Thou shall not KABIT- Chapter 9

tsnkDumaan kami sa isang coffee shop. Magkakape raw muna sya. Dun nya rin raw ipagtatapat lahat. Sa isip ko, ano pa ang kailangan nyang ipagtapat eh alam na alam ko naman. Nagkukunwari lang ako na walang alam.

Umorder sya ng brewed coffee tapos blueberry cheesecake. Ako naman Iced Rocky road lang. Hindi na kasi ako nagkakape basta hapon. Nahihirapan na ako makatulog kinagabihan. Busog pa rin ako sa tanghalian namin na para akong bibitayin kinagabihan sa sobrang dami ng inorder nya.

Habang hinihintay ang inorder namin, nagsimula na syang maglitanya.

“Totoong married ako. Nung sinabi ko sayong may fiancee ako, natatakot lang ako nun na iwasan mo ako,” sabi nya.

Alam ko na rin naman kasi ang totoo kaya chill lang ako. No comment.

“Nandito ako sa Davao kasi hiwalay na kami. Before tayo nagkakilala, nasa hindi magandang stado na marriage namin,” dugtong nya.

Wala pa rin akong imik. Mga ilang saglit dumating yung order. Saka pa ako nagsalita.

“Oi. Bogchi na, ” pasingit ko.

Humigop syang kape. Ako naman, tinira ko na yung Iced Rocky road. Ang sarap talaga. Lalo na kapag libre. 😀

“Yun na. Sinabi ko na sayo. Wala ka man lang sasabihin?” tanong nya.

Umiling ako. Wala naman kasi talaga akong sasabihin. Alangan naman magalit ako eh the first place alam ko naman.

“Sigurado ka?”

Tumango ako.

“Pero yung sinabi ko sayo na gusto kita, totoo yun. Walang halong biro o kung ano. Hindi ko alam pero yun lang kasi ang nararamdaman ko,” banggit nya.

Deadma pa rin ako. Wala pa rin kasi akong sasabihin.

“Hoy! Magsalita ka naman. Para na akong tanga,” sabi nya.

“Eh wala naman kasi akong sasabihin sayo. Ano ba gusto mo sabihin ko sayo?”

“Yung saloobin mo. Kung ano yung nararamdaman mo. Kung gusto mo rin ba talaga ako. Basta,” paliwanag nya.

“Sige. Gusto kita. Pero hindi rin aabot sa point na sisirain ko lalo yung dapat inaayos nyo na relasyon ng asawa mo. Mas okay rin kasi na maging magkaibigan lang talaga tayo,”

“Teka teka! May deal kaya tayo. Yung cenomar,” singit nya.

“Inamin mo na kaya na married ka. Ano pa silbi nun?”

“Kahit na. Hindi ba sabi ko sayo, kapag napatunayan ng cenomar na hindi ako married, liligawan mo ako? Labo mo naman palang kausap eh,” naiiritang boses nya.

“Fine. Sige. Push mo yan. Pero may gusto lang akong malaman,”

“Ano yun?”

“Remember nung nasa resort tayo? Nung unang araw natin dun. Nag-pass out yata ako. Ala akong maalala eh,”

“Ah. Yun ba. Nung nagkabukol ka dahil sa sobrang kalasingan. Sobrang pinahirapan mo ako nun. Ang bigat-bigat mo pa naman,” paalala nya.

“So nothing happened? I mean. No.. You know what I mean,”

“Gago ka rin. Natural wala. Halos isuka mo na nga intestines mo after kita hinalikan,” dugtong nya.

“Sure ka? The entire time wala talaga?”

“Wala nga! Ang kulet oh. Lugi ako nun. Tss!” sabi nya.

Tang’na! Lugi daw oh. Mas lugi nya ako eh. Baka isang araw bigla nalang akong barilin ng asawa nya.

“Naku Ley. Kapag binaril ako ng asawa mo. Mumultuhin ko kayong dalawa,” paiba ko ng usapan.

