The Journey to Frog Palace (Kids’ Adventure)

fluoras.deviantart.com
fluoras.deviantart.com
fluoras.deviantart.com

At dahil malikot na naman ang imahinasyon ko kaya cocontinue ko pa ang The Frog Prince and the Journey to Frog Palace ito ang link: http://definitelyfilipino.com/blog/2013/07/29/the-frog-prince-and-the-journey-to-frog-palace-part-1/. 

Pero ang tutuloy ng segway na ito ay ang mga anak ni Victoria at Pals, oo hindi baog si Victoria. hehehe. So uumpisahan ko na ang kabaliwan ko na ito. 

Patawad kung wala akong magawa sa buhay, pero promise walang kwenta ito! Kaya ‘wag n’yo nalang basahin. 

****

“Ate, ito ba talaga ang daan papuntang kaharian ni Daddy?”

“Ay hindi!” patuyang sabi ko, bwisit talaga ‘tong kapatid ko kanina pa angal ng angal “nakita mo naman siguro ang sign na ‘yan ‘this way to Frog Palace” dagdag ko.

Napakamot nalang ito sa ulo niya. Peste kasing ama at ina ko na ‘yun, wow maka ama at ina ay parang panahon pa ni kupong-kupong hehe. O sige, dahil kontrabida ang isip ko ‘momskie at dadskie’ nalang para sunod sa uso.

Anyway, walang highway baka kasi sabihin ni Momskie ginagaya ko siya. Ako pala si Frogilina, bente anyos, oo na pinangalanan lang naman ako ng walang-hiya kong ina ng ganyan. Nung nagkaisip na ako ay gusto ko siyang tirisin ng pinong-pino ngunit datapwat subalit ina ko pa rin siya kaya tinawag ko nalang ang sarili kong Gili, oh diba.. sossy pa rin ang dating.

“Ate, sinong kausap mo?” interrupted by my not-so-good-looking brotha. “Gwapo ako sabi ni momskie” dagdag nito.

“Pwede ba Frogilio, hayaan mo muna ako? Moment ko ‘to eh!” Yes, you heard it right, okay you read it right pala. Mas malala ang pangalan ng kapatid ko kaysa sa akin,hahaha. Frogilio!

“Kailangang ulitin???????????” sigaw nito.

“Kailangang maraming question mark?!” sigaw ko rin.

Magnanineteen na po siya pero parang isip bata. Opo, one year lang ang agwat namin, dahil mahilig ang mga magulang ko kaya nasundan nila agad.

“Frogilinaaaaaaaaaa!” narinig kong sigaw ng Momskie ko. Bigla yatang gumuho ang kinatatayuan ko pero joke lang ‘yun. Agad kaming kumaripas ng takbo ni Frogilio.

“Ate! Diba Gio sabing itawag mo sa akin?” pareho kaming hinihingal niyan.

“Hello” narinig naming may nagsalita, somewhere. Tumingin kami sa nagsalita at nakita namin ang matabang kuneho. Agad akong lumapit sa kanya at hinatak ang braso niya (may braso pala ang kuneho?).

“Hoy, kung sasabihan mo ako ng mataba gaya ng sinabi mo kay Momskie noon nagkakamali ka, hindi ko hahayaang yurakan mo ang pagkababae ko!” taray ko ditto at napangiwi ito dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.

“Ate!” tawag ng kapatid ko.

“Bakit!!?” sigaw ko dito at napatingin sa kinatatayuan niya. Napamulagat ako ng makita ang isang matandang matabang kuneho.

“Siya po ang nagsabi n’yon kay Momskie” sabi ng kapatid ko.

“Frogilina, tumatanda rin kami no, saka bitawan mo ‘yang asawa ko” ngitngit nito.

Napatingin ako sa kunehong katabi ko. Asawa? oh my gosh ang bata pa nito para mag-asawa at sa matanda pa? Freddie Aguilar lang ang peg?

