The People Who Make It To The Top

(Photocredit: Youcornsuccess)
(Photocredit: Youcornsuccess)
(Photocredit: Youcornsuccess)

“The people who make it to the top – whether they’re musicians, or great chefs, or corporate honchos – are addicted to their calling … [they] are the ones who’d be doing whatever it is they love, even if they weren’t being paid.” – Quincy Jones

Sino nga ba ang hindi naka-relate sa quote na ito ni Quincy Jones?

Gradweyt bilang isang Nars, pero naging kahera sa isang Bangko. Teacher na naging secretary sa isang kumpanya, HRM pero naging isang negosyante, etc. Mga pangarap na propesyon na minsan ay naging taliwas na pagdating ng araw.

Tulad ko na nangarap noon na maging isang Social Worker. Pinangarap ko na maging isa sa empleyado ng gobyerno na ang trabaho ay sa charity. Ang tumutulong sa mga nasalanta ng anumang kalamidad at ang tumulong sa mga kababaryo na kailangang tulungan na ipaalam ang tamang nutrisyon na kailangan ng mga kabataan. Kung saan nakamulatan ko mula sa aking ina na isang Brgy Health Worker at isang DSWD Teacher. Kung saan nakakatulong rin niya ako sa pagtitimbang ng mga batang nasasakupan ng aming Brgy.

Pinangarap ko rin ang maging isang Accountant. Gustong gusto ko ang magbilang ng benta ko sa paglalako ng puto at suman, kung magkano ang napagbentahan namin sa luto ng nanay ko na bukayo. Gustong gusto ko ang multiplication, subtraction at addition. Pero, 3 ang grade ko sa algebra noon.

Pero, alam n’yo ba na hindi natupad ang pangarap ko na mga kurso? Kapos sa pera dahil mahirap lamang ang aming pamilya. Masaya na akong nakapagtapos ng 2 taong kurso na Office Management. Hindi ko pangarap na maging Manager, pero sabi ko okey na rin iyon at puede akong magtrabaho sa isang opisina.

May kasabihan nga na, madalas kung ano ang ating gusto at pangarap ay iyon pa ang mailap sa ating mga kamay. Kung ano ang mga inaasahan ko lamang na maging trabaho o propesyon ko ay iyon ang hindi nangyari. Pero, nagpapasalamat ako dahil hindi man ako graduate bilang accountancy, pero alam ko ang kanilang ginagawa 80%. Napag aralan at natutuhan ko thru actual experienced. Dahil doon, pinangarap ko na matapos ko ang 4yr course. Sa awa ng Dios, sipag, tiyaga at dagdag nang pagkakaroon ng mabait na mga bosse’s….natupad ang gusto ko. Hindi nga lang accountancy, Buss Ad pa rin ang course na natapos ko.

Hindi ko ginustong maging supervisor, etc. pero, sadya lang sigurong mabait si Lord sa akin. Naging Manager ako kahit alam ko na hindi buo ang tiwala ko sa aking sarili. Iniisip ko na lang lagi ang encouragement ng aking mga Bosse’s. At siempre ang karagdagang hardwork at pagmamahal sa trabaho kahit saliwat ito sa aking ginusto. Iniisip ko na lang na, kahit hindi natupad ang mga iyon, ay natutuhan ko naman at nagagamit ko lahat sa trabaho.

Pero, may mga bagay talaga na sadyang hindi maiwasan at gagawin mo talaga kung ano ang nasa puso. Oo, aside sa sinabi ko sa itaas na mga gusto ko, may mga bagay pa ako na ginusto na sa sarili ko lamang itinatago. Gusto ko ang magsulat sa pocketbook at mga komiks. Gusto ko rin ang magluto, mag imbento ng mga luto. Gusto ko rin ang mag design ng mga bahay na native na napapaikutan nang iba’t ibang makukulay na gulay at mga halaman.

Kaya naman, kahit ngayong busy na ako bilang President ng aming maliit na family business, busy sa pagiging nanay at bilang isang empleyado rin ng sariling business…..naisisingit ko pa rin ang natatangi kong kagustuhan. Opo, hindi man nakapag sulat sa komiks o pocketbooks, hindi man ako naging chef, pero nagawa ko namang makapag blog at makapag share some inspiring tips and stories thru online blog. Nagagawa ko rin ang mag share ng aking mga niluluto at mga recipe thru online rin. Hindi man ako dit kumikita, pero masaya ako dahil nalilibang ako at natupad ang napakasimple kong pangarap.

Kaya natutuhan ko sa ngayon, as long as pinahalagahan natin ang lahat ng ating mga ginagawa. As long as hindi natin nililimitahan ang ating sarili para matuto at patuloy na mag explore, sa mga bagay bagay na gusto at hindi natin gusto……… ay kayamanan na maituturing at magiging susi natin ang lahat nang ito sa ating pagtatagumpay sa buhay.