Thou shall not KABIT- Chapter 7

kabitIsang linggo rin akong walang balita kay Ley. Hindi rin naman kasi talaga ako mausisa na tao. Hindi rin ako mahilig sa text-text. Sa sobrang nakululitan na ako kay EX-ASA, nagpalit ako ng number. Kaya rin siguro wala akong balita kay Ley.

Isang linggong pag-ibig nga lang siguro yung nangyari. Hindi nga umabot ng isang linggo eh. Mga ilang araw lang kaya mula nung una naming pagkikita. Nasa akin pa rin yung singsing na bigay nya. Sarap nga sana dalhin sa sanglaan pa isangla eh pero joke lang po yun. Haha. Hindi naman kasi talaga akin yun kaya kailangan isauli.

Tinawagan ko si Ate Kris. Naalala ko kasi sinabi ni Ley na magkapitbahay lang sila kaya si Ate Kris yung naisipan kong pakisuyuan. Sa isang coffee shop kami nagkita ni Ate Kris. Kasama nya yung hubby nya. Hindi ko alam kung may idea ba si Ate Kris tungkol dun sa mga nangyari sa resort.

“So ano? Bakit ka nagyaya?” tanong ni Ate Kris.

“Ano kasi. May pakikisuyo lang sana ako. Nakalimutan ko kasing ibalik kay Ley” wika ko sabay abot sa singsing.

“Ha? Ano ‘to? At bakit nasayo ‘to?” tanong nya.

“Pinahiram nya kasi sa akin yan. Hindi ko na nakuhang ibalik nung….”

“Teka teka teka. Nalilito ako.”

“Paano? Don’t tell me ikaw yung kasama nya sa resort?!” dugtong nya.

Napayuko ako saka tumango.

“Ano ba naman yang pinasok mo. Eto ah. Babala ko na sayo ‘to. Iwas-iwasan mo ang paglapit at pagsama sa kanya”

“May asawa yun. Nasa Manila” sabi nya.

BOOM! Wasak. Yun na.

“Tama nga yung kutob ko pero deny to death rin sya” sagot ko.

“Kahit na. Ngayong alam mo na, alam mo na rin ang gagawin mo. Ako na magsasabi sayo, umiwas ka na. Hindi mo alam yang pinapasok mong gulo. Bata-bata mo pa. Marami pang iba dyan.”

Hindi na ako nakapagsalita. Totoo pala talaga ang kutob ko. Hindi ko lang alam kung bakit sobrang deny nya. Pwede naman syang maging honest sa akin.

“Oh sya. Ako na bahala magsauli sa kanya neto. Basta. Iwasan mo na sya.” paalala ni Ate Kris.

Tumango lang ako. Kaya naman pala hindi ako kumbinsido sa mga sinsabi ni Ley, totoo pala talaga. Syeet na malagkit! Sakit rin pala. Karma ko na yata ‘to dahil sa ginawa kong pag-iwas kay EX-ASA. After sa coffee shop, umuwi ako. Wala naman akong ibang gusto puntahan. Hindi rin ako mahilig magtagal sa mall kapag walang bibilhin.

Pagdating sa bahay, sinalubong ako ng pamangkin ko (Anak ng pinsan ko).

“Tita. Punta kami Manila. Sama ikaw?” sabay pagmayabang nya.

“Oh? ‘di nga? Sino kasama?”

“Si Mama (Tita ko. Lola nya)” masayang sabi ng pamangkin ko.

“Ma! (Mama rin kasi tawag ko sa Tita ko) Sama ako.” sabi ko.

“Sabihan mo Ate (Pinsan) mo na kunan ka ng ticket” sagot ni Mama.

“Kelan pala alis nyo?”

“Baka next week or next-next week” sagot ulit ni Mama.

Taeng-tae ako na sumama. Tinext ko agad ang pinsan ko. Sabi susubukan nyang maghanap ng murang ticket para makasama ako.

Umakyat ako sa kwarto. Nagmu-munimuni. Mas okay rin siguro na maka-alis ako ng Davao for a while para makalimutan ko yung nangyari. Tumatak kasi. Akala ko pa naman okay. Summer love affair lang pala talaga yun.

Nag-vibrate ang phone ko. Si Ate Kris nagtext.

Ate Kris: Bday ni Madz Arlene bukas. Sbi sumama ka rw.
Me: Cge. Papaalam ako. wat tym po?
Ate Kris: 4pm. Paalam ka na rin na sa amin ka sleep over.
Me: cge.

At dahil mabait akong bata, pinayagan ako ng Nanay ko. Agad naman ako nag-reply kay Ate Kris para ibalita na makakasabay ako.

Tinawag ako ng Nanay para kausapin. Sabi kailangan ko na raw maghanap ng bagong school kasi sa pasukan, back to school na ako. Laking tuwa ko naman. Isang taon rin kasi ako tumigil. Bumagsak kasi ako sa isang subject kaya pinatigil muna ako. Panay kasi ang gala ko nung mga panahong yun. Napabayaan ko na pag-aaral ko.