“Ewan ko sayo. Hindi nya namang kayang gawin yan eh. Subukan nya lang.” sagot nya.

Right after namin mag-coffee ni Ley, hinatid nya na ako sa amin. Hindi ko sya pinaparada malapit sa amin kasi baka ma-chismax ako ng mga kapitbahay kong walang ibang magawa kundi makialam ng buhay ng may buhay.

“So. I’ll see you tomorrow?” sabi nya.

“Text ka lang. Baka late na naman ako magising eh,” sagot ko.

Tumango sya. Bigyan nya ako ng halik. Saka ako lumabas ng sasakyan. Lakad papunta sa amin.

—————-

Nung nasa kwarto na ako, napaisip ako. Kung tama pa ba na makipagkita ako kay Ley. May feelings ako sa kanya pero hindi kasi talaga dapat. Sana kasi nung una pa lang, umiwas na ako. Pero paano naman ako iiwas kung sya naman yung parang tuko kung makakapit.

Kung ngayon ko rin sya iiwasan, parang unfair naman yun sa kanya. Inamin nya rin naman yung totoo. Yun nga lang, alam ko na. Late na.

Syeeet! Ano ba naman kasi ‘tong pinasok ko. Kung pwede lang sana sa buhay yung mag-pause, rewind at mag-fast forward.

Napagtanto ko na lahat. Ang tamang gawin ay ang umiwas. Umiwas na kahit sabihin pa nyang hiwalay sila.

Pinatawag ako ng Nanay ko. May sasabihin raw. Bumaba naman ako.

“Ano po yun?” tanong ko.

May inabot sya sa aking envelope.

“Yes! The day after tomorrow na talaga?” masayang banggit ko.

May ticket na kasi ako. Tuloy na yung last minute vacation sa Manila kasama ng Tita at pamangkin ko. Hindi lang makakasama si Nanay kasi may ibang lakad sya tapos wala ng maiiwan sa bahay.

“Pack your things para wala kang makalimutan,” paalala ng Nanay.

Agad naman akong nag-impake. Syeeet! Ilang taon rin akong hindi nakakabalik ng Manila. Sabi pa ni Mama mga ilang linggo raw kami dun.

Dahil sa sobrang na-excite ako sa bakasyon, hindi ko na naisip si Ley o yung mga sinabi nya. Sa isip ko rin, baka sign na yun na dapat ko na talaga syang iwasan at kalimutan.

———

6:30am pa lang. Nagri-ring na ang phone ko. Si Ley tumatawag. Nakakailang missed calls na rin sya tapos may message.

Ley: good morning beh. sorry hindi ako mkakapunta NSO now. uwi ako ng province kasama si Papa. – 5:45am

Hindi ko na sinagot ang tawag at text nya. Wala na rin naman kasing na kumuha pa sya ng Cenomar kasi inamin nya na rin. Tapos wala na rin akong plano makipagkita pa sa kanya.

Pinatay ko ang phone ko. Wala na rin naman kasi akong ka-text maliban sa mga kasamahan ko sa gym.

Balik sa pagtulog. By 10 am sasamahan ko pa si Mama mamili ng pomelo para ipasalubong kaya kailangan kong makapag-charge. May ugali pa naman ako na sa sobrang excitement, hindi ka makakatulog.

————

8pm. The night before our flight. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung dahil ba sa excitement or dahil parang may kulang.

Naisipan kong buksan ang phone ko. May mga nagpop-up na mga messages mula kay Ley. Yung isang message nya.

Ley: Beeeeeeeeeh! Bakit nakapatay phone mo?? Bakit hindi ka nagre-reply??! May problema ba?? Nandito ako sa labas ng bahay nyo. Please beh. Kanina pa ako dito.. -6:48pm

Bumaba ako. Sumilip sa bintana. Wala namang tao sa labas ng gate namin.

“Ma, Nay, pwede bang lumabas muna ako? Punta lang akong convenience store,” paalam ko.

Pinayagan ako.

