The Day I Said “I love You”

Note From The Author: Na missed ko po kayong lahat, its been almost 2 months na wala akong posting dahil sa dami ng work…But here’s something to inspire you…Enjoy reading =))

” I Love you”.. Three words, so short yet so powerful…it can moved mountains…it can make you laugh, cry…it can make you happy or sad…Unfortunately, marami sa mga Pilipino ngayon, napakadali sa kanila ang pagsasabi ng mga salitang ito, para na lang syang candy na isusubo tapos pag ayaw ng lasa, iluluwa mo na lang…

I still vividly remember, I was 19 years old when I first dated a young man..His name was Robby.

Di natin sya kalahi, mabait, matalino, di naman kagwapuhan, tama lang =)
Matagal din nya akong niligawan, halos isang taon. Marahil dahil di pa ako nagkakaboyfriend..Halos puro friendly dates lang , walked on the beach, kain sa labas..subalit matyaga nya akong sinuyo…

Hanggang sa naging kami na nga…First boyfriend ko si Robby…First Love..Mapagmahal na boyfriend si Robby, laging may regalo, hatid sundo ako sa trabaho ko noon. He brought flowers almost everyday..Alam kong mahal na mahal na nya ako at makikita ko yun sa mga pagtyatyaga nya sa akin sa pagiging immature ko.. Malimit din nya akong sabihan ng mga salitang ‘I love You” at ang lagi kong sagot, dido or same here..Di ko masabing I love you too, kasi nga ayokong magsinungalin sa sarili ko…Di ko pa sya mahal kung tutuusin but yes I must admit that I really liked him…Alam naman nya ang real score between us, kaya di nya ako pinipilit na tumugon din ng mga salitang gusto nyang marinig sa mga bibig ko…But Robby is such a nice person, di sya mahirap mahalin…Walang araw na di nya ako pinapatawa..

It was summer of 1991, June… Halos 4 months na rin kami as sweethearts. Nasa beach kami noon, medyo romantic ang scenery, sunset noon at nasa may creek lang kami habang nagkukutkot ng popcorn…He was telling me a story pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya, nakatitig lang ako sa kanya…sa mukha nya…I felt something so strong at that time hanggang sa iba na yung tibok ng puso ko, mas mabilis, mas malakas…

“I Love You” , biglang lumabas sa bibig ko..nagulat sya. Ha??? Sabi ko, “I Love YOu!!” Mas nagulat ako sa sumunod na eksena…Biglang umiyak si Robby, sabay yakap sa akin….Pareho na kaming umiyak, tears of joy..kasi nga matagal din bago ko nasabi ang mga katagang yun…At alam ko at that time super sure na ako sa feelings ko sa kanya….Mas masarap banggitin ang mga salitang yun lalo na at puso mo ang mismong nagdikta na sabihin ito…

Unfortunately our love story, did not have a happily ever after, nagkawalaan din kami after 7 years of being sweethearts…There were pains, lots of tears, lalo na nga at First Love ko sya…but no regrets….The memories I had with my first love are something to be remembered and cherished..The guy taught me how to LOVE…that was the best lesson I learned from HIM, and I am forever thankful for that…

Now I’m with someone, who also loves me… I love You, almost 4 times a day 🙂
yan lagi ang sinasabi ng mahal ko…funny pero totoo…

Mas masarap pakinggan ang “I love you” ko ngayon…kasi nga di lang ako nagmature…I also learned that for every “I love You” that we say-Sacrifices, responsibility, understanding, sincerity and loyalty are just few of the things we have to attached with the words…

Yes, FIRST LOVE CAN DIE….only to find TRUE LOVE later =))

 

 

 

Enhanced by Zemanta