Upcoming 4th year student pa naman ako nun. Sobrang sakit pala sa panga. Isang taon akong natega sa bahay. Kain, tulog, internet lang ang ginagawa ko. Boring na. Na-mimiss ko na mag-aral. Mag-puyat dahil may exams. This time, sure ako na matatapos ko talaga. Hindi pwedeng hindi. Nagkamali ako dati. Napunta sa maling barkada pero this time, aim for the toga and the diploma na!

—————–

Dahil sa binalita sa akin ni Nanay, hindi ako nakatulog dahil sa sobrang excitement. New school, new faces, maybe new love life. Pero dapat focus muna sa school. 8am na ako dinalaw ng antok kaya sobrang late na rin ako nagising. Bandang 4pm na. Naka-silent rin ang phone ko kaya hindi ko narinig ang tawag nila Ate Kris. Sumunod nalang raw ako dun sa address na tinext nila. Dali-dali na akong nag-ayos. Hindi na rin kumain para isang kainan nalang. Party rin naman ang pupuntahan kaya choks to go na. Makulilim sa labas, senyales na uulan kinagabihan. Ang init rin kasi. Pagkalabas ko, umaambon na konte. Tamang-tama rin kasi naka-hood ako.

Alas-singko ng hapon ng makarating ako dun. Sinalubong ako ni Kuya Jong (hubby ni Ate Kris) sa may gate ng village.

Naglakad lang kami. Sabi kasi ni Kuya Jong malapit lang tapos para makapag-yosi rin sya. Inalok nya ako. Umiling ako.

“Ay oo nga pala anoh. Hindi ka nga pala naninigarilyo” sabi nya.

Tumango ako. Kwentuhan kami habang naglalakad. Tinanong nya ako tungkol dun sa nangyari sa resort. Na-kwento raw kasi sa kanila nung pinsan ni Ley sa kanila. Hindi ako sumagot.

“Ay sus. Sekreto ka pa. Eh halos naman lahat binalita sa amin ni Chu (Yung pinsan ni Ley)” sabi ni Kuya Jong.

Ngumiti lang ako. Nasa harap na kami ng bahay ng may bday.

“Akala ko bday ni Ate Arlene eh bakit konte lang ang tao?” tanong ko kay Kuya Jong.

“Eh kasi tayo lang invited. Ayaw mo nun” sagot nya saka binuksan ang gate.

Pagpasok namin sa loob, kokonte lang talaga ang tao. Nandun pa talaga yung crush ko. Yung isang kumare nila Ate Kris. Actually, nung binyag, sya talaga ang bet ko. Hindi lang ako maka-move kasi si Ley ang katabi ko nun.

“Oi” sabi ni Karen (yung bet ko). Abot tenga ang ngiti ko. ^_____^

“Hi!” bati ko.

“Bakit ngayon ka lang?” tanong nya.

“Dumating sa buhay mo?” hirit ko. 😛 (The moves 1.1)

“Sira!” nakangiting sabi nya.

“Late na ako nagising eh”

“Halata nga. Mugto pa mga mata mo. Dito ka na sa tabi namin.” dugtong nya.

“Asan si Ate Arlene?”

“Kinuha nila yung cake sa mall. Dapat nandito na nga sila eh” sagot nya.

Lumabas mula sa banyo si Ate Kris. Tumabi sa akin.

Nagkantahan muna habang wala pa ang celebrant. Iilan lang rin kaming inimbitahan. Parang hindi nga birthday kasi halos lahat ng nandun, mga kainuman lang nila Ate Arlene nung binyag.

“Bakit tayo lang ang tao?” tanong ko kay Ate Kris.

“Ayaw ni Mads ng madami. Hindi ko nga alam bakit pilit ka nyang pinapapunta.”

“Di nga? Special guest ako?” patawa ko.

Katabi ko si Karen sa kaliwa, sa kanan si Ate Kris. Nagkakantahan sila. Ako naman panood-nood lang. Mahilig naman ako sa music pero kasi parang ayaw sa akin ng musika. Gusto ko kumanta pero baka bumaha. Naloko na. Bahain pa naman yung lugar nila. Hehehe. 😛

Mga ilang minuto lumipas, may pumaradang sasakyan sa harapan.

Tumayo si Karen.

“Andyan na pala sila” banggit nya.

Akala ko, may ibang kasama lang si Ate Arlene. Nung pumasok na sila, laking gulat namin ni Ate Kris. Si Ley! Sya yung may bitbit ng cake.

Nagkatitigan kami ni Ate Kris. Nagkasenyasan. Siniko nya ako. Napayuko ako. Awkward. 😛

About ihatelovestorys

Hindi po ako makata. Nagpapasalamat po ako sa mga bumasa ng gawa ko. Nakakataba po ng puso. Unang beses ko po gumawa ng blog serye. 🙂 wattpad: follow read my stories: