Tips sa mga INLAB-ABO :)

(Photo Credit: Youtube)
(Photo Credit:  Youtube)
(Photo Credit: Youtube)

In-LOVE na ako!!! Eh anong gagawin ko para magtagal ang feelings na ito? Nagbreak kami ni jowa, how do i win his/her back? May THIRD PARTY paano magreact? May kasalanan/ pagkukulang ako sa love of my life paano ko ito mapupunan? Crush ko si classmate/officemate/best friend/barkada, sasabihin ko ba?

Paano nga ba natin haharapin/ sasagutin ang mga katanungang ito?

Well,well i have compiled some tips, quotes at kung anik anik na nakalap ko sa mga love experts; tapos yung mga iba, naisip ko lang. (CREDITS SA MGA PINAGKUNAN KO 🙂 )

Here we go..

Hindi mababawasan ang pagkatao mo ‘pag nagsabe ka ng “I Love You” sa taong mahal mo naman talaga nang totoo kahit hindi man niya to suklian.

-Para sa mga torpe.  Hindi maamin-amin ang nararamdaman sa taong matagal nang mahal, tapos nagrereklamo dahil hindi pinapansin ng mahal niya.  Para sa inyo.

 Love is never wanting to lose faith, never wanting to give up, and never truly moving on. Love is knowing and praying in the deepest part of what’s left of your heart that they feel the same. 

-Para sa mga gusto nang gumive-up sa pag-ibig, pero mahal pa rin si ex. Dedicated sa mga taong nagmamahal sa nakaraan, sa mga nabasted, sa mga binreak ng jowa nang walang dahilan..

 It’s never a requirement to be with SOMEONE.

-Para sa mga single na sabik na sabik magkajowa. Halos magmakaawa na sa lalaki majowa lang nya. Nanliligaw na halos. Nakalimutan na nyang babae sya. Para rin ito sa mga single na nalulungkot dahil walang jowa/kaibigang kasama. Pwede tayong makahanap ng kasiyahan sa sarili nating pamamaraan. Wag kang mahiyang manuod ng sineng mag-isa. Kumain sa resto ng mag-isa. I-treat mo naman ang sarili mo minsan. Hindi mo ikamamatay kung mag-isa ka lang na manunuod ng sine, kakain o mag-isang maglalakad sa park o mall.

 Guys are photographic, girls are verbal.

-Ang mga babae, kahit nakikita nila yan nang harap-harapan, gusto pa rin nilang marinig mula sa mga lalaking mahal sila nito; samantalang yung mga lalaki naman, madalas kasi nahihiya nang sabihin lahat kaya mas ok na sa actions na lang. Either way, dapat magmeet ang expectations ng dalawa.

 Not all goodbyes are sad.. example: “Goodbye Class”

O, di ba? Kung sawi ka sa pag-ibig dahil inwan ka na ng pinakamamahal mo, isipin mo na lang na hindi lahat ng paalam ay malungkot. Mayroon ding masaya. Take a look on the brighter side.

 Sa relasyon dapat may isang siga. Kung sa tingin mo siya yung siga sa relasyon n’yo ipaubaya mo na sa kanya. Hindi yung kapag galit siya sasabayan mo na rin yung galit niya.

PERFECT!  Tama! Ito ang madalas pag-awayan ng mag-jowa man yan o mag-asawa. MISCOMMUNICATION! Matutong manahimik sa tamang pagkakataon, babae man yan o lalaki.

 The worst thing is loving someone when you know you shouldn’t anymore.

-Para sa mga taong nagmamahal sa taong mali. Masakit pero alam mong dapat ka ng tumigil dahil walang patutunguhan at may mga tao na kayonog nasasaktan. T_T

 Hindi lahat ng taong nagmahal ay nabigyan ng pagkakataon na maging masaya at mahalin din ng taong mahal nila.

-Kayaikaw na may asawa, ikaw na may jowa, swerte ka kasi yung pagmamahal mo ay naibabalik ng taong mahal mo.Stay in-love. ^_^

 Sa mga bagong nag- uumpisang love story. Sa umpisa ATTRACTION yan, After a while what’s matters the most is the COMMITMENT.

-Puwedeng maganda o guwapo siya kaya mo siya nagustuhan noong una. Pero hindi doon natatapos ang lahat, dahil pag naging kayo na, hindi na yun ang mahalaga para mag-stay kayo sa isang relasyon kundi yung commitment n’yo sa isa’t isa.

 Define “BITTERNESS” Yun yung nakita mo syang may kasamang iba tapos naisip mo na sana. “NAGDALA KA NG BOMBA!!!

TRUE! Para ito sa mga taong bitter. HAHA!  Nakakatawa, pero wala tayong magagawa.  Karapatan nilang kontrolin ang sarili nilang emosyon.  Kung bitter man sila, let them be.

 Pag naghahanap ka ng partner, huwag na huwag kang maglalagay ng resumé, na dapat may qualifications.

-Para sa mga uber choosy na gusto ko ng ganito..gusto ko ng ganyan..dapat ganito ka..dapat ganyan ka..Hindi ganun ang nagmamahal. Nagmamahal tayo nang walang dahilan.The moment na ginamitan mo ng reason ang love, hindi ka na nagmamahal nun, nag-iisip ka na lang.

 When we do effort, hindi naman natin yun ginagawa para sumaya siya kundi para sumaya tayo.

-Para s mga taong sinusumbat ang effort na ginawa nila para sa isang tao.HOY! kagustuhan nyo namang gawin yan noh! Walang pumilit sa inyo kaya wag manumbat. oks?

 Darating ang araw na magku-krus ang landas n’yo ng taong pinakawalan mo at malay natin. sa huli pala kayo pa rin.

-Yun ang sinasabi nilang LOVE for the SECOND TIME AROUND. Malay mo, yung nambasted pala sa iyo, ang siya naman talagang nakalaan pala sa iyo. Puwede, d’i ba? Kaya huwag mawalan ng pag-asa.

 O hayan dear readers, I hope na may napult kayo sa mga ek ek kwento ko here.

Balak ko sanang gawan ito ng part two. Saka na pag maraming nagreact.  ^_^

-SELYA 🙂