TOXIC FRIENDSHIP: Kailan Mo Ba Kailangang Iwanan?

 freendshipKatulad ng sabi ng isang sikat na beer komersiyal, ” Iba ang may pinagsamahan.”

Tama. Ang  pagkakaroon ng isang matalik  na kaibigan ay isa pinakamagandang  karanasan ng isang tao  bukod  sa pag-aasawa at pagkakaroon ng anak.

Ang kaibigan ay minsan, higit pa sa isang kapamilya ang turingan dahil halos kumain na  kayo sa iisang plato kasi ganun na talaga kayo kalapit sa isa’t isa.

Magkaiba man ang lugar na inyong pinanggalingan, eskuwelahang pinag-aralan, mga naging karanasan, pero kapag nakilala mo na siya nang lubusan at naging kampante na kayo sa isa’t isa at marami na kayong gimik na pinagsaluhan, mga problemang pinagdaanan, doon na lumalabas at mapapatunayan ang inyong tunay na pagkakaibigan.

Pero minsan, dumarating din ang punto na ang tao ay nagbabago dala ng iba’t ibang karanasan at  pinagdadaanan. Tulad ng isang dating kaibigan na ilang beses nagtangkang magpakamatay dahil sa pakikipagrelasyon sa isang may asawa pero paulit-ulit pa ring ginagawa,   Nagpapalit lang ng  karelasyon  pero iisa pa rin ang  nagiging   katapusan. Hiwalayan. At syempre, durog-durog na puso.  Hindi niya  matanggap na hindi lalaki ang sagot sa   mga  problema kundi ang sarili  niya mismo.  Isa lang  ang naging  tanong ko sa kanya,  ” Paano  ka  makakahanap ng taong totong magmamahal sa iyo kung ikaw mismo, hindi mo mahal ang sarili mo?”

Masakit na isipin kasi alam mong  kailangan ka pa  niya pero sa halip na  tulungan ang sarili lalo lang lumalala ang sitwasyon at nagiging sanhi ng away ninyong magkaibigan.

Paano kung  hindi lang minsan ito nangyayari kundi parang nagiging abuso na sa bandang huli? Matitiis mo ba siya? Paano ka magdedesisyon?

ALAMIN ANG MGA SENYALES NG MGA PAGBABAGO:

1. Kung hindi niya pinapahalagahan ang mga sinasabi at ginagawa mo para sa kabutihan niya

2. Kung ginagamit ka lang sa pangsariling kapakanan

3. Kung hindi na siya nakikinig sa iyo at lagi kayong nag-aaway

4. Kung kailangan lang niya ng kakampi para magkaroon ng lakas ng loob na mailtuloy niya ang mga kalokohan

5. Kung sinisira niya ang buhay niya at ayaw nang pinakikialaman siya

6. Kung hindi na siya nakakatulong sa overall health mo at lagi kang nagwo-worry sa mga problema niya

7. Kung lagi na lang siyang humihingi ng tulong at nakasandal sa lahat ng pagkakataon na parang responsibilidad mo siya at sa kabila noon hindi pa rin siya natututo

8. Kung gusto niyan kunin lahat ng oras mo at nawawalan ka na ng time para sa sarili mo

9. Kung umiiral ang di maipalawanag na pagseselos sa ibang taong pinaglalaanan mo ng iyong oras at panahon

10. Kung wala ka nang tiwala sa mga sinasabi niya.

11. Kung ginagawa ka niyang shock absorber sa mga problemang kinakasangkutan

12. Kung lagi siyang nage-expect na tutulungan at nagagalit kapag hinindian.

13. Kung ikaw ang sinisisi niya sa mga bagay na hindi niya nakuha o natupad

14. Kung masyado niyang inookupa ang space mo na para lang sana sa sarili mong kaligayahan

15. Kung hindi niya nirerespeto ang mga gamit, oras at panahon na importante sa iyo

16. Kung nagsawa ka na sa kanyang  “biktima lang ako ”  na pag-iisip, mga pangako niya na di natutupad at sa    araw-araw na drama sa buhay

17. Kung lagi siyang nakikialam sa mga desisyon mo at wala siyang respeto sa anumang opinyon mo

18. Kung hindi ka na masaya

Hindi  lahat ng  pagkakaibigan ay  inaabandona agad  lalo na sa oras na kailangan  ka niya,   pero tandaan na may limitasyon naman ang lahat ng pakikisama. Kung patuloy  ka pa ring sumusuporta  sa kabila ng  mga maling gawa niya parang tinuturuan mo lang siyang mas lalong maging mahina at umaasa. Siya lang  ang makakapagsabi kung gusto ba niyang  matulungan siya o hindi.  Dahil kung  di na kaya  dapat  nang  malaman ng mga magulang niya at makipa-kita sa isang eksperto upang masuri siya.

Ang pagkakaibigan ay isang samahan na dapat mayroon mutual respect and understanding, alam natin hindi rin naman laging perpekto ang relasyon ng bawat isa at hindi maiiwasan ang misunderstanding sa isang samahan. Oo, masakit man gawin, pero kung mas marami ang problema at hindi mo na kaya, lalo na’t    ginawa mo naman lahat para matulungan ang kaibigan at nauuwi lang sa wala ang lahat ng effort mo, yun ang  panahon para magdesisyon ka. Ginagawa mo lang yun dahil yung ang sa tingin mo ay tama.

Tandaan  ang  salitang  toxins  ay isang  bagay na masama sa katawan,  kemikal man o pisikal, ito ay lason na unti unting  umuubos  din  ng iyong  buong pagkatao.  Hindi masamang magkaroon  ng stand o pamantayan sa buhay buhay.  Karapatan  mong  pangalagaan ang sarili lalo na kung puro negatibo ang nagiging resulta nito sa relasyon ninyo bilang magka-kaibigan.  Makakaya mo rin yan.

TIWALA LANG.

Mga Tanong:

Kung kayo ang nasa ganyang sitwasyon, ano ang gagawin nyo?

Paano mo iiwan ang isang relasyon na magtagal ninyong pinagsamahan pero nagbibigay naman sa ‘yo ng hirap ng kalooban dahil nababalewala lang lahat ng iyong ginagawa para sa kabutihan niya?

Ikaw ba ay matatawag na isang masamang kaibigan o makasarili kung sakaling pinorprotektahan mo lang ang iyong sariling kapakanan? Ano ang inyong opinyon tungkol dito?

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.