This Time I Know It’s Forever (Sequel to Bukas, Kapag malaya Na Tayo)

Parting Lovers (Photo Credit: Dphotographer.co.uk)
Parting Lovers (Photo Credit: Dphotographer.co.uk)
Parting Lovers     (Photo Credit:    Dphotographer.co.uk)
Parting Lovers (Photo Credit: Dphotographer.co.uk)

“It’s a heartache, nothing but a heartache…,” pumapailanlang ang kanta ni Bonnie Tyler sa ere habang ako’y nagmumuni-muni. Kasabay ng awiting ito ay ang pagbuhos ng balde-baldeng alaala ng kahapon na kelan lang nangyari, parang mga 48 hours ago lang. Nung magising ako na tumutulo ang luha and out of conciousness ay ang tissue na ginamit kong pamahid sa aking uhog ay naipunas ko din sa mata. Anak ng tipaklong oo! Ganito ba talaga ang pakiramdam ng windang, nawawala sa sarili at parang tulirong langgam na di alam kung saan susuling pag hinihipan ng hangin?

Sabi ko paalam na, diba? Akala ko, di ko kayang tanggapin kung mawawala ka. I asked myself, “Will I survive?” Then I told myself, “Yes, I will survive! I have to and I must!” Walastik ah, puro title ng kanta ate??? Kidding aside, ilang araw ang lumipas, hanggang naging linggo (pero di na inabot ng isang buwan yata…), nagawa ko naman kalabanin ang mga kalaban. Ang damdaming pilit nag-uumalpas, ang pagmamahal na tila umaapaw (slight lang). Para tuloy gusto kong kumain ng ice cream or smoothie. Walang koneksiyon yun. Siningit ko lang.

Matuling lumipas ang panahon, another 48 hours yata, eto tayo muling nagkausap. Kinapa ko ang dibdib ko, at sa awa ng mga maawain, I was relieved to find my heart still in it’s place. Unmoved, untouched…but scathed. pero pasasaan ba at maghihilom din ang injury na ito at matutuyo upang maging peklat. Dapat talaga, hindi pinaglalaruan ang scab ng mga sugat. Kasi the more na sarap na sarap kang inaalis ito (medyo makati pa nga yan at masarap kamutin diba? hehe), lalo lamang ito nagke-create ng panibagong sugat at hindi agad-agad gagaling.

Pero sadyang matigas ang ulo nating mga tao diba. Eh kung naging malambot kaya ang mga bungo natin panu na kaya? Siguro para tayong mga character sa Star Wars or E.T? O kaya sa M.I.B. na pag nibaril tayo sa parteng ulo, magpa-part lang ito parang yung sa Red Sea tapos pag nagdikit ulit mabubuo. Parang yung kalaban ni Arnold S. sa Terminator.

Walang sense ang tinatakbo ng isip ko. Dala pa yata ito ng ating naging pag uusap. the last (?) conversation that we had seemed to be a ‘closure’ sort of thing. We’ve laid out both our cards. It was as if I was being interviewed at a foreign embassy sa dami ng mga tanong, na buti naman at nasagot ko lahat. Kumbaga sa exams, perfect score ako.

I just hope all goes well, at hindi maging mitsa ito ng muli nating pagkakalapit. I am hoping that this time, I’ll be stronger so as not to be tempted to ever fall back in your arms again. Salamat at hindi ka saksakan ng kulit. Did you notice my civility and stiffness? I do hope you didn’t feel that I was feeling otherwise deep inside of me. I’m not sure if I was good at covering up how I really feel. I guess I was, or it was that it was you who was good at hiding inside your emotions.

Anuman ang mangyari, sana we remain friends for life. Ang damdaming matagal kong iningatan sa kaibuturan ng aking puso at sa kailaliman ng mala bitukang cerebellum ng aking brains sa loob ng halos dalawang dekada ay mananatili na lamang dito. Kailangan na nating tanggapin na ang ikaw at ako ay bahagi na lamang ng isang kahapon. Tayo na sa tamang daan at wag nang hintayin pang bukod sa atin ay may iba pang masaktan. Tama na yung ikaw at ako na lang.

Siguro, kung meron pa akong iluluha para sa mga alaalang pinagsaluhan nating dalawa, iluluha ko na. Tapos patutuluin ko sa isang garapon, yung maganda naman, may shape na star or heart. Tapos itatago ko. Tapos matutulog na ako. It’s the end of the road for us and we should just remain friends, kasi yun lang at hanggang dun lang talaga dapat.

Bukas paggising ko, gusto kong sabihin ng buong puso at may ngiti sa aking mga labi na kakayanin kitang itago na lamang muli, at aking sasambitin, “This time I know it’s forever…” >”

author:  monettecalugay

p.e./mj

1 Comment

Leave a Reply to mabhey08 Cancel reply

Your email address will not be published.