana para maghirap lang ang kalooban. Most of the time, lahat ng nangyayari sa buhay natin is of our own doing. We are responsible for our own actions. Lagi naman tayong may choice diba? Nasa sa atin kung aling daan ang tatahakin, kung aling bagay ang pipiliin, kung anong desisyon ang dapat gawin at susundin.

Kung maayos tayong mag-isip at hindi umaakto lang sa bawat whims and impulses natin, siguro hindi tayo magkaka-problema.Malamang lahat tayo masaya. Siguro walang trials and tribulations. Siguro…siguro…siguro.

Pwede bang magmura? Paano ko ba ilalabas ang galit ko? Salamat sa mga magulang ko, napalaki nila ako na hindi nagmumura. Pero kung minsan diba masarap gawin ‘yun, lalo na kapag wala ka nang ibang masabi. Sa lahat ng bigat na dinadala mo, parang gusto mo na lang sumigaw. Isigaw sa mundo na nasasaktan ka, na pagod ka na, na hindi mo na kaya! At masarap gawin yun na may kasamang Putang-Ina! Ayos! Hindi halata!

Nakakita nga pala ako ng sagot sa tanong ko kanina…

Trials develop godly character, and that enables us to “rejoice in our sufferings, because we know that suffering produces perseverance; perseverance, character; and character, hope. And hope does not disappoint us, because God has poured out his love into our hearts by the Holy Spirit.

Yan daw ang isa sa mga reason kung bakit binibigyan Niya tayo ng trials and tribulations. May point…pero bakit kailangan lagi tayong subukan?

Nagtatanong lang po. Hindi ako nanunumbat. Forgive me, Lord. I just wanna know what blurs and what is clear to see, sabi ng Dishwalla. Yun din ang sabi ko.

Fighter? Ako ba yun? Mga kapatid ko, lalo yung mga ate ko, mas marami na silang pinagdadaanan. Siguro mas matitindi pa sa nakukuha ko. Pero andiyan pa rin sila. Nagsitanda nang lumalaban sa mga dagok ng buhay. Tatanda rin kaya akong ganun? Andaming tanong, but answer has always been scarce.

We are always left to wonder what to do next. Parang unfair. Walang leakage! Shit! Seems like Lady Luck didn’t smile to anyone of us na magkakapatid. Walang pinalad na magkaroon ng maganda-gandang buhay puro bigo pa sa pag-ibig. Funny how we seem to have very similar situations. Sino ka ba Lady Luck para paglaruan ang buhay ng mga tao? Para paglaruan ang mga buhay namin?

My eldest sister once asked, “What will be left when all else is gone?” Sabi ko “US.” We have one another.

Wala man kaming yaman na pagshe-share-an, may pagmamahal naman kami sa isa’t isa na puwede naming pagkunan ng lakas para manatiling nakatayo. We may have had petty quarrels, we may have had misunderstandings, we may not have been transparent with our feelings for each other, but I know deep down inside our hearts, we feel for each other.

When one is hurt, lahat kami nasasaktan. I am very thankful, I know, lalo na ako, pag ako ang nasasaktan, I know their hearts bleed for me too. Siyempre ako ang bunso eh. Hindi lang kumikibo ang mga kapatid ko pero alam ko mahal na mahal nila ako.

Sorry sa mga kapatid ko kasi hindi ko alam kung paano maibabalik yung pagmamahal na binibigay ninyo sa akin in kind. Sa ngayon, pagmamahal din lang ang kaya kong isukli. I feel bad for not being of any help financially kahit andito ako sa abroad. So ayoko ding mangako.

Because promises are made to be broken…not by me or anyone of us. Most of the time, promises are broken due to circumstances that arise. When sometimes you’re all ready to fulfill a promise, things get out of hand that makes you change your plans.

Anyway, in time lahat yan. It’s just sad that it takes a very long time. Kahit anu pang pagpupursige at pagpupunyagi, hindi mo makukuha nang ganun-ganun lang lahat ng hinahangad mo. There is no such thing as a free meal. Sa ngayon, we have to make do with what we have.

Bakit nga ba naimbento pa ang hurt and pain…bakit ba may mga taong nag-i-inflict ng hurt and pain sa kapuwa nila? Kung itatanong ko lahat ng tanong ko dito, kulang na ang espasyo. Boring na din magbasa.

Basta! Pu****a! Masarap magmura at ilabas ang sakit na nararamdaman. The P-word says it all! Hindi naman puwedeng ilitanya ang masaklap na mga pangyayari sa buhay mo.

Siguro isang araw, pupunta ako sa The Peak tapos doon ako magsisisigaw. O kaya sa Ngong Ping or sa Ocean Park. Parang mas okay dun, sasakay ako ng cable car at habang nasa kalagitnaan ang kinalululanan ko at nakalambitin, I’ll cry my heart out loud and scream like a banshee just to let off the steam and all the pain that’s bottled up inside of me.

Okay lang naman gawin yun, para ka lang ninerbyos dahil sa pagsakay mo sa cable car!

When all else fails, what will be left? When all else is gone, what will be left? I just know, I have my kids. I have my family, my relatives and friends na hindi nagsasawang umagapay.

Most of all, I have God who never fails to offer His hand para lagi kong makapitan.  They’re more than enough for me to stay put, to fight and win this battle.

Trials and tribulations?

Sige lang, dumating ka lang. Deadmahin na lang kita mabuti pa…Damn all of the people who’s hurting me! At sa lahat ng nagmamahal sa akin, salamat nang maraming-marami. I don’t need to name names. Alam n’yo kung sino-sino kayo. Kasama ng mga anak ko, sampu ng pamilya ko, salamat sa inyo.

You all play a big part in my life. Without all your support, words of encouragement, and most important of all, without your abounding love, siguro matagal na akong nawala dito. Sa hirap nang mag-isa, baka matagal na akong bumigay. Salamat sa patuloy ninyong paggabay at pag-agapay. Mahal ko din kayo. Para sa inyo ito. Salamat po!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.