Lumabas ako ng gate. Nakita ko sa may kanto yung sasakyan nya. Dun sa pwesto kung san ko sya pinapark nung isang araw. Nilapitan ko.

Binaba nya yung bintana sa driver seat.

“Beh..” umiiyak na sabi nya.

“O? Bakit ka umiiyak?” tanong ko.

“Eh kasi kanina pa ako tawag ng tawag, text ng text sayo. Hindi naman kita ma-contact,” sagot nya.

“Lowbat kasi phone ko. Busy rin ako. Aalis kasi kami bukas,” banggit ko.

“Bakit? San ka pupunta?” tanong nya.

“Manila. Last minute vacation,” sagot ko.

“Ha?? As in tomorrow?? You’re kidding right?”

Umiling ako.

“Hindi ako naniniwala. Sakay ka muna. Coffee shop tayo,” dugtong nya.

“Sa convenience store lang kasi paalam ko. Hindi ako pwede pumuntang malayo,” paliwanag ko.

“Balik ka muna dun. Paalam ka. Sabihin mo lang na dyan lang tayo sa malapit,” sabi nya.

“Hindi ako sure kung papayagan pa ako eh…”

“Subukan mo nga muna kasi. Sige na. Please…”

“Fine. Wait here,” sabi ko.

Bumalik ako sa loob ng bahay. Nagpaalam ng maayos. Mga ilang minutong diskusyon pero pinayagan rin basta hindi umuwi ng late na.

“So ano? Pinayagan ka?” tanong nya.

“Oo. Uwi raw ako before 11:30pm,” sagot ko.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Instead na sa coffee shop kami, dun kami sa Dimsum napunta. Sabi nya kasi, hindi pa sya nakakapaghapunan kakahintay sa akin.

“Akala ko ba nasa province ka? Bakit nandito ka?” usisa ko.

“Nung hindi mo sinasagot tawag ko, akala ko kasi galit ka. Sinabihan ko nalang si Papa na sa susunod na araw nalang. Makakahintay pa naman yung buyer eh,” paliwanag nya.

“Busy nga kasi ako. Nakalimutan kong mag-charge,” alibi ko.

“By the way…” may dinukot sya sa bag nya. Iniabot sa akin ang isang pahabang envelope.

“Ano ‘to?” tanong ko.

“Yung pinapakuha mo sa akin,” paliwanag nya.

“Beh. Seryoso ako. Talagang gusto kita. Hindi nga ba, sabi nila. Pag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan,” dugtong nya.

Cenomar nga! Tang-ina. Sineryoso nya talaga. Pina-cancel nya pa yung lakad nila ng Papa nya kasi akala nya galit ako sa kanya.

“Pinagawa mo lang yata yan eh,” biro ko.

“Yeah right! Look..” iniabot nya sa akin ang phone nya.

Kumuha sya ng pictures habang nakapila sya sa NSO. Langya. Seryoso talaga sya.

“Edited,” banggit ko.

“Eh yung resibo naman po? Paki-check pati yung date,” sagot nya.

“Pinagawa mo rin yan.”

“So naniniwala ka ng literally hindi ako married?” dugtong nya.

Teka. Paano nga nangyari yun? Eh kakasabi nya lang nung isang araw na married sya tapos bakit hindi nag-reflect dun sa Cenomar? Anong hukos-pukos yun?

“How come?” usisa ko.

“Fake yung kasal,” derechong sagot nya.

“Alam na ng family mo?” tanong ko.

“Hindi. Hindi nya rin alam na alam ko na fake yung kasal,”

Hindi na ako nagtanong pa. Hindi rin naman ako kumbinsido eh. Sa isip ko kasi, baka hind pa nakapag-file o baka may aberya.

“So ano? Liligawan mo na ba ako o ako na naman ang manliligaw sayo?” dugtong nya.

“Gutom lang yan. Kain ka na,”

“Labo mo kausap,” nagtatampong boses nya.

“Kelan nga balik mo ng Manila?” iba ko ng usapan.

“Sa June or July. Bakit?”

