The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong eskandalo, kapag walang ganito kasi hindi sikat. May point. Di naman din kasi sisikat at nag Boleyn sisters kung di inagaw ng isang kapatid si King Henry. Sulutan lang yan!
Matapos natin maglakbay sa history, nasa 21st century na tayo. Uso padin ang mga kabitan escapade. Sa tv, The fierce wife; meron masayang mag asawa, umeksena ang pinsan ng babae dahil walang matitirhan. Inakit nya ang lalake, si lalake nagpatukso na inlab sa pinsan ng asawa nya. Nag divorce ang mag asawa, nag sama ang kabit at lalake. Yan ba ang dapat ipakita sa mga batang nanonood?kahit sabihin mo pang nag warning sila ng Parental guidance masisiguro ba nila yun? Oo wala silang liability dun dahil may warning, at responsibilidad ng mga magulang yun, pero isipin sana nila na sa hirap ng buhay ngayon, silang mayayaman na istasyon e wala ng ginawakundi magpalabas ng malalaswa at kabit kabit na programa at yung mga magulang na sinasabi nilang gabayan ang mga anak e nagttrabaho may makain lang sila. Utak naman sana nila ilagay sa ulo wag sa talampakan. Wala na bang ibang magandang ipakita? Yung may moral values, mga kabutihang gagayahin ng mga bata.
Nakerid away ako. Anyway, sa isa pang programa, magpipinsan sila, yung nawawalang hinayupak na babae e nakipag ‘shooting’ sa pinsan nyang may gusto sa kanya. Tapos yung isa pa nyang pinsan nag seselos kaya pinapahamak yung dalawa. Ang sakit sa brain. Pero, masakit man sakin, ang mga ganitong programa ang tinatangkilik ng mga tao. Ngayon, may bagong pelikula na may mag asawa na naman! May babaeng sexy natipuhan yung lalake, sabi pa nya no expectation, no strings attached tas sa hulieemote sya na nagmahal lang sya, at unfortunately yung taong pinaka mamahal nya e may asawa. Anong sense? Kung alam mo ng may ka relasyon na yung tao bakit mo pa itutuloy ang pakikipag laro mo sa kanya? Oo, hindi napipigilan ang puso, pero hindi masamang gamitin ang utak. Kaya nga ginawa yan na mas mataas sa puso e kasi dapat yan ang unang ginagamit lalo na pag kelangan mong gamitin talaga. Ang puso, may mga bagay na dapat pag gamitan nyan, pero hindi sa lahat ng oras e dapat sundin yan. May mga bagay na dapat I sacrifice para sa kabutihan ng nakararami. Ang problema sa issue na ito e yung self-centeredness ng mga tao. Innate sa tao na unahin ang sarili bago ang iba, pero sa survival stage lang naman yan, hindi sa pag-ibig. O pag-ibig nga ba? Lust. Yan naman ata ang pinaka dahilan e, kaya mag nagpapa-kabit. Think about it, nangangaliwa ang isang tao kapag hindi kuntento sa asawa. Di ko nilalahat, dahil ang iba e hindi lang naman sex ang habol. Pwedeng pera? Pero hindi e, yung excitement DAW na may tinataguan ka habang ginagawa ang mga makamundong bagay ay isang maituturing na nagbibigay ng adrenaline rush. Tao nga naman! Hindi na lang puso ang ginagamit sa pag iisip, pati ibabang bahagi ng katawan nag sasalita na din.
Bakit to tinatangkilik ng tao? Para makakuha ng tips paano makalusot! Pilipino talaga, creative! Nakakagigil sa tuwa e. J
Wala akong galit sa mga ganitong tao, nagtataka lang ako bakit sila ganun. I’m not rejecting the person per se, but the behavior is what I’m pointing out that is wrong. Big difference.

About RV

Ako si RV. RV lang para maiksi, di complicated. babae, magulo,pabago-bago ang isip, loko-loko. Nachichismis na tomboy, pero hindi naman siguro. may utak na sing bigat ng oven May pusong sing laki ng kamao, sing lambot ng alapaap, sing tibay ng bato..Nag uumapaw sa pag-ibig, ngunit walang iniibig. Naniniwala sa forever, pero walang ka-forever. Wala namang bago, Diyos.Pamilya. Kaibigan. Libro.Pilipino. Pilipinas. buhay ko.tapos!