Thou shall not KABIT someone else’s WIFE!

“Hi! Puwedeng asasasatumabi sa ‘yo?”

Diyan nagsimula ang kuwento namin ng ex kong itago na lang natin sa pangalang Ley.

Una kong nakilala si Ley sa isang binyag na dinaluhan namin ng mga kaibigan ko.

Hindi ko inakala na mula pala sa araw na iyun ay makagagawa ako ng kasalanan na talagang ipinagbawal ng Diyos. Kumbaga, nasa “10 Commandments”.

Isa akong lesbyana. Alam kong isa ring kasalanan, pero hindi ko rin alam kung bakit ako naging ganito. Ah basta. Kanya-kanyang trip na lang. Nakakailang gf na rin ako. Nung panahong nagkakilala kami ni Ley, nasa isang relasyon akong masasabi kong “mapakla” na. Pilit kong iniwasan ang gf ko that time. Nasa immaturity phase pa kasi ako that time. I was 20 years old.

Hindi naman sa hindi ko siya mahal o minahal, pero wala na talaga akong nararamdaman sa kanya. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya, pero siya ang ayaw kumalas. Dapat magkasama kami sa binyag, pero nagkunwari ako na hindi ako natuloy kasi may lakad kami ng nanay ko. Ginawa ko ring accomplice ang mga kaibigan ko na huwag sabihin na nandoon ako. Text siya nang text. Tumatawag… pero ako deadma lang.

Nakaupo kami ng kaibigan ko sa isang sulok habang nag-uusap. Sa may salas, may isang grupo ng mga babae na nag-iinuman at nagkakantahan. Nilapitan kami nung kaibigan namin na nag-host ng party at sabi ay sumali kami sa kanila. Medyo ilang pa nga that time kasi may mga edad sila sa akin pero napa-oo  rin ako.

Nung nakiisa na kami sa grupo nila, tinagayan ako ng isang babae. Tumanggi ako. Sabi niya bawal raw tumanggi. Uminom ako, pero ‘di ko naubos ang alak sa baso. Ang lakas ng trip nila. Emperador ba naman. Eh sa bahay namin mga tito ko lang ang puwedeng uminom niyan. Ako, hanggang red horse lang.

Naka-ikot na ang baso nang biglang may tumabi sa akin sabay sabing “Hi. Puwedeng tumabi sa ‘yo?”

Tumango lang ako. Nung tumabi siya sa akin, sabi niya sa kaibigan namin na kuhanan raw kami dalawa ng picture. Medyo ilang pa ako.  ‘Kako, mamaya na lang pag may amats na ako. Taka ako that time ba’t ang tagal kong tinamaan. ‘dDi kaya dahil isang platong lechon na’ng kinain ko? Ah basta..

Nung sumali na kami sa grupo nila ay nakaisang bote na sila ng  litro. Mga limang babae sila, kasali na si Ley, ‘yung pinsan ni ley, ‘yung tatlong kaibigan ng host namin, pang pito kami ni ate Mench, ‘yung kasama ko. Busy kasi ‘yung host namin kaka-entertain sa mga bisita nila.

Tanda ko pa, mga alas dos ng hapon kami nagsimula kasi mga 11:30am nagstart ang kainan. Mga alas kuwatro na ng hapon, medyo may amats na konte. Hindi kasi sanay sa ininom. Si Ley ang parating nauuna mag-open ng topic. Kapag may tanong siya, sagot lang ako. Nahihiya kasi ako sa kanya tapos “Ate Ley” ang tawag ko sa kanya kasi sabi niya 30 years old na raw siya. Tanong niya ilang taon na ako at sabi ko kaka-twenty ko lang.

Napasarap na ang kuwentuhan namin. Ang iba kasi ay busy sa picture taking tapos nag-videoke. Nung lumapit si ate Kris, yung host ng party, sabi niya picture na raw kaya yun picture na. Habang tumatagal, napapansin ko nang unti-unti nang dumidikit si Ley sa akin. At kapag tinitingnan ko ang cellphone ko, sinasabi niyang itabi ko. ‘Di pa siya nakontento, pinatay niya pa. Wala lang ako. ‘kako baka naghahanap lang ng kausap.

