The Magic Of Love (TMOL Komedi) (Part 4)

(Photo Credit: hqwallbase)
(Photo Credit:  hqwallbase)
(Photo Credit: hqwallbase)

“Dai Kulasa, alam kong hindi ka igat pero, pag mag I LOVE YOU ‘yang si Porener na ‘yan, I LOVE U TOO agad ang sagot mo ha?” diretsang pahayag ni Bakang.

“Tumahimi ka ka nga! Ako? Magustuhan niyan? Baliw ka talaga!” simangot na sagot ng dalaga.

“I’M IN LOVE WITH HER! Naintindihan mo ba ang linyang ‘yan bruha!” pasigaw na wika ni Bakang.

“Sinong may sabi?” takang tanong ng dalaga.

“Eh, sino pa ba? eh, di si Porener mo!” sagot ng dalaga.

Pinagmasdan ni Kulaspira si David na masayang tinutulak ang kariton. Masaya itong pakinggan sa pagsigaw ng malunggay at okra! Parang hindi siya makapaniwala na may isang porener, na nagtutulak ng kariton niya at naglalako ng malunggay ni Aling Lydia.

“Kung isang panaginip man ito, Lord, gisingin mo na ako!” mahinang usal ni Kulaspira sa sarili.

Sa mabatong kalsada ay patalon-talon ang kariton na tinutulak ni David. Isang adventure sa buhay niya na ngayon lang niya naranasan dahil sa isang babae at ‘yan ay ang inosenteng probinsyang KULASPIRA.

Si David Shark ay anak ni Mickey Mouse, isang kilalang nagmamay-ari sa isang cartoon network; ang Tom and Jerry production. 12 years nang magkahiwalay ang mga magulang niyang sina Mini Shark at Mickey Mouse, dahil sa pagtataksil ng kanyang ama. Nauwi sa divorce ang mga magulang niya.

Lumaki si David sa piling ng kanyang ina, nasa kanya lahat ng kayamanan ng ina bago ito namatay noong nahulog sa sofa. Sa pagkawala ng ina ni David, kinuha siya ng kanyang tita na si Tweety hanggang nakapagtapos siya sa kurso na gusto ng kanyang ina; pero, mas sinunod niya ang sigaw ng puso niya, ang maging isang sikat na photograher! At dito siya nagtagumpay lalo na sa kanyang solo career.

Ito ang dahilan bakit napadpad siya sa Pilipinas; dahil sa isang proyekto ng kompanya niya. Ngayon, isang bagong David ang alam niya: ang sikat na si David Shark ay nagtutulak ng kariton at sumigaw ng: “MHALUNGGGUYY!” Nagsilabasan ang lahat na kababaihan sa baryo, at agad na lumapit sa guwapong tindero.

“Hey, ladies, you want my MHalungguyy and OHkrah?” pa-cute na sabi ni David sa mga kababaihan na nagsilabasan mula sa kanilang tahanan.

“GWAPOOOOOO SA TINDIROOO!” Hiyawan ng mga dalaga.

“Tingnan mo ang mga igat oh, nakikita lang ng Porener, ayun, naglabasan! Mga igat talaga!” dakdak ni Bakang.

“Hoy, bunganga mo Bakang!” saway ni Kulaspira sa kaibigan.

“Totoo naman ah! Bakit kung noong ikaw ang nagtulak ng kariton na ‘yan, naglabasan ba ang mga igat na ‘yan? Tingnan mo! Tingnan mo nagkakagulo sa malunggay at okra, nagpakyawan ang mga gaga!” kunsimisyon na wika ni Bakang.

Binilisan ng dalawa ang hakbang nila dahil pinagkakaguluhan si David ng mga kababaihan.

“Hey, slowly, ladies! My mhalungguyy is 5 pesos and the OHKARHA is 5 pesos!” naka-smile na wika ni David sa mga customer niya.

“I’ll give 50 pesos, handsome, keep the chhahange!” malanding sabi ng isang babae.

“Hoy, Ma’am Kotkot, ‘yang dibdib mo, lumuwa na oh!” sigaw ng isang binata.

“Tseee!” irap ni Ma’am Kotkot.

“Thank you! Wow, that’s wow, it’s huge!” sabay lingon ni David dahil sa malaking 40D na suso ni Kotkot.

“Hehe! This no artificial flavor! It’s real, handsome!” paglalandi ni Kotkot.

“Ok, so much Mhalunggay you want?” tanong ng lalaki.

“All of these!” sabay kuha sa loob ng kariton; sinadyang tumuwad para makita ang may puwitan niya nang… “Aiiiiiiiii!” sigaw ni Kotkot, napatuwad sa loob ng kariton.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA! ” tawanan ng lahat.

Agad na sinaklolohan ni David ang babae napatuwad sa loob. Hinila niya ang kulot nitong buhok at inakay para makatayo.

“Here you go!” sabay buhat kay Kotkot. At siya namang pagdating nina Kulaspira at Bakang.

“Agoy! Igat ka talaga Ma’am Kotkot, oi!” dakdak ni Bakang.

Lumapit si David kay Kulaspira at: “I’m David Shark and this is my future wife, KHULASHA!” sabay akbay sa dalaga.

Nagtingnan ang lahat; natameme ang mga tao! Maging si Bakang ay laglag ang panga niya sa narinig sa sinabi ng lalaki. At halos himatayin sa hiya ang dalagang Kulaspira sa harap ng maraming tao.

“Dai Kulasa, ok ka lang?” nag-alalang tanong ni Bakang sa kaibigan.

“Hindi ako ok, dai Bakang!” sagot ni Kulaspira sabay tingin sa binti niya.

Agad naman sinundan ng kaibigan ang senyas sa mata ni Kulaspira at nabigla ito! Kaya agad na hinila si Kulaspira at pinatakbo.

“Susunod ako, Kulasa!” sigaw ni Bakang.

Nagtaka si David kung ano ang nangyari at bakit biglang tumakbo si Kulaspira.

“What happen to Khulasha?” takang tanong ni David.

“Listen, I need to follow Kulasa, ok, just stay here, collect all their money for your Malunggay ok?” paalam ni Bakang.

Naguguluhan ang lalaki, pero kailangan niyang asikasusin ang bayad sa paninda ni Kulaspira.

Samantala, hinabol ni Bakang ang kaibigan at nang maabutan niya ito ay: “Hoy, bruha, ano ang nangyari sayo?” tanong ni Bakang.

Nanatiling tahimik ang dalaga at ipinakita ang basang pantalon.

“Hahahahahaha! Hoy! Hahahahaha! Mamaatay ako sa iyo, bruha, bakit ka napaihi sa pantalon mo? Hahahaha!” lakas na tawa ni Bakang.

“Ikaw ba naman ang sabihan na magiging Wife niya! ‘Di ka maka wewee sa pantalon mo?” halos maiyak na bigkas ni Kulaspira.

“Hahahahahaha! Jusko, Kulusa! Hahahaha mamamatay ako sa ‘yo! Kaya bago kita mapatay, umuwi ka na muna at magbihis, dali!” utos ng kaibigan.

“Dai Bakang, pakikuha na lang ng kariton ko ha at ‘yung pera, kailangan kong mahatid kay Aling Lydia ‘yun. Pag nagtanong ang Porener na ‘yun, sabihin mo, namatay na ako!” wika ni Kulaspira.

“Sus, OA! Sige na, bago kita ilibing nang buhay at baka iihi ka naman diyan sa pantalon mo!” dakdak ni Bakang.

Lumakad si Kulaspira, binaybay ang mabatong kalsada pauwi sa kanila.

Sa unang pagkakataon, ngayon lang nangyari ang isang kahihiyan sa harap ng kaibigan niyang si Bakang. Dahil sa isang lalaking biglang dumating sa buhay niya, isang estranghero na ginulo ang dating tahimik at masaya niyang mundo sa baryo Putik-Putik.

Hindi niya alam kong ano ang mangyayari sa kalaunan. Hindi mawala sa kanyang kukote ang linyang sinabi ni David na WIFE! Puso niya ay kumakabog at bigla siyang napakanta:

 Paint my love… You should paint my love… 

(Itutuloy)

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)