“May asim pa naman ako ah” agaw ng matandang kuneho. Napangiwi ako.

“Bahala na nga kayo diyan, saka mas mataba ang asawa mo!” saka tiningnan ang kapatid ko pero hindi ko na siya makita. Nagpanic ako that moment.

“Frigilioooooooooooo!” sigaw ko pero walang sumagot. Tinatry ko ulit.

“ahemmm.. test..test.. Frigi… Frigilioooooooooooooooooooo” pero wala pa rin. Tumakbo ako ng mabilis habang sumisigaw pa rin. Napaiyak na ako sa sobrang kaba at takot, baka nawala na ang kapatid ko na ‘yun. Hindi kaya marunong magbasa n’yon kahit may mga signs na sa harap namin na ‘this way to frog palace’. Dahil sa depresyon ay napaiyak ako sabay tulo rin ng sipon sa ilong ko. Hindi na mailarawan ang mukha ko, naghalo na yata ang luha at sipon.

Tumakbo pa rin ako, hindi ako mawawalan ng pag-asa, darating din ang ligaya. Nakarating ako sa kakahuyan at may narinig akong ingay parang naggagaling iyon sa taas ng puno kaya napatingala ako. Napamulagat ako dahil sa nakita, ang kapatid ko habang kalong siya ng isang unggoy? Ahh! hindi pala, isang malaking unggoy. Is that kingkong? Totoo nga pala ang nakasaad sa propesiya nila momskie at dadskie, pagdadaanan din namin ang lahat ng ito. Diyos ko! ‘wag n’yo pong pababayaan ang kapatid ko.

“OA!” sabay na sabi ng kapatid ko at ni kingkong. Bwisit nagmomoment ako eh.

“Bumaba ka na nga diyan, Frigilio. Kung alam ko lang na nandito ka at nakikipaglaro sa unggoy na ‘yan ay din a sana kita hinanap.”

“Sino bang may sabing hanapin mo ako?” sabat ng kapatid ko. Bumaba siya kasama si kingkong. Lumapit sa akin ang unggoy, bigla akong nahintakutan dahil napakalaki pala ng katawan nito. Lumapit pa siya sa akin hanggang sa magtama ang aming paningin at mukha.

‘Oh my God! siya na ba ang magiging prinsipe ko? Iba na ba ang magiging title ng story na ito? Magiging Journey to Monkey Palace na ba ito? At agad kong pinikit ang mga mata ko. Magiging gwapong prinsipe rin ba siya pag hinalikan ko? Oh my! I’m so excited, never been kiss pa kasi ako,hehehe.’

“Ambisyosa!” narinig kong turang ng unggoy. Minulat ko ang aking mga mata para lamang makitang parang himatayin sa katatawa ang kapatid ko at unggoy.

“Totoong unggoy ako no! Anong prinsipe ang sinasabi mo? hahaha” saka natawa ulit ito.

“Grrrrrrrrrrrrr!” inis ko at padabog na umalis. Kakainis ang dalawang ‘yun ah. Pero nag wrong moves ako kasi bigla akong nahulog sa isang bangin. Narinig ko ang sigaw ng kapatid ko. “Ateeeeeeeeeee!”

At bigla nalang nandilim ang paningin ko.

(Itutuloy… bitin no?)

About WHITEANGEL

Isulat ang nagliliparang ideya sa loob ng munting utak ko. At gawing inspirasyon sa bawat taong nakakabasa nito. Isang Narsesa na nalihis ng landas at nagsulat dahil sa kaibigan niya ang lapis at papel. Nagsayaw sa loob ng isang titik at umindayog sa saliw ng isang tula. Isang magandang anghel na bumaba sa lupa upang ibahagi ang magandang balita(inshort BALIW lang po ako :)Beri much SINGLE pala at magiging old maid dahil babantayan ko pa ang mga baby angel na nagliliparan din sa loob ng sinusulat ko. 😀 http://wytniangel.blogspot.sg/