The Truth About Toto

Image credit: duterte2016.blogspot.ca/p/digong-quotes.html

“Anong pangisi-ngisi mo dyan?” tanong ng matipunong gwardya.

Hindi umimik si Toto. Naka tulala, at nakangiti habang tumatango-tango sa sarili at na kaupo sa kanyang maliit na selda.

“Barumbado ‘tong buang na ‘to.”  Nasabi nalang ng gwardya sa kanyang sarili at nagpatuloy na lamang sa pagbabasa ng kanyang dyaryo.

At nasa headlines – President Duterte: “Many of the police are involved in drugs.”

Bagama’t grade six lang ang natapos ni Toto, naintindihan nito ang headline sa dyaryo.

At sa wakas, may hustisya na.

http://duterte2016.blogspot.ca/p/digong-quotes.html
http://duterte2016.blogspot.ca/p/digong-quotes.htm

June, 1995

Pasukan noong Hunyo, 1995 at pinaghanda na ni Nanay si Toto. Ika-apat na taon na ni Toto sa elementarya. Naguumagahan ng kanin at hotdog.

 

“Bilisan mo na ang pagkain, para mapaliguan na kita, lalamig na ang tubig.” Malakas na pag sabi ni nanay kay Toto upang marinig ng bata

Medyo antok pa ang bata                  ngunit sabi ni inay, importante raw ang pag-aaral. Ito lamang ang kanilang pag-asa upang umahon sa kahirapan.

10433291_10203160152537440_493871286634439935_n

Hindi naman gaano ka hirap ang pamilya Macabayan dahil naka-abroad din si Nanay sa Japan at nakakuha ng puhunan upang magsimula ng sari-sari store at karinderia at nagluluto ng goto, mami, arroz caldo, at iba pang pampainit sa tiyan. Dahil walang padre de pamilya ang pamilya Macabayan, doble sakripisyo at trabaho ni Nanay upang mapaaral at makapag-ipon ito.

Bigla nalang nawala ang sundalong Amerikano na tatay ni Toto mahigit walong buwan na ang nakalipas. Nabuntis kasi ulit si Nanay. Pero kahit anong sakit na iniwan lang sila, medyo nasiyahan narin si Nanay dahil hindi naman nakakatulong sa bahay at kuripot sa pera. Si nanay pa ang ginawang katulog sa paglaba, luto, at pag silbi sa kanyang kinakasama. Bulung-bulungan nga na may pamilya daw sa U.S. yung sundalo at ginamit lamang si Nanay bilang “substitute wife”.  At sya daw ang napili dahil sya ay maganda at masipag, at may kaya.  Di man sangayon ang mga kamaganak ni Nanay, sila ay nag live-in at lumipat sa Maynila.

Ngunit, lumipas ang panahon na namulat din ang mata ni Nanay sa kanyang ka live-in. At nung lumayas yung ‘kano, hindi na sya nabigla. Matibay at malakas din kasi loob ni Nanay. Dahil naulila sya noong labing anim na taong gulang pa lamang at nagsumikap upang makapagabroad sa Japan.

Habang pinapaliguan si Toto, at naka lupasay si Nanay, bigla na lang sumakit ang balakang. Na pansin nya ito ay labor contractions. Malapit na pala si Nanay manganak. Buti nalang, malapit lang yung ospital sa bahay. Nagdalidali magimpake si nanay, at dala dala si Toto sa ospital. Nakadaster lamang si nanay at medyo walang ayos.

Pagdating sa ospital, binati ng isang resepsyonista na parang walang bahala.

“Pangalan, misis?”

“Marivic Macabayan po.” Sagot ni Nanay halata sa boses ang sakit.

“So anong kailangan mo?”

“Huh? Manganganak na po ako ma’am. Obvious naman po siguro.”

“Okay, merong kaming required na PhP 1, 200, at kung walang deposit, di namin kayo i-aadmit.”

“Ganun po ba? Pwede po ba i-admit muna ako? Makakabayad naman ako. Kaso, emergency po. Di naman po siguro tama na manganak ako sa kalye.”

“Walang akong magagawa dyan misis, nagtatrabaho lang ako dito. Yun ang policy.

“Sige na po, kahit ngayon lang, hindi ko na po kayang umuwi.”

“Hindi mo ba pwedeng sabihin sa iyong asawa? Alam mo misis, hindi lang ikaw ang unang gumagawa nyan, nagpapaadmit kunwari pero wala naman palang pambayad. Hindi kami charity. Private hospital kami. Kung gusto mong libre, mag pa albularyo ka nalang. Deposit muna para makasiguro. 1,200 pesos lang naman.”

Hindi napaimik si inay, galit at inis ang nararamdaman at umalis nalamang, umuwi at noong pagbalik, isinampal ang makapal na perang papel sa counter.

“Twenty thousand pesos. Admit me, now.” Napa-englis si Nanay na hapong hapo sa galit, pagkabigo sa sistema ng mga ospital.

Nanlaki ang mga mata ng resepsyonista, at nagmadaling tumawag ng doctor.

Nanlamig si Nanay sa kamay ng mga doktor, at na Caesarian section nalamang sya.

Ito ang kalagayan noong ako’y ipinanganak. Hindi naligtas si nanay sa kapit ng kamatayan.

e186465cf079128e948c64334bdd10c3
https://www.pinterest.com/pin/397090892117468237/

At lagi itong kinukuwento ni kuya Toto sa akin. Tatlong taong gulang pa lamang ako nun at si kuya, labintatlo. Dahil, wala kaming pamilya sa Maynila, sya nalamang nagalaga sa akin sa tulong ng aming kapitbahay na si Lola Maring na bulag, at sa perang dumarating kada buwan galing daw sa Amerika.

Nagaral si kuya Toto ng dalawang taon ngunit, dahil lumalaki na ako, tumigil na sya ng pagaaral. Dalawang taon pa lamang ako nung tinuruan na nya ako ng ABAKADA, at ang kanyang paboritong paksa: Toto’s Political Science. Wala raw hustisya sa Pilipinas at kurap ang politiko. Ang mga pulis raw ay hindi tagapagtangol ng masa. Ang hospital ay isa lamang negosyo ng mga mayayaman, at ang media daw kinikilingan lamang ang mga mayayaman.

manilapoverty-4
http://petapixel.com/2013/03/27/photographs-of-the-poor-filipino-children-of-smokey-mountain-in-manila/

Kaya naman sa aking pag laki, wala na akong tiwala sa mga autoridad.

Dumating din noong araw na malapit na ako mag enrol sa grade one nung nawala na ang padalang pera. Labimpitong taong gulang na si kuya, nag tatrabahong pansamantala sa konstruksyon. Ngunit ang company din ay na bankrupt. Walang wala na kaming makain. Lumalala na ang ekonomiya ng Pilipinas at ang mga maliliit na negosyo ay unti unti naring bumabagsak. Buti nalang may bunga pa yung bayabayas, at yun nalang an gaming inuulam. Minsan nakakahiram kami ng asin kay Lola Maring, and yung ang ulam.

Di rin nag tagal at nagkasakit ako. Tumaas ang lagnat. Wala akong maalala kundi imahe ng pumanaw na ina, at pag tingin sa palad ay puros dugo at usok na parang demonyo ang hugis. Guniguni ko lang daw yun sabi ni kuya.

Pag kagising ko nung sumunod na araw, nakita ko na lamang na nasa ospital na ako. Masarap sa likod ang kutsyon dahil matagal na rin hindi naka higa sa kutsyon dahil binenta na ni Kuya Toto ang aming kagamitan. May karayum na nakatusog sa aking ugat kung saan dumadaloy ang likido, at ako’y naka hospital gown.

Gumanda na ang aking pakiramdam, at hindi na rin tumagal at nakita ko si kuya Toto may dala dalang pandesal.

“Wag mo na yun alalahanin. Basta gusto ko, magaral ka ng mabuti. Matalino ka Neneng, ako kaya teacher mo.” Sabay halakhak at ginulo ang aking buhok.

Hindi ko naman binigo ang aking kuya. Nagsumikap akong magaral para laging 1st honor. Minsan nga natatanong ng mga classmates ko bakit daw ang lakas kong mag aral, eh grade 4 palang kami. Eh, sabi ko naman, ‘kayo nga, grade 4, palang may nilalaman ng mga boypren boypren,  at papulbos pulbos pa!’

Sa totoo nyan, gusto ko rin naming magpulbos pulbos, pero di lang talaga maafford.

Pero, napansin ko rin na unti unti na rin kaming magkapatid na umaahon sa hirap – kahit kunti.

Nakabili si kuya ng mga masasarap na pagkain (yun mga de lata na tuna at sardinas! Ang sarap kaya, walang kokontra). At nakaipon din ng downpayment para sa motor. Isa lang rule ni kuya: bawal na bawal na bawal akong pumasok sa kanyang kwarto, at ako naman na medyo mausisa, panay ang tanong, pero pinagalitan lamang ako. Kaya nanahimik na lamang ako, at sinunod ang utos.

Nung grade 5 ako, di ko matiis at pumasok ako sa kwarto ni kuya. At sa aking pag ka surpresa, nandun pala ang pulbos na tinatago ni kuya. Medyo sumama loob ko kasi gusto ko talagang mag pulbos, kaya hindi ako nag aksayan ng panahon at humarap sa salamin at nag pulbos. Nakita nalang ako ni kuya nasa sahig, tawa ng tawa. Napakahiwagang pulbos.

Nung gabing yun, unang beses akong napalo ni kuya. Kaya hinding hindi ko na pinasok ang kanyang kwarto. At nung kinabukasan, habang kami’y naguumagan na walang imikan, itinulak sa direksyon ko ni kuya ang mala-bilog na lalagyan. Hindi ko naman tinanggap, baka naman tini-testingan lang ako.

“Sorry, neng ha.” Mataimtim na pagkasabi ni kuya, at umalis na sya para mag hanapbuhay.

Naiiwan ako naka tunganga sa baby powder.

Tuwang tuwa si kuya Toto noong grumaduate ako ng Valedictorian sa grade 6 at high school. Siya at nag sabit ng aking medalya at naglakad sa akin sa entablado. Nag kolehiyo na ako at ngayong year natapos – Summa Cum Laude sa Med Tech, gusto kong magaral maging doktor, at gamutin ang mga mahihirap kahit wala silang downpayment, okay lang.

Proud na proud sa akin si kuya. May scholarship ako para magaral ng medisina sa matataas na unibersidad. Ngunit, ilang lingo lamang ang nakalipas na naging pangulo si President Rodrigo Duterte.

Isa sa mga nagsurrender si kuya. Hinding hindi ko man lang pinaghinalaan dahil desenteng tao, hayop kung manumit, At pag tanongin kung bakit, sasagot lamang ng: edukada kasi ang aking kapatid, magdodoktora pa. Ayaw ko naman ikahiya nya ako. At dahil mestiso, maraming nagkakagusto, pero paaralin daw nya muna ako.

Sinabi nya lahat sa akin ang nangyari noong pagkatapos ng graduation ko. Marami daw na biktima ng mga sindikato, ginagamit ang mga bata, ang mga mahihirap, at kung sinuman. Limang level daw ang mga drug syndicate: depende sa abilidad ng isang tao upang magbenta ng droga.

Nagsimula daw sya maging pusher noong bata pa at desperadong mapagamot ako sa ospital, may nag alok daw sa kanya noon at hindi nito tinanggap. At di nagtagal, dahil na rin daw siguro sa kanyang karisma, tumataas na ang kanyang rango. Hindi raw sya masyadong natatakot dahil protektado sila ng mga matataas na opisyales ng PNP, lalo na’t mataas ang kanyang rango sa sindikato.

Alam nyang mali ito, kaya nakita nyang oportunidad gawing tama ang kanyang pagkakamali noong naging presidente si Duterte. Habang gumanda an gaming buhay dahil sa bawal na gamot, maraming maraming buhay at pamilya ang nasira dahil dito, at pagsisisihan daw nya ito habang sya’y nasa kulungan.

Habang tumutulo ang aking luha, tinanong ako ni Kuya Toto bakit daw ako umiiyak?

“Kuya, pwede naman hindi ka na makulong. Wala namang nakakaalam.”

“Neneng, kung ako lang masusunod, hindi ako magsu-surrender. Pero naging masamang tao ako, at dapat lang ako ay ibilanggo. Naging dahilan ko ang pagkahirap, pero ito ay mababaw na katwiran. Kung gusto natin umayos ang ating bansa, dapat sa atin magsisimula. Eto ang hustisya – walang kataliwasan, walang kaibigan. Hindi natin pwedeng bayaran ng hustisya dahil tayo ay nautangan noon. Buong buhay kong hinangad ko ang hustisya at hinding hindi ko ito ipapagkait sa kapwa kong Pilipino.”

      In due time, in the fullness of God’s time, we will solve the drug problems in the Philippines. – President Rodrigo Roa Duterte

http://duterte2016.blogspot.ca/p/digong-quotes.html
http://duterte2016.blogspot.ca/p/digong-quotes.html

About ellegal

E.G. is social critic and a staunch advocate for social justice. She believes in speaking out for nothing but the truth. On her spare time, she attends court trials, volunteers for the local hospital and attempts to cook without burning her food. She can often be found voraciously devouring books and articles. She is a blogger, a student in the university, and a proud young Filipina woman.