Sabi niya sa akin dati siyang nagta-trabaho sa Japan sa club ng tita niya. Siya raw ay isang cashier. Pabiro niyang sabi sa akin na “Japoks” raw siya. Mga 6yrs rin raw siya dun. Nang nakapag-ipon ay naisipan niyang umuwi at magtayo ng negosyo. Buy and sell raw ng lupa. Sabi ko sa isip ko, “Aba! hanep si ate ah. May diskarte”. Dagdag niya pa, wala raw kasiguraduhan ang kanyang trabaho doon kasi mangilan-ngilan nang Hapon na gusto siyang pakasalan. Ang iba raw mga yakuza pa.

Nakapundar na siya ng bahay sa Antipolo at sa province nila sa Davao del Norte. Nasa Davao lang raw siya kasi magy titingnan siyang lupa sa Samal. Dagdag niya pa diyan raw sa harap ng bahay nila ate Kris siya nag-stay sa bahay ng Tita niya. Niyaya niya pa nga ako na sumama sa kanila sa makalawa.

Sabi ko naman check ko muna kung puwede ako kasi baka may lakad ako. Pabiro niyang sabi, “Asus! Ang sabihin mo, may magagalit lang,” sabay tawa.

“Teka, sino ba’ng kasama mo? Husband mo o anak mo?” tanong ko. Hindi ko inasahan na tatawanan niya ang tanong ko sabay sabi, “Anong husband at anak? Single pa ako, sira”.

“Eh ano yang ring na nakasabit sa kuwintas mo?” tanong ko.

“Ah, eto bah? Regalo sa akin ng mama ko nung birthday ko,” sagot niya. Pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sagot niya. Pakialam ko naman kung taken na siya. Kaya patuloy kami sa kuwentuhan.

Nung maghahapunan na, ayun natamaan na ako. Sabi ko, pass na ako. Nag-abiso ako kay ate Kris na uuwi na ako, pero hindi pumayag kasi ayaw niyang umuwi ako nang may tama. Pinagpahinga niya muna ako sa kuwarto niya. May amats na ako, pero kaya pa. Alam ko kasi ang dosage ko. Kapag nararamdaman ko na medyo makati na ang aking tenga, stop na. Aabiso na. Hinatid ako ni Ate Kris at ate Mench sa kuwarto. Pinaandar ni Ate Kris ang aircon, nasa low cool lang.

Nung lumabas na sila, may pumasok. ‘Hindi ko makita kung sino kasi lamp shade lang ang nakasindi. Narinig kong sabi ni ate Kris dun sa pumasok, “namumula na ‘yun. may amats nang konte, pero kaya pa niya. Ihahatid na lang ni Mench mamaya pag nahimasmasan.” Sabay labas. Sinarado ang pinto.

Nung pipikit na ako, naramdaman kong may umupo sa likuran ko. Nakatagilid kasi ako. Medyo kinabahan ako. Tinanong ko “Sino ka?”

Tumawa siya sabay sabi, “Si Ley to, ano ka ba.”

Lumingon ako sa kanya. Siya nga. Si ate Ley nga. Nagtaka ako kung bakit siya pumasok dun.

“Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ko. Sabi niya nag-worry daw siya kasi pulang-pula na raw ako kanina. Sabi ko, okay pa naman ako. Kailangan ko lang magpahinga. Sabi niya sasamahan raw niya ako. Tumango ako.

Humiga siya sa tabi ko. Tinanong niya ako kung okay pa ba raw ako, tumangon lang ako. Sabi niya lalabas raw muna siya at may kukunin. Nung pagkalabas niya, hinugot ko ang cellphone sa bulsa at binuksan. May sampung messages na ako mula sa ex kong “ASA” pa. Dinelete ko lahat ng messages, maya-maya’y tumatatawag na. Kina-cancel ko calls niya tas tinext ko, “lowbat ako at nasa biyahe kami papuntang Cotabato”.

After ko siya tinext, si nanay naman ang tinawagan ko. Sabi ko baka gabihin ako ng uwi, ihahatid ako nila ate Mench. Pumayag naman si Nanay. Pagka-end ng call, pumasok siya. Nakasandal sa may pinto sabay sabing, “O ano, tinatawagan ka na ng syota mo?”

Sagot ko, “si Nanay yun. Nag-abiso ako na late akong makakauwi”.

Sabi niya, “Mabuti at nagpaalam ka. Ako na maghahatid sa ‘yo mamaya. Kung ayaw mo naman, itawag kita mamaya ng taxi.”

Nag refuse ako sa offer niya. Baka sabihin niya na “Feeling Close” na ako. Nagpumilit siya at sabi ay ihahatid niya kami ni ate Mench kasi magkalapit lang kami ng bahay. Tumango ako sabay sabing, “Salamat. Iidlip lang ako ng mga 1-2 oras”. Tumango siya at nilock ang pinto. Ang aircon ay pinalakasan.

Tumabi siya sa akin. Maya-maya’y naramdaman ko na lang na unti-unti niya na akong niyayakap. Balewala lang ako. Harapan ang mga mukha namin. Naamoy ko ang alak sa hininga niya. Wala lang ako. Hindi ko alam kung bakit iba ang titig niya sa akin. Hindi rin naman siya mukhang lasing o tipsy kasi panay “pass” siya kanina.

Nabigla ako nung sinabi nyang, “Gusto kita. Hindi ko maintindihan, pero nung nakita kita kaninang papasok, ang bilis ng kabog ng dibdib ko.”

Pabiro kong sagot, “May tama ka na, ate. Itulog mo lang ‘yan.” Sabay cover ng unan sa mukha. Inalis niya ang unan at bigla akong hinalikan sa labi. Mukha akong tanga nung hinalikan niya ako. Wala akong nagawa kasi first time ko masubukan ‘yung sabi nilang “French Kiss”. Eh ako naman kasi sapat na sa akin ang, “I love you. I miss you. mwah mwah tsup tsup”. Wala pa akong experience sa mga bagay na medyo sensual.

Sa takot ko, tumayo ako sabay tanong kung ‘bat niya ginawa yun. Sabi niya lang gusto niya ako. Gustong gusto. Biglang nawala ang amats ko. Pinagpawisan ako mula ulo hanggang talampakan. Papalabas na ako ng kuwarto nang pinigilan niya ako. Bigla siyang umiyak nang hind ko alam ang dahilan. Napatigil ako at umupo sa tabi niya. Sabi niya malungkot raw siya kasi kakahiwalay raw nila ng boyfriend niya. Nahuli niya raw na may iba. Hinayaan ko siyang maglabas ng hinanakit. Maya-maya, may kumatok. Si ate Kris. Binuksan ko ang pinto at sabi niya okay na ba raw ako. Sinenyasan ko si ate Kris about kay Ate Ley. Sabi ko punta muna ako CR. Pinuntahan ni ate Kris si ate Ley at lumabas muna ako.

Pagkalabas ko, may isang babae na humarang sa akin. Pinsan raw siya ni ate Ley. Tanong niya, saan raw si ate Ley. Sabi ko’y umiiyak. Kinausap ako ng pinsan ni ate Ley. Sabi niya, “Bunso, iwas ka sa kanya. May Asawa ‘yan. May problema lang sila kaya nandito sa amin yan.”

“Totoo rin na may business trip siya dito, pero ang totoong dahilan, dahil sa away nilang mag-asawa.” Tumango ako. Dagdag niya pa. “Alam ko na wala kang masamang ginawa sa kanya. Alam ko rin na gusto ka niya mula pa nung nakita niya picture mo sa phone ni Kris. Huwag mo lang sabihin sa kanya na sinabihan kita tungkol dito.”

Tumungo na ako sa CR. Naghilamos. Medyo nahimasmasan na ako. Puwede na akong umuwi. Pagkalabas ko, nandun na naman ang pinsan niya. Sabi hinahanap raw ako ni ate Ley. Puntahan ko raw muna sa kuwarto. So I did. Pagkarating ko doon, niyakap niya ako at humingi ng sorry. Sorry raw kasi hinalikan niya ako. Sabi ko naman okay na yun at kalimutan na.

