The Teacher Chronicles

Teacher in primary school in northern Laos
Image via Wikipedia

‘Pag tinanong mo ang mga bata kung ano ang gusto nilang maging paglaki nila, malamang may sasagot ng doktor, nurse, engineer, chemist, TAMBAY, pulis, abogado at syempre pahuhuli ba naman sa listahan ang TEACHER?

 Taon-taon madami ang nag-eenrol sa kursong EDUCATION . Taon-taon din madaming nagtatapos sa ganitong kurso. Libu-libo ang kumukuha ng LET  o board exams ng mga gustong maging rehistradong guro. Madaming pumapasa at hindi lang basta pumapasa, yung iba  TOP NOTCHER PA ! 🙂

Isang araw, nanood ako ng isang Balita sa tv, ang Headline “Kakulangan ng classroom at mga GURO sa pampublikong paaralan”.

Paano nangyari ‘yun eh taon-taon, libu-libo ang nagtatapos sa ganitong kurso, ‘yung iba with FLYING COLORS PA !  Anak ng higad! Ang sagot naman ng mama ko “Anak, you cant deny the fact that being a TEACHER here in the country wont lift up your social status. Mahal ang mga bilihin anak, at lalong tataas pa ito, kaya syempre hahanap at hahanap ang mga bagong teacher ng bayan ng greener pastures.”

Bigla akong napaisip ng malalim. ‘Di ba may sweldo sila? ‘Di ba may benepisyo sila? ‘Di ba may bonus pa ? Bakit sila mangingimbang-bansa eh dito sila nag-aral at namulat sa kahalagahan ng pag-aaral sa buhay ng tao ? Hmmm..

Naalala ko tuloy ang mga teachers ko dati ..

Unang baitang ng buhay ko (grade 1)

– Si Mrs. Reyes ang isa sa hinahangaan kong guro noon at ngayon. Siya ay masipag, pasensyosa sa kanyang makukulit na mag-aaral. Mula sa pagpunas ng mga ihi sa upuan ng mga tamad kong kaklase na pumuntang banyo dahil sa layo at baho nito at sa paggiging ikalawang INA ng mga bata sa apat na sulok ng bahay na tinatawag na silid-aralan.

Naisip ko, magkano kaya ang sweldo niya at nakakaya niyang punasan ang pwet ng salarin. Natatawa ako kapag naiisip ko na itinali niya ako sa upuan dahil ang likot likot ko daw at gala ako ng gala. Pero hindi siya masakit at inuulit ko HINDI AKO NASAKTAN.

-Isa pang teacher ang hindi ko makalimutan, siya yung teacher ko sa math at dahil sa kanya, napagtanto ko na pwede mo pala talagang dasalan ang maggiging marka mo sa iyong kard.

– Ang second year teacher ko sa world history na kung saan minahal ko ang kasaysayan ng mundo at ng Pilipinas habang kumakain ng yema na binibenta ng kaklase ko. Pero sulit naman kasi pasado ako at nagustuhan ko talaga ang subject niya. PROMISE !

-Sa teacher ko din sa ALGEBRA na kung saan doon ko sinimulang isumpa ang ALGEBRA,TRIGONOMETRY, AT LAHAT NG MAY KINALAMAN SA MATH ! Hanggang ngayon, hindi ko alam ang relasyon ni X kay Y at ng mga equations na hindi ko talaga maintindihan. Paano niya nagagawang i-subtract si X kay Y !

At sa college teacher ko na hindi ko lang isusumpa ang subject na itinuturo niya. Kung pwede ipakulam ang subject na ‘yun,  ginawa ko na . Pero sa ibang kadahilanan, nagpapasalamat ako sa kanya dahil nagawa ko ding mahalin ang salitang MATH kahit na sapilitan nga lang . 😀

Noon, gusto kong maging teacher, at hindi ito nagbabago hanggang ngayon. Oo nga’t madami akong karanasan sa mga iba’t-ibang mukha ng teacher pero isa itong batayan kung magiging tulad ba nila ako o hindi ? 🙂

Minsan may nagsabi sa kin na “walang pera sa paggiging teacher.” Magiging impokrito ako kung sasabihin kong hindi ito totoo, at mas magiging impokrito ako kung hindi ko bibigyang halaga ang hirap ng mga teachers sa paghubog ng mga isipan nung munti pa kaming mga bata at hanggang sa paglaki natin ay natututo pa din tayo sa mga “teachers” na nasasalubong natin sa daan.

Gusto kong maging GURO. Totoo,gustong gusto kong maging GURO.

SALUDO AKO SA MGA GURO AT SA MGA GUSTONG MAGING GURO, PERO PAGLINGKURAN NIYO NAMAN ANG BAYAN NA MINSAN AY NAGSILBI SA INYO NG BUONG PUSO . 

Enhanced by Zemanta

About iamEdgevasquez

isang tao na PASSIVE. nakaranas ng diskriminasyon ng mga kaklase. umibig, nasaktan at ngayon ay naglalakbay sa isang daang may Tiyak na Patutunguhan. isang estudyante na handang tumulong sa lahat. Madami akong kaibigan. Pero mas madami ang gustong kumalaban. isang taong gustong maging bokalista at mag drums. dating Dancer ng isang sikat na hiphop group ngunit tumiwalag at tinahak ang bagong landas ng buhay. 🙂