“The Unknown Heroes”

FB_IMG_1448294930816PLEASE HAVE TIME TO READ AND SHARE THE REAL STORIES OF OFWs

Kung may time kang maglaro magdamag ng mga online games, manood sa youtube, mag-Facebook kada minuto, sana may time ka rin basahin ito para mapaabot sa buong mundo na ang mga OFW ay mga “unknown heroes”!

Ang mga Pilipino ang isa sa mga lahing masasabi kong napaka “hardworking”. Hindi dahil ako ay isang Pinay at hindi dahil ako ay isang OFW. Bawat isa sa amin dito ay may mga dahilan kung bakit kami umalis sa aming bansang sinilangan at namili na magtrabaho at magpaalipin sa bansang dayuhan. Ngunit iisa lang ang matinding dahilan kung bakit kami naandito “UPANG MABIGYAN NG MAGANDANG KINABUKASAN ANG AMING PAMILYA”

Tiniis namin ang mga araw na malayo kami sa aming mga anak, asawa, nanay, mga kapatid, tatay, boyfriend/girlfriend para sa mga single, at mga kaibigan.Ang iba ay kumakain ng isang beses sa isang araw at kung minsan tira-tira lang na pagkain ng amo namin ang kinakain, katumbas nun ay makakain ng masarap at masaganang pagkain ang mga naiwan namin sa Pinas.

Ang iba sa amin ay nakahiga lang sa sahig pero ayos lang dahil katumbas nun ay malambot na kama para sa aming mga anak na nasa Pinas. Lahat kami ay kulang sa tulog at puyat pero ayos lang din dahil katumbas ng bawat walang tulog at pagod namin ay makakapasok sa magandang eskwelahan ang mga anak namin.

Nagtratrabaho kami kahit may sakit at walang pahinga, pero ayos pa rin dahil gusto namin makuha nang buo ang sahod namin at maipadala sa Pinas para maidagdag sa puhunan pang negosyo, o makapagpatayo ng bahay, makabili ng lupa na puwedeng isaka, makabayad ng tuition fee, makabili ng sasakyan pampasada o kahit ano pa na pwede namin makita na bunga ng pagpapakahirap at sakripisyo namin dito pag uwi namin ng Pinas.

Ang mga naiwan naman namin sa Pinas kung minsan ay hindi makaintindi kung bakit hindi kami nakapagpapadala agad, or kung minsan nakakaaalala lang mangamusta kung malapit na ang sahuran. Minsan naman manghihiram ng pera ang ibang kamag anak at magagalit pa pag hindi napahiraman.

Hindi po kami ATM at mas lalong hindi po namin pinupulot ang bawat Riyal na ipinapadala namin!

Pinaghihirapan namin po ang mga ‘yan at bawat araw dito ay nakabaon ang aming paa sa lupa para lang maibigay at maipadala namin nang buo ang aming sahod. Sana po ang bawat Riyal na pinadala namin ay napunta sa tama dahil dugo’t pawis namin ang nakadikit sa bawat pera na nahawakan ninyo.

Sa mga naiwan namin sa Pinas hindi n’yo po ba alam na ang pinakamasayang araw ng bawat isa sa amin dito kada buwan ay ang araw na matatangap n’yo ang aming pinagpaguran at simpleng THANK YOU lang ninyo ay nagtatalon na ang aming puso sa tuwa sapagkat ang mga anak namin ay makakakain sa Jollibbee, ang mga kamag-anak naming may sakit ay makabibili ng gamot, may maitatabi para makapagpatayo ng bahay o negosyo. Ngunit sa reyalidad hindi lahat ng mga nakatangap ng mga pinaghirapan namin ay hindi man lang masambit ang salitang thank you!

Minsan ay may mga pagkakataon na ang bawat pangarap natin sa buhay ay hindi natin agad naaabot. Katulad ng bawat litrato na makikita ninyo. Bawat isa ay may iba’t ibang kuwento kung bakit sila nandito. Ang iba ay tumakas sapagkat minamaltrato sila ng mga amo nila. Plinaplantsa ang likod, hinahampas, sinasabunutan, nilulublob sa inidoro, sinusuntok. Hindi pinapakain at para makakain lang ay namumulot sa basura ng mga tira tira na pagkain ng amo. Hindi pinapasahod. Tinatakot na sasaktan. At ang matindi ay ginahasa na, ang mga kawawang Pinay pa ang pinagbintangan.

May mga ina dito na hindi makauwi ng Pinas sapagkat hindi nila maiwan ang kanilang mga anak ‘yun ang mga nagahasa ng amo. Ang iba naman ay nag TNT na dahil ayaw umuwi ng Pinas noon sapagkat wala silang maiuuwi na pera or dahil pilit pa rin nilang inaabot ang mga pangarap nila sa buhay kaya nagtrabaho kahit illegal.

Handang tumulong ang gobyerno at mga ahensya na puwede malapitan ngunit sabi nga ng mga dayuhan “Kayo ay nandito sa aming bansa, kami ang masusunod!”

Ganun din kaya sa ating bansa? Na kung ang mga dayuhan ang nagkasala sistema at batas ba natin ang nasusunod? Paano ang mga Pilipino dito na mga biktima ay nagiging masama sa batas ng dayuhan? Bakit hindi “fair” ang hustisya? Dahil ba kami ay nagpaalipin sa bansang ito, ibig bang sabihin nun ay kailangan naming magpaalipin sa hustisya na hindi patas? Pero bawat isa sa amin ay lumalaban para makauwi nang maayos at buhay sa Pilipinas.

Lahat sa amin ay natrauma na dahil sa mga masaklap na nangyari sa amin sa poder ng mga amo naming dayuhan. Ang iba ay nawawalan na ng pag asa, nababaliw, nag-iiyak, nagsisigaw, nade-depress, hindi makatulog at makakain. Ngunit patuloy pa ring lumalaban at umaasa na ang hustisya ay para sa lahat.

Sa kabila ng masaklap na bunga ng aming mithiin na maabot ang aming pangarap, ninanais pa rin naming makapagtrabaho sa ibang bansa dahil sa kawalang ng sapat na trabaho sa bansang pinagmulatan namin. Ganun pa man, masaya at “proud” pa rin kami na maging isang tunay na Pilipino.

We all still beleive that there’s a rainbow after the rain. Kaya patuloy parin kami sa laban, patuloy pa rin ang pangarap namin na mabigyan ng magandang buhay ang aming pamilya, patuloy pa rin kami sa pagngiti, patuloy pa rin kami sa paghinga. Hangga’t may buhay, may pag asa!

Please sa mga pamilya namin sa Pinas, sana ay maintindihan ninyo kung bakit kami nandito sa situation na ito. Wala ni isa sa amin na nagnais na pumunta dito at maghihintay na para bang bibitayin ka dahil kailangan ka humantong sa point na wala ka nang magawa dahil wala kang laban sapagkat kami ang biktima, pero kami ang kawawa. Wag ninyo po sana kaming i-push na bumalik sa mga amo naming malulupit o pagsasabihan at sisisihin pa ninyo kami na mali ang ginawa namin na umalis sa poder ng mga amo namin. Hindi n’yo ramdam ang bawat paghinga namin ay kalakip ay takot!

Sana ipagdasal na lang ninyo kami na makauwi nang maayos at nang mabilisan! Nakakabaliw po dito kaya sana huwag ninyo kaming makita na mahina dahil hindi ninyo alam kung gaano kami nahihirapan mentally at emotionally!

Naniniwala pa rin kami na Hindi natutulog ang Panginoon!

To all OFWs around the globe, I salute all of you because we are the Unknown Heroes of our Generations! Proud to be Pinoy! Proud to be an OFW! God will always protect us in this fight! Two thumbs Up for all of the OFWs who are fighting for their rights and freedom!

 


 

About sulat_kamay11

I am a writter by heart. I am currently in Riyadh Saudi Arabia under the protection of our Embassy. I want to write about the life of OFWs here and will be writting more about anything.