Thou shall not KABIT- Chapter 10

kabitiesIt has been a rough and not so good summer for me. Nag-enjoy naman din ako sa aking last minute vacation sa Manila. Rough kasi dumating si Ley. Nagulo ang aking dati pang magulong mundo. 😛

Mga isang linggo na kaming nasa Luzon, sumunod rin siya. Siyempre, hindi ko pinaalam san kami dun. Ang alam niya lang sa Marikina kami. Nung nag-road trip kasi kami papuntang Pangasinan, siyempre mahabang biyahe, nag-isip-isip ako. Hindi ko kasi talaga maatim na pumasok sa isang hindi tamang relasyon. Oo. May feelings ako sa kanya, pero hindi kasi dapat.

I texted her. Sabi ko hindi talaga puwede. Gusto ko friends lang kami. Kaya siya sumunod kasi gusto niyang magkita kami. Kahit ano na ayginawa niya. Pumunta siya ng Marikina, pero hindi niya alam san ako dun. Hindi ko na rin kasi sinasagot ang mga tawag at text niya.

Nung sinabi niya na nasa Manila siya, hindi ako naniwala. Si Ate Kris ang nag-kumpirma na nakaalis na si Ley kasi sa kanilang Ticketing booth kumuha si Ley ng ticket. Napamura nga ako nung sinabi sa akin ni Ate Kris.

Huling nag-text siya sa akin nung sabi niya na kapag nagkita kami, yun na ang huling beses raw. Nakiusap ako sa Tatay ng pamangkin ko na samahan ako. Nasa Las Pinas si Ley. Sa bago niyang bahay tapos kami Marikina. Sabi ng Tatay ng pamangkin ko na sabihan na lang si Ley na sa Gateway na lang kami magkita kasi may sasakyan rin naman raw si Ley. Kami kasi magco-commute kasi coding nung time na yun. Pumayag naman si Ley.

Nung nasa gateway kami, sa Starbucks kami nagkita. Iniwan ako saglit nila Kuya dun para makapag-usap kami ni Ley.

“Bakit mo ba ako iniiwasan Beh?” tanong niya.

“Hindi po kasi tama. Sorry pero hindi talaga,” sagot ko.

“Akala ko ba, gusto mo rin ako?”

“Oo pero hindi puwede. Kasalanan na nga na ganito ako, mas lalo pa akong susunugin sa impiyerno kapag pinatulan kita,” deretdong sagot ko.

“Teka. Bakit ba ganito? Sinulsulan ka na naman ba ng pinsan ko at ng mga kaibigan niya?”

Umiling ako kasi hindi naman talaga.

“Beh naman.. Huwag naman ganito. Wala naman akong sabit eh. Hindi nga ako married. Ano pa ba gusto mo?”

“Wala. Ang gusto ko lang ngayon yung tigilan mo na ako. Iwasan mo na ang pagtawag sa akin. Hindi kasi talaga tama, Ley. Mali. Sobrang mali,”

“Hindi acceptable ang reason mo. Pakakawalan lang kita kapag katanggap-tanggap ang reason mo. Pero this? This is bullshit!” naiinis na boses niya.

“I need to go,” sabi ko. Nakita ko na kasi sa labas ng shop sina Kuya.

“Beh please….”

Umalis pa rin ako. Nakaramdam ako ng sobrang sakit pero para sa akin, tama ang decision ko. Wala rin naman kasi papupuntahan yung ganung relasyon. Ako rin ang talo sa huli.

————–

Umuwi ako ng Davao. Hindi na rin kami nagkausap ni Ley mula nung huling pagkikita namin. Mas maigi na yun. Hindi na magiging magulo ang mundo ko. Yun ang inakala ko.

Masyado talagang maliit ang mundong ginagalawan namin ni Ley. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtatagpo pa rin ang landas naming dalawa.

Birthday ng anak nung common friend namin. Dun ulit kami nagkita. Nagkausap na naman.

Nung nakita ko uli sya, parang may nagbago sa kanya. Siguro dahil hindi nya na suot yung kwintas na may singsing. Hindi na rin ako nagtanong tungkol sa asawa niya. Blooming rin. New hairstyle, bago ang kulay. Bagay naman sa kanya.

Nung mga panahon ring yun, wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya. Civil nalang rin ang pakikitungo ko. Pero hindi mo maalis kay Ley ang kanyang likas na pagiging sweet.

Nung nasa Davao siya, nag-aaral na ako nun, after ng pasok ko, sinusundo niya ako na animo’y “School Service” ko siya. Tapos may dala parating pasalubong. Oh ‘di ba? Instant “Yaya” rin. Nyahahaha! 😛

Kahit anong pilit ko sa kanya na huwag nang pumunta ng school ko or kung ano pa, walang epekto sa kanya. Masaya raw siya sa ginagawa niya. E di sige! Push pa!

