“There is an uphill for every downhill and a downhill for every uphill”

Image credit: www.joegerstandt.com
Image credit: www.joegerstandt.com

Kaninang umaga pagbukas ko ng Facebook ay nakita ko ang status ng kaibigan kong  foreigner na naging friend ko sa Farmville game noon pa.

“There is an uphill for every downhill and a downhill for every uphill. “

Nadinig ko na ang idiom na ito sa classmate ko nung 1st year high school pa ako, eh. Assignment namin bale.
Kaso ‘di naman pinaliwanag ng teacher namin kasi puro pagtitinda ng imbento niyang ‘Tahong Chips’ ang inaasikaso.
Hahahahahahaha!
Ang natatandaan ko lang sa mga idiom na halimbawa niya ay yung:
“Bring home the Bacon.”
Ibig sabihin kapag sumali ka sa mga palaro o tournament ay pilitin mong manalo para maiuwi mo ang karangalan.
Yung Bacon ay bale ‘Karangalan’ or ‘Thropy.’

Kaya kanina ay isip ako ng isip, habang namimigay ako ng kape at tea sa mga empleado, habang nagma mop ng baldosa at habang naglilinis ng mga comfort room.
Tinanong ko ang isa mga friends at ang sagot niya ay:
“Umakyat baba ka sa hagdanan kuya para malaman mo. Hihihi!”

Para kasing nasa isip ko ang tinutukoy nito pero hindi ko mabuo mabuo.
Ano ang talagang nasa isip ng tao na nagsabi ng quote na ito noong unang panahon?
Tinignan ko naman sa googles iba iba ang naging paliwanag.
Kaya ito nag iisip din ako.
Nakalimutan ko na nga problema ko sa kaiisip, eh.
Hahahahahahahaha!
Sigurado kasi na ito ay isang piece of advice.
Alam nyo kasi mga friends, ang matatanda noon kapag nagpayo ay malalim.
Dinadaan sa idiom.

Halimbawa: Nasaktan ka noon sa Pag-ibig, tapos takot ka ng magmahal ulet, alam mo ang ipapayo sa iyo ng matanda?
Hindi nila sasabihin sa iyo ‘yung huwag kang matakot magmahal kundi:
“Hindi tatama ng dalawang beses ang kidlat sa iisang lugar.”
O ‘di ba ang lalim.
Hahahahahahahaha!
Hayssss… Mahirap talagang mag isip kapag pinipilit.
Kaya nagrelax muna ako.

“There is an uphill for every downhill and a downhill for every uphill.”

Bale ba kapag tinagalog yan ay: “May isang pataas para sa bawat pababa at isang pababa para sa bawat paakyat.”

Kung ganyan talaga yan mga friends ay parang lumalabas na nahahawig sa kasabihan natin yan na:

“Papunta ka pa lang, pabalik na ako.” at alam naman natin na yan di ba? Ibig sabihin paniwalaan mo ang payo ng mga matatanda dahil mas malawak na ang kanilang mga karanasan sa buhay.

Pero iniisip ko kung bakit ginamit yung hill, Burol yun, eh. Bakit hindi stair o road or way na pinanggalingan?

Mabuti pa nga gamitin na lang yung burol.
Ano ba mayron dun?
Sa itaas nun ay matatanaw ang malawak na kapaligiran.
Magandang bukid, bundok, madaming mga puno, at sure na malakas ang sariwang hangin.
Sa itaas nun ay relax ka lang, walang away, walang gulo, inshort payapang payapa ka.
So…
Ang hill dito ay lumalabas na parang paraiso.
We all know that in paradise, eh,  there is no problem.
Kasi nandun na lahat ang need mo.
Bale ba puwede ring ang hill dito ay wealth or success.
Samakatuwid, In the reality of life ay maihahambing ang damdaming yan as damdamin ng isang tagumpay o nagtagumpay sa buhay (uphill)

Bale ba parang sinasabi na kung gusto mong guminhawa o umangat ay madali lang!
Kung ikaw ay nasa downhill, merong uphill.
Kung ikaw ay mahirap, mayrong mayaman.
At puwede kang maging ganun.
alamin mo kung paano, sure na mayroong paraan or daan.
Kaya sinabing there is.
Kung there is no. Eh di wala.
Hahahahahahaha!

At kung nasa itaas ka na or nagtagumpay ka na, Ang dapat mo namang tandaan o malaman ay may daan pababa. (downhill)

Ulitin ko ang hill dito ay paradise.

So paraiso pa din ang nasa ibaba (downhill)

Ibig sabihin kahit tagumpay ka na ay huwag kang makakalimot na minsan ay naging paraiso din para sa iyo ang pagiging buhay ng isang mahirap.

Madami kasi kapag nasa itaas na ayaw ng bumaba and worst nanglalait pa.
Hahahahahahahahaha!
Yung iba ay nahihiya, or iniisip na hindi na sila nababagay sa ibaba.
Remember mas madali yung bumaba.
Mano ba ‘yung kamusta kayo dyan mga tsong tsang.

Kaya nga sa idiom na ito ay ipinapaalalang there is downhill.

Iniisip ko ngayon,

Marahil ang idiom na ito ay nasambit ng author sa isang mayaman na, kumpleto lahat, subalit still hindi masaya at parang may kulang.

Kaya nasabi niyang in every uphill there is downhill.

Hindi habang buhay nasa itaas ka, puwede kang bumagsak o mapunta sa ibaba.
Kaya ngayon pa lang huwag mong sanayin ang sarili mo na hindi ka na mabubuhay kung nasa ibaba ka.
Dahil kung magpapatuloy ka, eh, malamang ganun na nga ang mangyari, yung ikamatay mo ang iyong pagbagsak dahil hindi mo matanggap.

Minsan kasi tayo mismo sa ating sarili alam natin na kahit simple ang buhay ay masaya di ba pero pinanatili natin sa ating isipan na mas masaya ang nasa itaas.

Well…
Yan naman ay akin lang. Bahala kayo sa pagkakaintindi nyo. Kanya kanya tayo.
Hahahahahahahahaha!

Naglilibang nga lang ako eh!
Hahahahahahahaha!

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")