To Love Again

(photo credit: www.modernlifeblogs.com)
(photo credit: www.modernlifeblogs.com)
(photo credit: www.modernlifeblogs.com)

Years passed by, akala ko noon gunaw na ang mundo; totoo pala na kapag pinaikot mo ang buhay mo sa iisang tao, at kalaunan ay iiwan ka rin niya; literal na mararamdaman mo rin na nag-iisa ka na lang.

3 years back, ang tagal na panahon na pinilit ko ang sarili kong buuuin muli, nagbabakasali isang araw matatagpuan ko muli yung taong magbibigay ng kulay sa mundo ko. Ayaw ko  umasa, kaya’t ipinalangin ko talaga kay GOD lahat ng nais ng puso ko; pamula sa kaliit liitang detalye nga. Natatawa nga ako sa sarili ko kasi parang napaka specific ko naman humiling sa kaniya, pero naniniwala kasi ako na kung ano ang hiniling mo ay ibibigay niya… Minsan nga lang, sinusukuan ko na rin ang mga hiling ko, ang tagal kasi ng reply.

Isang kaibigan ang laging nagpapaalala sa akin na ang sagot daw ay may mga dahilan, may tamang panahon at pagkakataon. Hindi naman ako tumigil sa kahihiling at kapapanalangin. Alam kong hindi ako deserving na pagbigyan ngunit nais kong sumubok.

Sabi nila, isang anghel o mga anghel na padala ni GOD ang magiging daan paano mo makikilala ang taong magiging kabiyak ng puso mo. Maari rin na isang pangyayari o pagkakataon na hindi inaasahan. Alin man sa dalawa ay hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin.

Patuloy lang ang buhay, pinatatag na rin ako ng mga pagsubok na dumaan sa buhay ko. Iniisip ko nga sisiw na lang ang isa pang heart break kung sakali man. Hindi na rin ako naniniwala sa fairy tale, sa pagpa-plano, sa long-term relationship at kung anu-ano pang kaek-ekan ng salitang pag-ibig. Hindi naman sa man hater ako pero minsan natatanong ko na lang din sa sarili ko, may totoong lalaki pa kaya sa mundo? Yun bang tipong ipaglalaban ka, who will love you even you’re not perfect, pero fairy tale nanaman iyon; kaya erase…erase…erase… 🙂

Hanggang dito na lang muna… back to work…. ^_^

About kambal

Simple lang ako. At naniniwala sa kasabihang " Ang pagiging masaya ay hindi ang pagkakaroon ng mga bagay na gusto mo, kundi pagiging kuntento sa kung anong pinag kaloob sa iyo."