Thou Shall not KABIT- Chapter 12

Okay. Ouch! Masakit. Masakit ang sampal na inabot ko kay Ley. Pero bakit nya ako sinampal? Kasi sinabi ko ang totoong nararamdaman ko?  na ayokong maging kabit o dahil nase-sense niya na alam ko na ang lahat.

Flashback nga muna.

Nung una kaming nagkakilala, sabi ng pinsan niya married siya tapos may problema lang sila ng mga panahong yun. Kumuha siya ng Cenomar sa NSO, hindi talaga sila married.

Sa isip ko, ano pa nga ba ang paniniwalaan ko? Ang sabi-sabi ng iba o yung mga sinasabi niya.

“Beh.. Sorry. Sorry talaga,” banggit niya habang hinihipo yung pisngi ko na sinampal niya.

Hindi ako umimik. Nakahawak ako sa pisngi ko, nakatingin sa kalsada.

“Beh naman eh. Sorry nabigla lang ako,” nagmamakaawang boses niya.

“I have to go, Ley. May class pa ako,” alibi ko. Sinubukan kong buksan ang pinto ng sasakyan, pero naka-lock pala. Yung child safety lock.

“Ley, please,” pakiusap ko sa kanya.

Hindi siya umimik. Bigla siyang nag-drive. Maluha-luha ang mga mata niya.

“Alam kong wala kang pasok. Kailangan nating mag-usap nang maayos. Yung tayong dalawa lang,” banggit niya.

“Nag-uusap naman tayo ngayon ahh. Tsaka san mo ba ako dadalhin?” usisa ko.

“Somewhere. Kung saan pwede tayong makapag-usap nang maayos,” sagot niya.

Nung nag U-Turn siya, alam ko na kung saan niya ako dadalhin.

“Ley. Masyadong malayo ang resort. Pls. Kailangan kong umuwi before 6,”

“Okay. Pero habang nag-uusap tayo, dapat puso sa puso, beh,” sagot niya.

Tumango ako. Patuloy siya sa pag-drive.

Habang nagmamaneho siya, tahimik kaming pareho. Tunog lang ng mga music na nanggaagaling sa stereo ng sasakyan niya at ang mga busina ng jeep at iba pang sasakyan. Hindi rin ma-traffic.

Sa isang resort kami pumunta. Yung malapit lang sa area. Hindi na kelangan tumawid sa kabilang ibayo. Mas malapit nga lang sa area nila. Mga 1 ride lang pauwi sa amin.

Dumeretso kami sa may pinaka-restaurant ng resort. Dun na lang raw kami mag-uusap. Mangilan-ngilan lang rin ang tao sa resort. May isang grupo ng mga studyante na nagkakasiyahan. May mag-syotang nagce-celebrate yata ng anniversary o monthsary o ano mang occasion meron. May cake kasi sila.

“Beh,” tinapik ako ni Ley. Hindi ko namamalayang nakatulala ako. Nakatingin sa mag-syota.

“Ha? Anong sabi mo?” tanong ko.

“I’m asking, ano gusto mo? Bawal ka ng seafoods, right?”

Tumango ako.

“Ikaw na bahala,” dugtong ko.

Umorder na siya. Ako naman, nakatingin pa rin sa dagat. Makulimlim pa rin.

“Yun lang muna siguro. Paki-serve na lang muna yung kape,” narinig kong banggit ni Ley.

“Yes, Ma’am. Excuse me po,” sagot nung babae na napasobra yata sa blush on.

“So ano bang pag-uusapan natin?” tanong ko sa kanya.

“About us. Ano ba kasi ang ayaw mo sa akin, beh?”

Napaisip ako.

Ano nga ba ang ayaw ko sa kanya? Mabait naman siya. Sweet.

“Wala naman akong ayaw sa ‘yo eh. Sa totoo lang, gusto naman kita. Yun nga lang ayoko kasi…”

“Kasi dahil sa kasal-kasal na yun? Hindi pa ba proof sa ‘yo yung Cenomar?” sabat niya.

“Ano ba rin kasi ang gusto mo?”

“Maging tayo. Kasi sobrang gusto kita. Mahal na rin kita. Hindi mo ba nararamdaman?”

Sa totoo lang, nararamdaman ko naman sa kanya yung sincerity. Sino ba naman ang tanga na pabalik-balik ng Davao-Manila-Davao para lang makasama ako? Yung tipong hinahabol ako kahit na ganito ako.

“Mahirap kasi. Baka isang araw bigla na lang ako pasabugan ng shotgun habang papalabas ako ng bahay o sa labas ng school. Katakot naman yun,” pabiro ko.

“Beh.. No jokes muna ngayon, please. Ano ba kasi?”

“Okay. Last na ‘to. If ganun pa rin ang sagot mo, promise, iiwas na ako. Hinding-hindi mo na ako makikita. Do you feel the same way? I mean, may nararamdaman ka rin ba sa akin aside sa gusto mo ako?” dugtong niya.

Natameme ako sa sagot niya. Naglalaban ang puso at isipan ko. Para bang gusto ng puso ko maging kami, pero ayaw ng utak.

PUSO: Sige na! Ayaw mo nun, may magmamahal sayo?
UTAK: Gulo yang papasukin mo! Makinig ka sa akin.
PUSO: Tapos kapag napakawalan mo sya, ano na? Nga-nga ka?
UTAK: Mas masarap ang buhay single. No stress!
PUSO: Subukan mo lang. Malay mo magtagal kayo.
UTAK: Eh kung bigla kang iwan dahil sa “asawa” nya? Nga-nga ka rin?
PUSO: Susubukan lang naman eh!
UTAK: Basta sinasabi ko sayo, sa akin ka makinig.
PUSO: Try mo lang naman. Kung hindi mag-work, edi wala. Atleast naging happy ka
UTAK: Tapos after isang linggo, pahihirapan mo ako? Angina na naman? tsss!
PUSO: go na!

“Beh?” tapik niya sa akin.

“Sorry. Marami lang talagang naglalaro sa isipan ko. Ano nga ulit yun?”

“Naman eh. I’m asking if you feel the same way, too. Promise. Kung ano yung sagot mo, tatanggapin ko,” napayuko siya.

“Okay. I feel the same way, too. I like you. I think I love you. I dunno. Basta. Yun na sagot ko,”

Ngumiti siya. Ngiting bata. Yung batang nabigyan ng christmas gift.

UTAK: Olats! Goodluck, men!
PUSO: Yeeeey! I win I win!

(Pasensya na po kung matagal bago nasundan. Busy lang po kasi talaga ako. Hehehe. Daming raket eh. Salamat po sa pag-aabang!

And by the way po, wala pong chapter 11. 😛 Baka kasi may magalit. Eheheheh. Peace!)

(Itutuloy)

About ihatelovestorys

Hindi po ako makata. Nagpapasalamat po ako sa mga bumasa ng gawa ko. Nakakataba po ng puso. Unang beses ko po gumawa ng blog serye. 🙂 wattpad: follow read my stories: