The Magic Of Love (TMOL Komedi) (Part 7)

(Photo Credit: hqwallbase)

 

(Photo Credit:  hqwallbase)
(Photo Credit: hqwallbase)

Tumingin si David sa dalaga na tumayo at umakyat sa bahay. Nagtaka ang lalaki kung ano ang kinuha ng dalaga. May bitbit na itong plastic bag at newspaper, at agad itong bumalik sa upuan.

“What is that?” tanong ng lalaki nang kinuha ni Kulaspira ang laman ng plastic bag.

“You ask me HOPE? Lola Basyang use this, this TOSTOS! Tabako this one and newspaper; you close like this like HOPE!” paliwanag ng dalaga.

“No! I don’t smoke!” pagtangi ng lalaki.

“You said Hope?” naguguluhang tanong ng dalaga.

“Yes, hope. I mean hope from you?” paliwanag ng lalaki.

“PAG-ASA, KULASA, PAG-ASA!” sigaw ni Bakang na nagtitimba ng tubig sa balon.

“I’m sorry, Dabid!” hiyang sabi ng dalaga.

“It’s ok, it’s ok!” nakangiting wika ng lalaki.

Ilang minutong katahimikan.., nahiyang magsalita si Kulaspira. Ayaw na niyang mapahiya sa lalaki.

“Hoy, David, we need to go now!” wika ni Bakang.

“Can I sleep here?” seryosong tanong ng lalaki.

“Huwat?” halos mabilaukan si Kulaspira.

“I’m serious!” sagot ng lalaki.

“Bakang, ano naman yang novena ni Porener sa apo ko?” tanong ng matanda.

“Tatabi raw sa iyo matulog, lola hahaha!” birong sagot ni Bakang.

Agad na hinila ni Lola ang buhok ng dalaga. “Arayyyy!” sigaw ni Bakang.

“Dabid, our bahay kubo is small!” paliwanag ng dalaga.

“I can sleep outside, here! Right here! Don’t worry. I’m used to it in my country,” wika ng lalaki.

“No! I said No!” tanggi ng dalaga.

“You have manananggal, Dong Dabid?” tanong ng matanda.

“Hahahaha! La Basyang, magagamit mo na ang pagiging lahing aswang natin. hahaha!” birong wika ni Bakang.

“Hoy, kayong dalawa, kanina pa kayo, nakahihiya kay Dabid!” reklamo ng dalaga.

Tumingin si Kulaspira sa lalaki at isang tingin na pagtanggi. Kaya nagpaalam na ang dalawa; si Bakang at David. Kailangan pang ihatid ni Bakang ang lalaki sa bus terminal.

“Bye, Lholay Bhashang! See you tomorrow, Khulasha! Bye!” paalam ng lalaki sabay pisil sa kamay ng dalaga.

“Bye!” sagot nina Lola Basyang at Kulaspira.

Masayang naglakad sina Bakang at David papunta sa terminal; nabusog ang dalawa sa niyog.

“Oist, brotherrr! If you have brother in your country, tell him I’m single, ok?” seryosong sabi ni Bakang.

“I don’t have a brother, I’m the only child of my parents! My mom died when she fell from the sofa, my father is happy with his new family,” kuwento ng lalaki.

“What? Really? I’m sorry, brother! If you have a friend, you know, me still looking for my future man!” sagot ng dalaga.

“Wait, I have a friend and he is looking for a wife!” sabi ni David.

“00630000000000 that’s my number! Thank you, David! Sarap mong halikan; pasalamat ka’t friend ko si Khulasa,” wika ng dalaga na natawa.

“Ahmmmm..I’m not sure if he still can hold the phone if he will call you!” sagot ng lalaki.

“Why, brother?” tanong ng dalaga.

“He’s 95 years old!” sagot ni David.

“Kamatay! Kamatay!” sigaw ni Bakang.

“Khamaythay! Khaymaythay!” gayang bigkas ng lalaki.

Samantala… Niligpit ni Kulaspira ang lahat ng niyog at itinabi niya ang mga ito. Napaupo siya sa bangko katabi ni Lola Basyang.

“Gusto ko siya, Kulasa, mabait na Porener ‘yun!” sabi ng matanda.

“Hindi pa natin siya kilala, La Basyang, hindi natin siya kalahi at saka ayaw kong sumugal sa isang relasyon kung nakikita kong masasaktan lang ako!” sagot ng dalaga.

“Apo, alam kong gusto mo siya! Nakikita ko sa mga mata mo ang kinang tuwing pagmamasdan mo siya. Ngayon lang kitang nakitang naging masaya, subukan mong papasukin si David sa puso mo!” wika ng matanda.

“La Basyang, hindi ako bagay sa kanya! Hindi nga ako marunong mag-ingles eh! Kanina sabi niya, Hope daw, kaya binigyan ko siya ng Tostos! Kahiya-hiya ako sa buhay ni Dabid!” malungkot na sagot ni Kulaspira.

“Sus, mag-aral tayo ng Ingles, apo! Saan ba ‘yung newspaper at basahin nating dalawa, dali!” birong wika ng matanda.

“La Basyang, umakyat na po kayo at baka maubos ng lamok yang dugo mo!” sagot ng dalaga.

 Pasado alas 12 na ng hatinggabi, pero ayaw pa ring dalawin ng antok si Kulaspira. Napaluha siya, naawa siya sa kanyang sarili.

Samantala, sa tinutuluyan na boarding house ni David, balisa rin ang lalaki at ayaw mawalay sa kanyang isip ang anyo ni Kulaspira. Napakanta siya nang wala sa tono: I CAN BE YOUR HERO, BABY…

Isang malalim na buntong-hininga, uuwi na pala siya next week dahil tapos na ang kanyang tourist visa. At kailangang bago siya makauwi ay mapasagot na niya ang dalaga para may dahilan na babalik siya nang masaya at may isang Kulaspira na maghihintay sa kanya.

“Soon, baby Khulasha! Soon, you will live a life like a princess! Soon baby!” mahinang bulong ni David habang pinagmamasdan ang naglalampungan na palaka sa may bintana.

Kinaumagahan, maagang nagising si Kulaspira. Kailangan niyang magtinda ng suman ni Aling Buhang. Kaya dali-dali siyang naligo at nag-ayos ng sarili. Natuyo na ang panty na nilabhan niya, kaya mabilis pa sa alas kuwatro ang pagbibihis niya.

“La Basyang, aalis na ako!” paalam ng dalaga.

“Mag-ingat ka ha! ‘Yung Porener apo ha, sagutin mo na!” bilin ng matanda.

“Opo!” sigaw ng dalaga.

“Eh, naku kung may asim pa lang ako, lagot ang Porener na ‘yun! Sus, ka guwapo na lalaki! Bakit kasi nauna pa akong isilang sa kanya. hehehe!” birong landi ni Lola Basyang sa sarili.

Masayang naglakad si Kulaspira at may pa-hmmm pa siyang kanta. Nang mapatapat siya sa lugar kung saan sila unang nagkita ni David, natawang mag-isa ang babae.

“Dabid! Dabid!” mahinang bulong ni Kulaspira.

“KHULASHA?” boses ng isang lalaki.

Dahan-dahang lumingon ang dalaga at todo kaba ang kanyang dibdib.

“Dabiiddd?” mahinang bulong ng dalaga.

“Hey, good morning!” masayang bati ng lalaki.

“Good morning!” sagot na pagbati ni Kulaspira.

“Here, I bring something for you and grandma, I went to the supermarket early to buy some stuff,” sabay abot sa dalaga.

“Why? Why you like me? Me not long nose, me not beauty! Me no money! No english to you!” nakayukong sabi ni Kulaspira.

Lumapit si David sa dalaga, amoy ni Kulaspira ang mabangong pabango ng lalaki. Grabe ang kabog ng kanyang dibdib tila drum ito. Nanginginig ang tuhod niya kaya’t pinigilan niya ang kanyang sarili sa sobrang kilig at baka mapaihi na naman siya.

“I like it very much! I like your nose, I like your beauty, I like you because I do love you! And I’m here to love you, Khulasha! Just say you love me!” mahinang malambing na sambit ni David mula sa isang sentimetro na pagitan nila.

Amoy ng dalaga ang mabangong hininga ng lalaki.

Bigla na lang siyang napaluha at nahirapang magsalita, kaya agad siyang niyakap ng lalaki.

“Sshhh! Don’t cry! I promise I will wait for the right time,” malambing na wika ng binata sabay hagod sa likod ng dalaga para kumalma ito sa pag-iyak.

Habang yakap siya ni David ay napahagulgol lalo ang dalaga.

Sa unang pagkatataon ay nayakap siya ng isang lalaki, sa matipuno nitong braso at malapad na dibdib ay napasubsob ang mukha ni Kulaspira.

“I’m joy! Too joy for me, Dabid! Water of joy!” sabi ng dalaga nang kumawala sa pagkakayakap sa lalaki.

Agad namang pinahiran ng lalaki ang mga luha ng dalaga, at pinisil ang magkabilang pisngi.

“I love you!” naka-smile na sabi ni David. Sasagot na sana ang dalaga nang: “Kulasaaaa at Brotherrr, baka langgamin kayo riyan oi!” sigaw ni Bakang na nakasakay ng kalabaw.

(Itutuloy)

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)