Thou shall not KABIT- Chapter 8

Thou shall notHindi ko inasahan na makikita ko pa si Ley. Akala ko kasi yun na ang huling pagkakataon na makikita ko siya. Nung nasa resort pa kami. Ilang araw rin ako naghintay ng text o tawag mula sa kanya bago ako nagpalit ng number pero wala eh.

Nung nakita ko siya ulit, nag-flashback lahat ng nangyari sa resort. Yung kunwaring kami pero hindi pala talaga. I admit, nakakamiss siya pero hindi puwede. Dapat pigilan. Married siya. Kahit na ilang beses siyang mag-deny, may ibang tao pa rin ang magpapaalala sa akin na pag-aari na siya ng iba.

Nung nagkausap ulit kami nung birthday ni Ate Arlene, nagpaliwanag siya kung bakit hindi siya nagparamdam. Kasi busy raw siya. Marami siyang dahilan. Kahit ano pang dahilan niya, hindi pa rin ako kumbinsido.

Hindi rin naman sa sinisiraan siya nila Ate Kris. Gusto lang raw nila malaman ko ang totoo. Walang idea si Ley na pinagsabihan na ako nila Ate Kris at nung pinsan niya. Nakakahalata na rin kasi siya na umiiwas ako sa kanya nung party kaya hindi siya nakatiis. Nagtanong siya.

“Beh” sabi niya.

“Po?”

“May itatanong ako. Gusto ko magsabi ka ng totoo” dugtong niya.

Sa loob ko, bakit kaya hindi ikaw ang magsabi ng totoo. Gaguhan yata ang gusto niya.

“Ano yun?” sagot ko.

“May sinabi ba sila Insan sa ‘yo?” tanong niya.

“About what?”

“Basta. May mga sinabi ba siya? Sila?”

Sarap sanang sabihing alam ko na. Alam na alam na.

“Wala naman. Hindi naman kasi kami close ng pinsan mo eh” kunwari ko.

“Eh si Kris? May sinabi ba?”

“Wala rin. Ano ba kasi yun?”

“Wala naman. Baka kasi may sinabi sila. Kung meron man, huwag kang maniwala, okay?”

“Sige,” sagot ko.

Lokohan at bolahan yata ang gustong mangyari ni Ley. Oh sige pagbibigyan kita. Wala rin namang mawawala kung makikipaglokohan ako sa kanya.

After namin nagkausap ulit, madalas na kaming nagkikita. Madalas na rin ang text at tawagan. Sinamahan niya pa nga ako nung naghahanap ako ng malilipatang school. Siya rin naman kasi ang nag-offer. Choosy pa ako. May sasakyan na ako, tipid na sa pamasahe, libre pa lunch ko. Hahaha!

Una naming pinuntahan yung school na pinapatakbo ng mga madre. Sabi dun, babalik raw ako ng first year.

“Aaaaahh.. Ganun po ba?”

“Puwede po pahingi nalang ng course outline?” kunwari ko pero dehins na ako dun.

Pagkabigay, alis agad kami. Lipat sa pangalawang school. Same thing. Yun nga lang second year raw ako kasi natapos ko na yung ibang minors.

“Aaaaahh.. Ganun po ba?”

“Puwede po pahingi nalang ng course outline?” lintanya ko kapag hindi ko gusto yung kondisyon.

Papalabas na kami ng school nung nagreklamo syang napapagod na raw siya.

“Sabi ko naman kasi huwag na, sasama-sama ka talaga”

“Eh hindi ko naman kasi alam na ganito naman pala. Gutom na rin kasi ako” sagot niya.

Kumain muna kami sa Mandarin. Siyempre libre niya. Pang-Mcdo lang budget ko eh. Sorry naman. Hahahaha 😀

Habang hinihintay namin yung order, ring nang ring ang phone niya.

“Hindi mo ba sasagutin yan? Baka importante,” sabi ko.

Umiling siya. Saka pinatay ang phone.

“Curious lang ako. Separada ka ba?” deretsong tanong ko.

Tumawa siya.

“Sira ulo ka kung magtanong. Bakit mo naman naisip yan?”