“Wala lang. 2pm flight namin bukas eh. Baka last week pa ng May balik namin,” sagot ko.

“Maniwala ako sayo. Pakita mo muna sa akin ticket mo bago ako maniwalang aalis ka nga,” sabi nya.

“Hindi naman kita pinipilit maniwala eh. Atleast nag sabi ako na aalis ako,” sagot ko.

Kumain na sya. Kwentuhan kami konte bago nya ako inihatid. Hindi pa rin sya kumbinsido na aalis ako. Nagpa-take out sya ng foods para kena Nanay at Mama raw. Pati sa mga pamangkin ko.

Nung nasa may kanto na kami.

“Beh. Nakita mo na yung Cenomar. So ano na?”

“Basta. Titingnan natin. June or July pa balik mo ng Manila hindi ba?” tanong ko ulit.

“Oo. Marami pang aayusin eh. Bakit ba?”

“Basta. Text-text nalang tayo,” sabi ko.

“Ayan na naman yang litanyang yan pero ako lang ang text ng text. Panay reason mo wala kang load or lowbat,”

“Promise. Text-tex tayo bukas. Hindi ka naman busy bukas hindi ba?”

“Oo. Sa isang araw pa yung lakad namin ni Papa,” sagot nya.

“Okay. Basta. Usap nalang tayo bukas. Thanks dito sa take out. Ingat ka pauwi,” paalala ko saka ko sya binigyan ng goodnight kiss. Sa cheeks. 😛

“Naman eh. Sa pisngi lang? Hindi ba pwedeng sa ano..” ngumuso sya.

“Sige na. Uwi ka na,” bumaba ako ng sasakyan.

Pinaalis ko muna sya bago ako pumasok ng bahay. Nakakaramdam na rin kasi ako ng antok. Ganito pala talaga kapag busog, nakakaantok.

Punas. Toothbrush. Lights off. Hello dreamland!

———

The next day. 9am na ako nagising. Ginising ako ng mga tawag at text ni Ley. Mga ka-kornihan nya. Kesyo miss nya ako. Gusto nya mag-mall kami. Hindi raw kasi sya naniniwalang aalis ako.

Nung nasa airport na kami, saka ko pa sya naisipang tawagan. 2pm ang flight namin. 12noon palang nandun na kami. Malapit lang rin naman kasi sa amin ang airport.

Delayed ang flight namin ng halos isang oras. Yun na rin yata ang pinakamahabang text-text namin ni Ley. Hindi kasi ako masyado ma-text na tao. Unless importante talaga.

Nung nakalapag na kami ng Manila, agad kong i-non ang phone ko. Pop up lahat ng messages nya. May isa syang message na sobra akong natawa.

Ley: Beeeeeeeeeh!! Almost 2hrs ka ng hindi nagre-reply! 1hr and 45mins ang flight Dvo-Mnla. Beeeeeeeeeeeeeeeeeh!

Dahil sa message nyang yun, tinawagan ko na sya.

“Ikaw kasi ayaw mo maniwala. Akala mo kasi nagjo-joke ako,” sabi ko.

Hindi sya umimik. Maya-maya biglang umiyak. Binaba ang phone.

Hindi na rin ako nag-usisa pa. Alam nyo namang insensitive ako. Nyahahaha! 😛

Bigla syang nag-text.

Ley: ’till when kayo dyan?
Me: Last week of may. dunno pa.
Ley: Okay. Ingat. Sleep muna ako. Pinaiyak mo na naman ako! 🙁
Me: OA. sige. Lowbat na rin ako. Malayo pa ang Marikina. 😛
Ley: ingat. I love you beh. Huwag makikipaglandian sa iba.
Me: hahaha. 😛 ang bakla ng message mo. nyahaha! 😛

Lowbat talaga ako. Totoo na talaga. 😀

About ihatelovestorys

Hindi po ako makata. Nagpapasalamat po ako sa mga bumasa ng gawa ko. Nakakataba po ng puso. Unang beses ko po gumawa ng blog serye. 🙂 wattpad: follow read my stories: