The Importance of Being Single on Valentine’s Day

How-to-Leave-your-Cat-Home-Alone
Awwww… what’s with the sad face, Kitty ?? Want some HUG? 🙂 🙂 photo source: abiteofamerica.com

PEBRERO NA NAMAN. Ang bilis ng araw. Parang kailan lang pasko, ngayon Valentine’s day na. 

Red roses. Chocolates. Dinner date with the One. Out of town. Family visits. Group dates. Party. And more party!

Masaya talaga ang araw na ito. Namumula ang kapaligiran. Apaw ang mga puso ng nagmamahalan. Syempre pa, ang pinakamasaya sa lahat – ang mga businessman.

Seriously, sa kabila ng mga yan, marami pa ring maling notions o ideya ang mga tao tungkol sa salitang “Valentine’s Day.” Mga maling paniniwalang na para bang ito na ang magde-define ng buong pagkatao mo kasi nga . . .

SINGLE KA PA.

Pero that’s fine. Huwag kang mag-alala, normal ka pa rin. Hindi lang naman marriage at engagements ang dapat ipagdiwang natin dahil ang  singleblessedness ay magandang dahilan din para ibagbunyi ang Araw ng mga Puso.

Ang puso naman ay tumitibok ng 24/7 sa loob ng 365 days plus bonus na isang araw kung leap year. Ang pag-ibig ay walang pinipiling oras, lugar, sitwasyon o panahon. Kung Team Sawi  ka ngayon, next time winner ka na.

So, be calm, relax and read this blog. There are some good reasons to look at this day in a more positive way.

TO TEST THE BAROMETER OF YOUR STRENGTH– Bukod sa pasko, kaarawan at anibersaryo, sa pagsapit ng Valentine’s day malalaman if you can survive it without going through the rollercoaster of emotions. Ito kasi yung moment na marami kang tanong sa sarili.

Will you feel sad o insecure kapag nakita mong ang mga nasa paligid ay puro lovers at couples na nagde-date, may dalang pulang rosas at tsokolate at ikaw ay kahit man lang paper roses at Choc Nut ay wala.?

Will you be brave enough to face this day with a positive attitude that your life is not only defined by having a special someone by your side?

Do you give yourself more value than the usual commercialism brouhahas that go with this day?

TO LEARN TO LOVE YOURSELF FIRST – Sa buong taon kahit magkaroon ka ng ibat ibang klaseng emosyon tungkol sa iyong pagiging single, hindi ka masyadong maapektuhan lalo na’t busy ka naman for getting a life of your own. Maaring i-treat mo lang itong isang ordinaryong pangyayari sa buhay where you can move on and let go of things that doesn’t serve your purpose. Marami pa kasing mas dapat problemahin sa mundo kesa sa pagiging single.  Pero when hearts day comes, biglang naka-recover ka sa sakit na amnesia at naalala mong single ka pa pala. Take heart.  Don’t panic. May isang taon ka naman para ayusin ang sarili mo. The right time and the right person will come. Ang importante pamper youself with love. Get your power back. Kapag positive ang vibes mo, you will manifest the right person. Kasi hindi ka clingy, needy or desperate.

TO ENJOY THE TIME WITH THE SPECIAL PERSON – YOU. Walang masama kung single ka pagsapit ng Valentine’s day. Lahat naman nakaka-survive diyan. Promise. Just make use of this day wisely para ma-icelebrate mo ang araw na ito by being your BESTEST (mega superlative na yan!) SELF. Think of enjoyable ways to do to make yourself happy and peaceful. Wag kang magpaapekto sa panahon ng pag-ibig . So, treat yourself like a king or queen not only during this special day but the whole year round.

TO VALUE YOUR FREEDOM- Yes, being free and independent is a big deal when you’re single. Career wise, may upside din kasi walang nakikialam sa mga plano at desisyon mo. Wala kang iniisip na taong maiiwan kung gusto mong mag-travel with friends o mag-backpacking around the world. Walang hahanap at tatawag lagi sayo kung gusto mong mag-meditate sa tuktok ng Himalayas. Yun lang, wala ka ring ka-share sa success mo dahil sabi nila, mahirap daw pagsabayin ang love at career. It’s either one way or another. Pero I believe, pwede ring ibalanse yan.

When Valentine’s day comes baka mag-unahan pa sila sa pag-date sayo. Kung wala naman, edi enjoy the day with friends or family na lang. Masaya pa rin. It’s a win-win situation.

TO CELEBRATE YOUR UNIQUENESS – Know Thyself.  May katangian ang bawat isa na kakaiba sa iba, kahit nga ang mga identical twins ay meron ding pagkakaiba.  Ito yung blueprint ng pagkatao mo. Yung natatanging thumbmark na magsasabing isa kang ORIG. Na hindi ka isang clone. Kaya, highlight the good side, improve on the bad. It’s okay to learn new ideas pero be true to yourself. Kaya nga tinawag yan sa ingles na “individuality” kasi meron kang separate existence. At kung dumating ang Valentines Day hindi ka masyadong apektado dahil you know how to rely on yourself. So, just BE.

TO BE YOUR OWN HERO – Yes, again YOU! Wala nang iba. Tulad din ng mga bayani na nababasa at napapanood natin sa sinehan, you can also be a hero to yourself.  Kung anomang pagsubok ang pinagdadaanan mo o problema ang hinahanarap mo, DO YOUR BEST na sagipin ang sarili  sa ano mang sitwasyon. Di mo naman laging kailangan ang knight in shining armor, or bato ni Darna para lang mapatunayan na matatag at matapang kang humarap sa mga pagsubok ng buhay. Sa hirap ng panahon ngayon, dapat survivor ka. Mahaba man ang landas na tinatahak mo nang nag-iisa, kung mamahalin muna ang ang sarili , darating din yung oras na makikita rin ang tamang relasyon na nakalaan para makakasama  hindi lang tuwing araw ng mga puso kundi for life na rin.

Because being single is not a curse. It is a personal choice, sometimes fate. 

PusoKaya siguro tinawag na singleblessedness kasi ito ay isa rin blessing, a calling or a mission in life. Choice naman yan if marami ka pang reasons o denial kung bakit ayaw mo pang mag-asawa. Mas okay if you’re ready na emotionally, spiritually, financially. Pero minsan ready ka man o hindi pa, dumadating din ang “The One.” Yung tipong merong synchronicity sa mga pangyayari na para bang pinulot kayong dalawa ng kapalaran sa magkabilang baryo tapos itinapon sa harapan ng isa’t isa sa gitna ng munisipyo. BOOM! Yan naman ang tinatawag na fate.

Valentine’s day is not only about being coupled to really feel the essence and know the true meaning of what love is all about. You can also feel it in the time of your singleness, when loving oneself  feels easy, safe and comfy. It’s not really selfishness,  just acceptance of your own true worth as a person – of who you really are- when nobody dares to give it to you.

 

Happy Hearts Day to all! Spread the LOVE.

 

 

 

Trivia Source: Carlo Maldonado/The Collegian Infographic

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.