“Eh wala lang. Baka kasi may biglang bumaril sa akin. Asawa mo pala,” pabirong sabi ko.

” Single ako. Pero kung sasagutin mo ako, magkaka-boyfriend na ako” sagot niya.

“Sagutin mo ‘yang mukha mo. Pakita mo muna sa akin na single ka nga. Kuha ka ng Cenomar sa NSO,” dugtong ko.

“Hala! May ganun? Pero sige. Kapag napatunayan ng Cenomar na hindi ako married, dapat ligawan mo ako,” hirit niya.

“Nyee.. Ganun? Pero sige. Gusto ko yung authenticated tapos kasama ako kapag kukuha ka,” kundisyon ko.

“Game! Sige. Deal,” sagot niya.

Right after naming kumain sa Mandarin, nagpunta pa kami sa isang school. Medyo malapit lang sa amin. Tapos along the way na rin sa kanila.

Punta akong registrar. Nag-inquire. Dala-dala ko rin kasi ang TOR mula sa previous school ko.

“Patingin ng TOR mo” sabi nung registrar.

Bigay ko naman.

“Saglit lang” dugtong ng registrar.

Nakaupo kami sa isang pahabang monoblock na upuan. Kuwentuhan konti. Mga ilang minuto lumipas, tinawag kami nung registrar.

“Eto lang yung mga subjects na kukunin mo if in case dito ka mag-eenroll,” sabi niya.

Nagulantang ako. Syeet! Isang sem apat lang subjects ko.

“Sure yan, Ma’am?” tanong ni Ley.

“Yes, Ma’am. Same lang kasi ng course outline nung dating school niya pati yung sa amin. So 3rd year irregular siya. Yung major subject niya, next sem pa. So next sem siya magiging regular,” sagot ng registrar.

“Sus! Yun naman pala. Ang dami pa nating napuntahan,” sabi ni Ley.

“Eto mga requirements mo. Pero last week of May pa start ng enrollment. Balik ka na lang,” dagdag ng registrar.

Binigyan rin ako ng registrar ng computation kung magkano ang magagastos.

“Mahal pala talaga mag-nursing anoh?” sabi ni Ley habang pabalik kami sa kotse. Hawak-hawak niya yung quotations.

“Kinda. Eh pinsan ko naman magpapaaral sa akin. Scholar kasi ako ng corporation nila. ‘Lam mo na. Para less ang tax” sagot ko.

“Ako. Wala akong plano mag-nursing. Takot ako sa dugo eh,” banggit niya.

“Wee? Eh paano kapag nagkaanak kayo ng Mister mo?” hirit ko.

“Teka. Kanina ko pa napapansin na pinipilit mo yang Mister-mister. Hindi ka ba naniniwala sa akin?”

“Ha? Biro lang. Pero still. Requirements ang Cenomar,” palusot ko.

“Oo na. Bukas ng umaga. Dun na tayo magkita sa NSO. Teka, san ba NSO dito?” tanong niya.

Papasok kami ng kotse.

Sinabi ko sa kanya ang direction. Dun na rin kami dumaan para alam niya kung saan siya pupunta bukas.

Seryoso ako sa pagpapakuha ng cenomar sa kanya. Dun na kasi magkakaalaman kung ano ba ang totoo.

Nagyaya siyang mag-stroll muna. Aksaya ng gas. Mayaman naman siya kaya okay lang. Maaga pa rin naman kaya okay lang rin sa akin.

“Alam kong may sinabi sila Kris at Insan sa ‘yo,” biglang sabi niya habang nagmamaneho.

“Ha? Sinabing alin?”

“About this,” may kinuha siya sa glovebox. Isang maliit na box. Box yata ng singsing.

“Wedding ring?” sabi ko.

.Syet na makagkit! No need na yata ang cenomar. Tsss!

“Fine! I’ll be honest,” sabi niya.

(Itutuloy po)

About ihatelovestorys

Hindi po ako makata. Nagpapasalamat po ako sa mga bumasa ng gawa ko. Nakakataba po ng puso. Unang beses ko po gumawa ng blog serye. 🙂 wattpad: follow read my stories: