The Magic Of Love (TMOL Komedi) (Part 1)

(Photo Credit: hqwallbase)
(Photo Credit:  hqwallbase)
(Photo Credit: hqwallbase)

From Bukid To Hollywood

“Paro-parong bukid ang buktot naligid asa man naligid didto sa bakilid…” birit na kanta ni Kulaspira habang nagtutulak ng kanyang kariton. Habang pasayaw-sayaw siya ay biglang nawalan ng kontrol ang kariton pababa.

“Oh, my gulay kamungay, okraaaa!” sabay habol sa kariton.

Samantala, busy si David sa pagkuha ng mga larawan sa mga ibon. Tama, si David ay isang turista sa baryo putik-putik. Nang i-click na sana niya ang kanyang camera ay bigla itong nasagasaan ng kariton ni Kulaspira, at natapon ang camera ni David.

Humihingal naman ang dalaga. Bigla itong natigilan pagkakita sa lalaking bumagsak sa may dumi ng kabayo at ang mukha ay nakasubsob sa may putikan.

“Help! Help me!” bigkas ni David.

Nataranta ang dalaga. Ito ang unang pagkakataon na makakita siya ng ganoon kaguwapong lalaki sa lugar nila. Halos lahat kasi ng nanliligaw sa kanya ay may bansag ang mga mukha: Si Borsyo aka Karnapir ang mukha, si Pugot aka mamamatay tao ang hilatsa, si Dansio aka Baklang Di Natuli. Ngayon, parang may isang anghel sa harapan ni Kulaspira, kaya agad niyang tinulungan ang turista na ang paa ay naipit sa gulong ng kariton niya.

“Sorry, sir! Sorry to you ha! My kariton, no brake brake!” wika ng dalaga.

“It’s ok, it’s not your fault. Thank you so much!” sabay lahad ng kamay ni David.

Halos matunaw sa hiya si Kulaspira na makipag kamay, kaya, agad niyang pinunasan ang kanyang palad sa kanyang palda.

“I’m David, what is your name?” ngiting pakilala ng lalaki.

“Kulaspira name, sir! Kulasa my lola name, my friend Bakang call me Kulasa din,” sagot ni Kulaspira.

Lumaking ulila si Kulaspira, at ang Lola Basyang nito ang kumupkop sa kanya nang mamatay ang magulang niya noong nalunod sa ilog. Apat na taong gulang lang si Kulaspira nang kupkupin ng matanda, at dahil mahirap lang ito, hanggang grade 3 lang ang natapos niya. Sa pamamagitan ng pagtatanim at paglalako ng gulay, ito ang bumubuhay sa kanilang dalawa. Sa pagbabasa ng mga libro na hiniram niya sa kanyang mga kaklase dati ay nagsikap siyang  matuto pa kahit kaunti.

(Itutuloy)

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)