The “Cyber-Big Brother”Mentality.”

12:35 AM | 03/06/2013
Puwede rin itong pamagatan bilang the “Paparazzi Syndrome.”
http://www.openthemagazine.com/

Ang mundo ngayon ay parang isang malaking bahay ni Big Brother – lahat may camera, lahat ay capable nang gumawa ng sariling video at YouTube channel, lahat ay may karapatan na maging isang “citizen journalist (kuno),” at lahat ay may karapatan para magkaroon ng sariling pangalan (as in maging celebrity ba). At kung hindi man lahat ay ganito, e di “karamihan.”

Ayos na sana e, lalo na kung sa kabutihan ito ginagamit ng mangilan-ngilang tao, o kung worth it naman ang anomalyang -eexpose mo (yung tipong may surveillance shot ka ng isang “jamming session ng mga adik sa ipinagbabawal na droga). Kaso, may mali lang sa pagiging a la Big Brother kung ito’y wala sa lugar.

Marami ang mga umaabusong nilalang. Siguro, kating-kati sa kanilang mga cellphone o camera at nagpapaka-wannabe videographer sila. Kaya siguro dapat ay ituro na sa lahat ng bata ngayon ang mga bagay na may kinalaman sa media ethics.

Ang daming mga feelingerong citizen journalists, yung tipong may maipagmalaki lang sa Facebook, Twitter, Tumblr, o kung saang mga websites pa iyan. Parang ‘tong mga gagong ito:

Kuha lang sila nang kuha nang hindi nila nalalaman ang kumpletong detalye ng istorya.  E nasa video na ang ebidensya e. Sabagay, hindi nga naman nagsisinungaling ang video. Pero paano kung hindi mo nakunan ang simula ng isang pangyayari? Paano kung nasa kalagitnaan lang hanggang sa maawat na sila ng ikatlong partido? Hangal na bobo! Matuto kang manghusga nang nasa ayos!

Kuha sila nang kuha, at upload sila nang upload not knowing na napakalaking bagay at responsibilidad ang dala-dala nila. Take this video for an example. Isang high school na couple ang nabosohan at inupload ang video sa internet. PDA ba ang pangangatwiran mo? Given, pero hindi sapat na dahilan yun para iupload mo ang mala-iskandalosong video nila. Kung totoo man ang nabasang kumento ko nun sa isang thread na ang nilalaman ay ang post na iyun, na nagpakamatay ang babaeng na-involved dahil sa kahihiyan dala ng nasabing video, naku… masusupalpal lang ang taong nagpasimuno nun ng “tarantado ka lang talaga. Viral hit nga ang inilarawan mo, pero tanga-tanga ka naman dahil hindi mo alam kung gaano kabigat dalhin ang ganyang bagay sa internet.” (Kung nababasa n’ya ito, “oo, pu***namo, ang tanga mo talaga.”)

Kuha lang sila nang kuha, pero ang bababaw naman ng mga eksenang kinukuhaan. May bago pa ba e kung ang mga eksenang tulad ni Amalayer noong 2012 e klasikong moro-moro na sa mga pampublikong lugar? Parang mga first time kayo makakita ng mga taong nag-aaway ha? Yan kasi ang hirap pag masyadong painosente (at biktima o underdog) ang mga tao sa lipunan. Parang ngayon ka lang nakawitness ng engkwentro ng mga siga ah.

Yung iba pa d’yan, may mentalidad na sing-tulad ng paparazzi. Ipagpalagay natin na isa kang celebrity sa Hollywood at ito ang eksena: Yung taong babanggain ka o may gagawin na kalokohan sa iyo at kinukuhaan ka ng litrato at video, at pag nasaktuhan na nasa boiling point ka at makagagawa ng isang bagay na hindi kanais-nais (siyempre, dala na rin ng iyong galit), e ikaw pa ang lalabas na masama at kakasuhan ka pa ng gago. Kumusta naman, ‘di ba? Na-bad press ka bigla nang wala sa oras?

Naalala ko nga ang balita nun na ibrinoadcast sa isang morning show sa radio na may isang pulitiko sa Estados Unidos na dapat e kontrolin ang mga galaw ng mga artista sa Hollywood. Pero taliwas naman ang opinion ng mga DJ sa naturang palabas ukol dito. Dapat daw i-ban sa Hollywood ang mga paparazzi.  Sila kasi ang dahilan kung bakit pumapangit ang imahe ng isang tao.

Sabagay para sa akin, sila din ang dahilan kung bakit napakanegatibo ang perspektibo ng tao sa sinasabing “tunay na kulay.” Mga kung tawagin  ni Ben Tulfo ay “Hao Shao” (o kung mali man ang spelling ng aking terminolohiya, Fake Media).

Pero ano pa ba ang magagawa natin? E uso ang mga putok sa buho na ‘to sa panahon ngayon? Naku, kahit sabihin pa nating  ang tatanga ng mangilan-ngilan sa kanila e wala tayong magagawa kundi ang makisabay sa agos at matutong mabuhay sa kasalukuyan. Yun lang, paksyet! Ang sarap, este, ang saklap, ‘di ba?

Ingat-ingat na lang tayo sa mga kinikilos natin, dahil baka yang kupal, este, kumag na nasa tapat mo, kinukuhaan ka na ng video at plano ka pa yatang pagtripan kung ang gesture mo sa kalye ay parang aanga-anga pa.

Parang preso nga lang ang feeling no? Dinaig pa nila ang CCTV camera sa paggawa ng surveillance; buti sana kung ahente sila ng otoridad (alagad ng batas ba) o ng anumang investigative journalism program pa yan at ikaw naman ay ay ginagawang kalokohan talaga sa lugar mo.

E paano kung isa ka lang ordinaryong mamamayan at hindi kailanman gusto ang maging tulad ng bida sa The Truman Show o ni maging housemate sa bahay ni Kuya?

Patay tayo d’yan!   Ingat-ingat na lang tayo!

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

2 Comments

  1. Nakakalungkot, pero marami nang ganyang tao, may ma ipost lang sa youtube. Maynakasabay nga ako sa Jeep na mama antok na antok kaya ayun nakatulog sya sa biyahe, katapat nya sa jeep eh yung mga highschool student na isa sa kanila pa-simpleng kinukunan ng video kc yung mamang tulog bumagsak bagsak na ung ulo sa pagkatulog.

Leave a Reply

Your email address will not be published.