Top 27 Signs na Ikaw ay Single at Very Tita

Image by Engin_Akyurt via Pixabay

Tita-Noun. Tawag sa mga babaing hindi na bata pero hindi rin naman katandaan. Kung minsan, tinatawag din natin silang ninang or auntie or ate. Nagsimula silang nabuhay sa earth’s crust nung 3761 BC kasabay ng Triassic period ng mga dinosaurs. Noon pa man, malaki na ang naging kontribusyon nila sa larangan ng medisina, arts, humanity at politics. Hindi ko lang sure kung tama ‘yang mga pinagsasabi ko, pero basta ang alam ko, nag-e-exist ang mga tita sa modernong panahon. Maaaring nakasalubong mo na sila habang nagpapaload ka sa 7eleven o nakasama mo sa pantry habang humihigop ka ng itlog sa noodles eh hindi din natin alam.

Buti na lang, wala akong masyadong ginagawa ngayon. At isusulat ko ‘yung mga signs para ma-spot natin ‘yung mga tita sa paligid. Tatawagin ko itong Titameter. Pero parang korni. Kaya hindi na lang. Rerekta na lang ako ng ganito…..

Top 27 Signs na Ikaw Ay Single at Very Tita

1.)    May call time ‘yung pagtulog mo: 9pm.

2.)    Nanggigigil kang mag-pray over pag may nakita kang mga kabataan na naglalandian sa social media.

3.)    Hanggang share ka na lang ng mga throwback pix mo na may caption na “payat days”.

4.)    Nae-excite kang ipatikim ‘yung home-made chorizo mo sa mga kamag-anak mo.

5.)    Kung dati “Miss”, ngayon “Ma’am” na ang tawag sa ‘yo ng mga tricycle driver sa lugar n’yo.

6.)    Kahit sa lamay ka pumunta, tinatanong ka pa rin ng “kelan ka ba mag-aasawa?”, “bakit wala kang boypren?” ng mga namatayan. Bastos, ‘di ba?

Yung tita mong beast mode lagi kasi walang lablayp

7.)   #Feelingblessed ka sa bago mong biling sponge at kaldero.

8.)  Mahirap kang ayain sa lakad ng barkada. For some reasons, mas gusto mo pang mag-stay sa bahay at gumawa ng DIY beauty remedies.

9.)  Madalas ganito na lang ang rant mo sa Facebook “Kung hindi naman kukuha, ‘wag na magpa-reserve ,sinasayang n’yo oras ko!!”

             qiqil nyu mga tita eh

10.) May maayos kang salansan ng mga paper bags sa kuwarto mo.

11.) Stress reliever na sa ‘yo ‘yung pagpunta sa supermarket at pag-gogrocery.

12.) Madaling lamigin ang mga tita. Galawin mo ‘yung aircon at mag-aaway kayo. Kaya laging naka-cardigan or may shawl na outfit.

13.)  You always say “ ohmygod take-out natin sayang yan!” tuwing kakain sa mga restaurants.

14.) Alam ng mga opismates mo na dumaan ka sa area nila dahil nagpahid ka na naman ng omega sa puson mo.

15.)  Ultimate bonding moments n’yo ng mga friends mo ay sa spa or sa salon atleast once a year.

16.)  Napapa-forward ng very light ‘yung balakang mo pag nakikita mo ‘yung abs ni James Reid.

17.)  Merong sariling photo album ‘yung mga pamangkin mo sa cell phone mo.

18.) Random millennials sa FB: *Do the kiki challenge*

Titas:  “Dyos ko lumuluwa na ‘yung puwet!!(grabs a rosary)”

19.)  ‘Yung productivity mo sa opisina n’yo ay directly proportional sa dami ng kape at tsaa na maiinom for that day.

20.) You always say “ Ingat God bless!!!” as end of conversation mo sa mga ka-chat mo sa Facebook

21.)  Lagi kang takbuhan ng mga friends mo pag may problema sila sa pag-ibig. Para kang babaing version ni Mahatma Gandhi dahil lahat ng sasabihin mo ay tama.

22.)  Pagsali sa mga fun run activities ang true definition mo ng extreme sports.

23.) Dumadami na ‘yung offer mo sa mga health insurance company at funeral plan services.

Images via realmomtalk

24.)  Meron kang malaking tita bag na kayang i-survive ‘yung limang pamilya during zombie outbreak. Ang laman; toothbrush, tissue, hand sanitizer, charger , sky flakes, pamaypay, rosary, creamer, mga resibo at whatever pa.

25.) Hindi ka naman nabubuntis pero padami nang padami ‘yung inaanak mo tuwing Pasko. And all your kumares be like ” O, bless na kay ninang, madaming pera yan”.

26.)  May quality control ka na sa  pagbili ng mga damit mo. Mula sa price, texture, reviews, air dynamics, hagod sa singit, etcetera etcetera

27.) Madalas ka na ngayong abutan ng mga flyers at brochures sa mall na nagbebenta ng mga herbal drinks, organic na peanut butter , murang tupperware at condo unit.

Most of the tita’s don’t give a F sa sasabihin pa sa kanila ng ibang tao. Madami na silang pinagdaanan sa buhay mula sa pinakamaliit na kilay problems hanggang sa pinakamasaklap na break-ups. Oo, madali silang mainis sa maraming bagay o minsan hindi nila masabayan ‘yung mga kabataan ngayon. Pero kung may legit na puwedeng magsabi ng “don’t me”, eh sila ‘yun.

Mahal natin ang mga tita. Nawa’y dumami pa ang mga tita sa mundo….para makahingi tayo ng regalo ngayon Pasko.

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/