Hinatid niya kami ni ate Mench at yung tatlo pang mga babae. Nasa front seat ako. Hindi na sumama pinsan niya kasi 4 lang pwede magkasya sa likuran ng sasakyan niya. Ang gara ng kotse ni ate. Ford yata ang tatak. Sabi niya pa, regalo niya yun sa papaniya. Siya raw muna gumagamit habang nandito siya. Nagkuwentuhan pa sila nung nasa kotse kami.

Sa sobrang antok ko medyo naiidlip ako. Una naming hinatid ‘yung pinakamalayo. Nakatulog talaga ako sa sobrang pagod. Medyo malayo kasi bahay nung isa. Ginising niya ako nung nasa kanto na kami nila Ate Mench. Tinuro ko sa kanya ang direction. Sabi niya okay ba raw na mag-coffee muna kami. Maaga pa naman raw tapos may midnight sale. Babawi raw siya sa ginawa niya. Tumanggi ako. Sabi ko puwede kaming magkita bukas or next time pagka ‘di ako busy. Sabi niya hiningi niya raw number ko kay ate Mench. Kung okay lang ba raw. Tumango ako. Nakarating na kami sa may kanto namin nang sabihin niyang kung may sinabi raw pinsan niya sa akin, huwag akong maniwala. Tumango ulit ako sabay baba sa kotse.

Alas onse na ng gabi nang dumating ako. Pagkapasok ko ng kuwarto ay agad tumunog ang cellphone ko. Number lang. Globe pa talaga. Sure naman ako na hindi yun Agent ng globe o citibank kasi usually umaga sila nangungulit. Hindi ko sinagot. Nagpunas muna ako. Pagkapunas ko, nagtimpla ng hot choco. Ayoko kasi sa kape kapag gabi na. Hirap na akong makatulog. Nagkuwentuhan pa kami ni Nanay. Kinamusta ang binyag. Sabi ko okay naman. Maraming tao pero mas marami ang pagkain. Matakaw raw ako sabi ni Nanay.

Pagkatapos ay umakyat na ako. May limang messages na. Sabi ko sa sarili ko baka si “Excalibur” na naman to. Pagka check ko, hindi pala. “Kanina pa kita tinatawagan. Si Ley eto. Check ko lang kung eto ba number mo”.

Hindi ako maka-reply. Globe eh. Alam mo naman ang buhay tambay/raketero, pa unli-unli lang. Tumawag ulit at sinagot ko na. Sabi niya nasa bahay na raw siya. Magsabi lang raw ako kapag wala akong load para tatawagan niya na lang ako.

“oOkay” lang sagot ko tapos nag goodnight kasi antok na. End of call..

Habang nakahiga ako sa aking kama, naisip ko ang mga nangyari. Bumabalik pa rin sa isip ko ang paghalik niya sa akin. Sabi ko na lang baka nadala lang siya ng emosyon. Bukas makalawa ay wala na rin yun. Maganda naman si Ate Ley. Hindi mo alintala na dati siyang Japayuki. Wala sa mukha niya ang typical Japoks looks na ‘yung may kulay tapos sexy manamit. Simple lang siya. Naka shorts, naka-tshirt na medyo fit, naka havaianas na tsinelas. Yung buhok niya nakalugay lang. ‘di mo rin masasabi na yagit siya. Kung maihahambing ko siya sa isang artista, siguro may hawig sila ni Andrea del Rosario. Yung hotbabe na pinagnanasahan ng mga kalalakihan. Maganda talaga si Ate Ley. Nagagandahan ako sa kanya pero hindi ko nilagyan ng malisya ang paghalik niya sa akin. Pagkatapos ko mag muni-muni ay nakatulog na ako.

Linggo kinabukasan. Mga alas diyes na ko ng umaga nagising. Medyo makulimlim sa labas at malamig ang simoy ng hangin. Check ko agad cellphone ko kasi naka silent. May mga sampung messages ako mula kay “Excalibur” at sampung miss calls rin. May 3 messages mula kay Ate Ley at benteng miss calls. ‘Hindi ko na binasa ang mga messages na mula sa ex ko. Delete agad. Ako kasi yung tipo ng tao kapag sinabi ko nang ayaw ko na, ayoko na talaga. Wala nang negosasyon na magaganap.