Mga isang buwan rin siyang ganun. Nung umuwi na siya ng Manila, iba na naman ang pumasok sa isip niya. Yun ay ang bayaran ang “Tuition fee” ko. Tang-ina this! Anong akala niya sa akin, pulubi?? Eh fully paid na ang whole sem ko! Nyahaha! Mayaman kaya ako! (Joke lang! Nyahaha! Libre lait!) 😛

Ni minsan, hindi ako nanghingi ng kahit ano mula sa kanya. Hindi kaya ako pulubi. Kuripot ako, oo, pero yung palahingi, NO way! Highway! Nyahahah..

Isang buwan na ganun ang set-up namin ni Ley. Umuwi siya ng Manila para sa asikasuhin ang kung ano pang ka-eklatan sa buhay niya. Hindi kasi ako matanong na tao. Nung sinabi niyang uuwi siya, tumango lang ako. Tsaka hindi naman kasi kami kaya bakit ako magtatanong.

Pinagseselosan ni Ley yung isang kaklase kong close ko na. Cess ang name niya. Same kaming transferee sa school. Galing siya sa isang Pribadong paaralan na pinapatakbo ng mga Madre. Yung mga Madreng akala mo naman kay banal, eh masasama rin pala ang ugali.

Na-kick out si Cess sa paaralang yun dahil sa sobrang kapilyahan. Hindi ko nga alam kung bakit, pero agad kaming naging magkasundo. Parang pareha ang hulma ng mga bituka namin. Same ng genre ng song ang gusto, same ang artist na gusto rin.

Hindi ko crush si Cess. May boyfriend rin siya. Lakas nga lang maka-yosi. Tapos halos kada-araw umiinom. Sabay lang ako. Hindi ako umiinom. Sabay lang. Taga-laklak ng pulutan nya. Nyahaha! 😛

Gusto ni Ley na iwasan ko si Cess. Hindi ko sinunod. Kapal niya! Hindi naman kami. Tsaka wala namang ginawang masama sa akin yung tao bat ko iiwasan. Suwerte ko nga kasi may bagong kaibigan na ako. Hindi na akong mukhang tangang kumakain mag-isa kapag lunch. Loner lang ang PIG? este Peg pala. Nyahahaha. 😛

Isang makulimlim na araw. Tapos na pasok. Half day lang ako. Sinopresa ako ng sundo ni Ley sa school. Paking syeeet! Nasa Davao na naman siya. Parang ginawa niya lang kubeta at kuwarto ang Davao ahh.

Nakaparada ang kanyang sasakyan sa may unahan ng school. Memorize ko na ang plate number ng mga sasakyang ginagamit niya. Nasa tatlo kasi ang sasakyan niya. Oh ‘di ba? Ang gara! Daming tsekot?!

Kasama ko si Cess nun. Manananghalian sana kami dun sa karinderyang paborito naming tambayan.

Nilapitan namin siya.

“Hi Beh. Tara lunch tayo,” sabi niya.

“May kasama kasi ako. Next time na lang,” sagot ko.

“Okay lang naman siguro kay Cess na snatch muna kita. Okay lang ba, Cess?”

“Ha?! Ah.. Oo naman po. Sige Chong. Kita-kits na lang sa Micro bukas,” paalam ni Cess.

“Thanks Cess,” singit ni Ley.

Sa isipan ko, parang nakakainsulto. Puwede naman kasi sana sabay kaming mag-lunch tatlo. Bakit gusto niya kami lang? Ilang beses na rin naman kasi kami nagsasabay. Alam kong ayaw niya kay Cess, pero hindi ko lang nagustuhan ginawa niya. Parang ang bastos. Ahh! Ewan!

Nung nasa sasakyan na, tahimik lang ako. Salita siya nang salita.

“Saan mo gusto kumain?” tanong niya.

Hindi ako umimik.

“Beh? May problema ba?” dugtong niya.

Hindi na ako nakatiis.

“Hindi ko gusto yung ginawa mo,” sagot ko.

“Alin?”

“Yung kasama ko si Cess tapos..”

“Eh anong masama dun? Gusto kita masolo? Tsaka bakit ba? Don’t tell me..”

“Masolo? Pwede naman kasi sana magtext ka na darating ka. Hindi yung surprise surprise pa!” naiinis na sabi ko.

“Hindi kita maintindihan! Bakit ka ba ganyan?! Pagdating sa kanya sobrang ewan ka! Gusto mo ba siya?!”

“Hindi ko siya gusto, okay! Pero may usapan na kami. Puwede rin naman kasing isaman na lang siya,”

“Eh sa gusto ko masolo kita! Bakit ba?! Ang liit na bagay, pinapalaki mo!”

“Bakit ba kasi hindi mo na lang ako tantanan, Ley?! Hindi mo ba makuha na hindi tayo pwede?!”

Nag-emergency park siya.

“Tantanan kita?! Para ano?! Okay naman tayo ahh! Sinabi ko na sa ‘yo na wala akong sabit! Bakit hindi mo makuha yun?!”

“Kahit na! AYOKO MAGING KABIT!” sigaw ko.

Sinampal niya ako… Syeet! Ang sakit! 🙁

About ihatelovestorys

Hindi po ako makata. Nagpapasalamat po ako sa mga bumasa ng gawa ko. Nakakataba po ng puso. Unang beses ko po gumawa ng blog serye. 🙂 wattpad: follow read my stories: