The Magic Of Love (TMOL Komedi) (Part 8)

(Photo Credit: hqwallbase)
(Photo Credit:  hqwallbase)
(Photo Credit: hqwallbase)

“Walanghiya ka! Palpak ka talaga kahit kailan, Bakang! Panira ka ng araw ko!” sagot ni Kulaspira.

“Hey, good morning, my dear Vhakhang! What is that?” bati at tanong ni David.

“Good Morning, brotherr, this the latest Camaraw Speed X,” sagot ng dalaga habang pinahihinto ang kalabaw.

“Wow! I want to try, may I?” tanong ng lalaki.

“Sure, be my first passenger in my Camaraw!” sagot ni Bakang, sabay talon pababa sa kalabaw.

Agad namang sumakay ang lalaki, ngunit sa unang pagsakay niya ay : “OH MY GOD! WHAT THE ****!” sigaw ng lalaki nang mahulog ito sa may kanal.

“HAHAHAHAHAHA!” tawanan ng dalawang dalaga. “Come ladies help me! Hahaha!” sigaw ng lalaki.

Agad na lumapit si Kulaspira at inabot ang kamay ng lalaki. Nang mahawakan na niya: “Ayyyyy!” sigaw niya nang bigla siyang itulak ni Bakang.

Ngayon ay nasa ibabaw na siya ni David!

Tinitigan siya ng lalaki at nagkasalubong ang kanilang mga mata, dinig ang bawat tibok ng kanilang mga puso, at amoy ang kanilang mabangong hininga! Dama nila pareho ang init ng katawan. At kahit nanginginig ang kalamnan ni Kulaspira ay nanaig ang kakaibang sensasyon na ngayon lang niya naramdaman.

Bigla siyang napapikit at…

“Hahahahahaha! Para kayong si Sharon at si Gabby hahahaha!” sigaw ni Bakang.

Biglang natauhan si Kulaspira nang biglang: “Uhmmmmmm!” biglang halik ni David sa dalaga.

“Gi peste na! Pamatay na halik ka, brotherrrr!” sigaw ni Bakang na kinikilig sa dalawa.

Parang naging istatwa ang dalaga, parang patay na buhay na dilat ang mga mata!

Niyakap siya ng lalaki at hinalikan nang banayad ang malambot niyang labi. Nadala si Kulaspira sa init ng halik na ‘yun kaya imbis na gumanti siya ng halik: “Ouchhh!” angal ng lalaki na nakagat pala ni Kulaspira ang labi ni David.

“Hahahaha! Hahahaha! Hindi ‘yan bayabas, Dai Kulasa, lips to lips na, oi!” sigaw ulit ni Bakang.

Natauhan ang dalaga at: “Sorry! Sorry to you!” tarantang wika ng dalaga na nahiya nang sobra.

“Wow! I love you! And I’m sorry that I kissed you, I tried to control my feelings and not do it, but I couldn’t…” naka-smile na wika ng lalaki.

“I go now!” sabay talikod ng dalaga.

“Hoy, bruha, saan ka pupunta?” tanong ni Bakang.

“Ilalako ko pa ang suman ni Aling Buhang!” sagot ng dalaga.

“I will go with you! Wait!” habol ng lalaki.

“Brotherr, you want to ride again my Camaraw Speed X? I will drop you in Aling Buhang house!” paanyaya ni Bakang.

“No, thank you!” tanggi ng lalaki.

“It’s up to you! Next time I will not help you to make lips to lips with Kulasa!” birong sagot ni Bakang.

“Thank you so much for your help! It’s so amazing!” naka-smile na sagot ng lalaki.

 

“Khulasha! Wait!” sigaw ng lalaki.

Parang walang narinig ang dalaga sa pagtawag ni David. Binilisan niya ang bawat hakbang. Nahihiya siya sa nangyari; hindi niya lubos maisip kung bakit ganoon kadali ang lahat: ang yakap na kay higpit, ang halik na halos matunaw ang buong pagkatao niya. Unang halik sa lalaking ni hindi pa niya kasintahan.

“Wait!” harang ni David. Pero, umiwas ang dalaga. “Listen, I promise I will not do it again! Please talk to me! Please?” pagmakaawa ng lalaki.

Tumingin ang dalaga at: ” “Thank you! Very good kiss!” naka-smile na ngiti ni Kulaspira.

Napangiti si David at masaya silang naglakad papunta sa bahay ni Aling Buhang.

“I have a girlfriend before, but we broke up!” kuwento ng lalaki.

Sasagot na sana ang dalaga nang…

“Kulaspira?” boses ng isang lalaki sa likod nila.

“Pugot?” wika ng dalaga.

“Wow, may bigatin ka na pala! Naka-porener ka na! Waz up, bro? I’m Pugot Kulismaot,” pakilala ni Pugot sa sarili.

“I’m David Shark!” pakilala rin ni David sa kanyang sarili.

“I live over there, next to this mountain, but I live now here in this mountain. Wow, so you and my Kulaspira is loving loving now?” tanong ni Pugot.

“Hoy, kaibigan lang kami ni Dabid,  noh!” sambit ni Kulaspira.

“Pagsure baye oi! Muntik na nga malaglag brief ko sa kapogi niyan! Pero, ingat ka lang at baka tuhugin ka lang niyan at iwan,” wika ng lalaki.

“What did he say?” tanong ni David.

“I said maybe you want to make only barbeque of Kulaspira and after you run!” sagot ni Pugot.

Sasagot na sana si David nang makirinig sila ng: “HIYA TIGI DIG..TI GIDIG! Im here, brotherrr!” sigaw ni Bakang.

“Good luck, Kulaspira!” sabay paalam ni Pugot.

“Oh, aalis ka na? Takot ka kay Bakang noh?” kantiyaw ng dalaga.

“Pugottttt! Pupugutin ko ulo moo!” sigaw ni Bakang habang sakay sa kabayo.

Kumaripas ng takbo si Pugot na tila nakakita ito ng aswang. Agad namang pinahinto ni Bakang ang kabayo at: “Stallion!” bigkas ni David.

“Stallion ka diyan! This is my Horserari Kabayo Edition!”

Masayang nagkuwentuhan sina David, Kulaspira at Bakang patungo sa bahay ni Aling Buhang.

“Kulasa akin na nga ‘yan supot na bitbit mo, ano ba ang laman niyan?” tanong ni Bakang.

“Ewan ko kay Porener, dai, binili raw niya ‘yan!” sagot ni Kulaspiri.

Tiningnan ni Bakang ang laman ng supot: “Cornbeef, Beefloaf, Ligo sardines at pandesal,” wika ng dalaga.

” Oh, nandito na pala tayo kina Aling Buhang,” sabi ni Kulaspira sabay silip sa likod.

“Aling Buhang…Aling Buhang, ang suman, nasaan na?” sigaw ulit ni Kulaspira.

“What is her name?” tanong ni David.

“Buhang..Al-ing Bu-ha-ng!” sagot ni Bakang.

“Allinging Byohung? Suymen?” tanong ng lalaki.

“Su-man!” bigkas ni Kulaspira.

“Snowman!” sunod na bigkas ni David.

Lumabas ang matanda bitbit ang isang baldeng suman. Nang makita si David ng matanda:

“Iho, buhay pa ba ang Papa mo? Kaguwapo na bata ka!” tanong ni Aling Buhang.

“Ai, santisima! Englisin mo, Aling Buhang! Taga-ibang planeta ‘yan eh!” tawang sagot ni Bakang.

“Oh my suman! Shark, you Fafa is life?” tanong ng matanda trinanslate ang tanong niya kanina.

“How she know my family name?” takang tanong ng binata.

“Hahahaha! IHO is pating and Shark in english. Naks! Humirit ka, Aling Buhang ha hahaha!” tawang sabi ni Bakang.

“Hay, naku ito na ang suman, mainit pa ‘yan.” sabay abot sa balde.

“I will carry it!” alok ng lalaki.

“Brotherrr, Suman! Suman!” utos ni Bakang.

“Snowman! Snowman! Snowman!” sigaw ng lalaki.

“Purdosporsanto, Kulasa! Let’s rock and roll, SNOWMANNN kayo diyann! Hahahaha!” sigaw din ni Bakang.

“Hahahahaha!” halagpak na tawa ni Kulaspira.

Nagsilabasan naman ang mga kababaihan dahil kay David. At natawa sila sa pagbigkas nito sa Suman.

“Two snowman for you, three snowman for you!” sabay pahid sa pawis sa noo.

Pinagmasdan ni Kulaspira ang lalaki at kumindat ito sa kanya. Isang pagtibok ng puso ang nag-utos na mamaya ay ang pagsagot na niya sa lalaki.

“Dai, Bakang, sasagutin ko na siya!” sabay siko sa kaibigan.

(Itutuloy)

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)