Isang buwan na rin mula nang hiniwalayan ko siya. Para rin naman sa kanya ang ginawa kong pakikipag-break. Kesa naman maglokohan kaming dalawa. Ang mga text lang ni Ate Ley ang binasa ko. Ang unang message niya ay “Good morning handsome”. Sabi ko may amats pa si Ate. Ang aga namang mambola. May pagka-narcissistic rin kasi ako pero konte lang. ‘di ako pangit. Para sa sarili ko, gwapo ako. Kanya-kanyang trip lang. Simple lang rin ako manamit. Jeans, Chucks at mahilig ako sa Golf shirts. Yung pangalawang text niya “smiley” lang tapos yung pangatlo, gusto niya sabay kami mag lunch. Hindi ako makapag-reply as usual globe siya, smart ako.

Nung pababa na ako, bigla siyang tumawag. Sabi niya sabay nga raw kami mag-lunch. Sabi ko, wala akong pera. Wala raw problema, susunduin niya ako dito sa bahay in 30 minutes. Hindi ko pa rin tinanggap offer niya. Sabi ko maliligo muna ako tapos binaba ko ang call. Habang naliligo ako, kinatok ako ng pinsan ko at may tumatawag raw; sabi ko hayaan lang.

Matapos kong maligo, may sampung miss calls, limang messages mula kay Ate Ley. Hindi ko pa na-delete yung panghuling text niya, tumawag siya. “Nandito ako sa labas ng bahay n’yo. Bilisan mo. Huwag ka nang maarte. Kahit naka-pambahay ka lang basta labasin mo ako dito,” sabi niya.

Dali-dali akong nagbihis. Naka-surf shorts lang ako. Plain white tshirt tapos tsinelas. Hindi pa ako nakakapag-suklay. Nasa labas ang mga Tito ko. Doing their Sunday routine. Mag-inuman.

Pagkalabas ko, tinanong ako ng tito ko kung kilala ko ba kung kaninong sasakyan ‘yun kasi kanina pa raw yun naka-park. ‘Hindi raw pamilyar sa kanila ang sasakyan. Sabi ko, sa kaibigan ko. Pinuntahan ko siya. Binaba niya ang bintana sabay sabi, “good morning, gwapo. Bango-bango naman, sarap yakapin”.

Tinanong ko ano’ng sadya niya at sabi niya’y samahan ko raw siya sa Samal. Busy raw kasi ang pinsan niya. Sabi ko susubukan kong magpaalam.

“Magsuklay ka muna, ‘beh’ (baby). Ang gulo ng buhok mo.”

Ang sagot ko, “Beh mo mukha mo. Halata naman siguro na kaliligo ko pa lang. Sabi mo, magmadali akong lumabas. Sige, subukan kong magpaalam. Kapag ‘di ako pinayagan, wala akong magagawa.” Tumango siya at sabi’y hintayin niya ako.

Pagkapasok ko, nagpaalam ako kay Nanay na baka puwede ako sumama sa Samal. Tinuro ko yung naka-park na sasakyan.

“Ano, overnight ka ba doon? Sino-sino kasama n’yo?” Gumawa ako ng dahilan na mga kasama ko sa arnis. Doon kami magpa-practice. Pumayag naman si Mommy. Nagbilin lang na mag-ingat ako. Lumabas ako saglit para sabihan si Ate Ley na pinayagan ako. Parang siyang bata na nabilhan ng lobo ng nanay. Tuwang-tuwa siya. Sabi ko, prepare muna ako ng gamit kasi ang sabi ko kasama ko mga ka-arnis ko. Kailangan kong dalhin ang gym bag at Arnis sticks ko. Nginitian niya ako at sabi’y bilisan ko raw.

Matapos kong ayusin ang mga gamit. Hindi na ako nagbihis. Presentable naman ang get up ko. Pang beach talaga. Kaya pala yun ang napili kong get up sa araw na yun. May purpose pala. Nilagay ko sa back seat ang mga gamit ko at nag-abiso sa mga tito ko na aalis na ako. Kumaway rin si Ate Ley sa mga tito ko. And off we go… (ITUTULOY)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.