“To Dream and Be Blessed”

“Simple lang ang pangarap ko noong maliit pa ako, palibhasa deprived kami sa maraming bagay lalo na nga at ang salitang “luho” o luxury sa ingles ay hindi kilala sa aming pamilya.

Simple dahil ang gusto ko lang noon magkaroon kami ng masarap na ulam sa araw araw, yun bang hindi na namin uutangin pa sa kapit-bahay ang tatlong gatang na bigas na dapat ay aming isasaing. Simple dahil pangarap ko lamang noon na matapos ko ang aking pag-aaral.

Aaminin kong sa edad at estado ng buhay ko sa ngayon, naabot ko na ang halos lahat ng aking gustong mithiin..Maging ito man ay simple o marangya…

I lost a friend back in high school dahilan sa depression…Isang pangyayaring nagbukas sa aking mga mata…Sa mga pinagdaanan kong hirap noong maliliit pa kaming magkakapatid, nandyan ang mga depression at frustrations..samahan pa ng konting selos at inggit sa mga kaklase ko sabay tanong ng, Bakit sila meron, Kami wala???

Subalit sadyang marunong din ang Dyos dahil habang lumalaki kami, unti -unting naming naiintidihan na ang sitwasyon na aming nararanasan ay isa lamang sa kanyang napakaraming paraan upang makita namin ang bawat kahalagahan ng aming mga pangarap… I would probably say na napakalaking advantage ng “TRAINING” na ginawa NYA sa amin…Naging matatag at matapang kami sa pagsubok na kanyang ibinibigay.

Ngunit bilang tao…tayong lahat ay walang contentment..Aaminin kong minsan na naghahanap pa rin ako ng mga bagay na wala ako o di kaya naman sa ibang pangyayari o estado. Di ko na kayo tatanungin kung bakit nga ba?? Dahil alam ko rin naman ang kasagutan sa lahat ng aking katanungan…At alam kong ganun din kayo….

Count your blessings everyday...malimit kong marinig sa mga kaibigan ko kapag dinadaanan ako ng mga depression o kaya ay mga frustrations. Normal sa atin bilang tao ang maging mahina sa paglaban sa mga ganitong klaseng negativity. Minsan kaya nating labanan, minsan tayo ay natatalo nito dala na rin ng pagiging mahina ng ating pananampalataya. Lahat tayo ay may maituturing na “demons” inside of each in everyone of us…Kung matindi ang ating faith, confidence and the power to stay positive at all times, we will all defeat all our little demons inside us…

How to stay positive???Just be brave to admit your mistakes and embrace your weaknesses. At katulad din ng ibang bagay dito sa mundo, lahat ay napag-aaralan..

Kadalasan, kailangan mo munang magkamali upang matuto. Maaaring masaklap ang iyong pinagdadaanan subalit ang lahat ay temporary lamang..Darating ang panahon na ito ay lilipas at magsisimula kang muli…Kung nahihirapan ka mang magsimula at sa pakiramdam mo di mo kaya, leave it all up to HIM…Continue dreaming and you will be blessed =))

To start anew is always a chance, a GIFT from HIM……To live your life…to know you’re worth….

Enhanced by Zemanta