The Beautiful Criminal –Action series (Prologue)

reygelperales.wordpress.com

reygelperales.wordpress.com

Note:  Paunmahin po sa mabagal na update, etoh muna ang prologue ng story na dapat nauna sa chapter 1 lmao, sorry ahek. Enjoy reading, pipz.

 Hawak ko ngayon ang bluebook na naglalaman ng sensitibong impormasyon para sa isang mahalagang misyon.

 “Have a seat, Gentlemen” ang bungad ng amin ng Division Director.

 Nasa loob kami ngayon ng isang silid na napapaligiran ng conventional monitoring screens. Sumindi ang wall-sized monitor at isa-isang nagsilabasan ang mga imperatives hudyat ng simula ng aming briefing.

 “Limang araw mula ngayon ay gaganapin ang ASEAN Outsourcing Summit International”  ang papapatuloy ng Division Director.

“February 20th that is Tuesday, Standard Pacific time PM 1800 ang nakatakdang oras ng paglapag ng private plane sa NAIIA Terminal III. Ang SVIP ay mananatili sa bansa sa loob lamang ng 72 hours. You got 82 hours to finalize the tactical plan. “

“Your mission is to protect the prime minister, is the order clear?”

“Copy sir.”

Nanumpa ako sa isang mahalagang tungkulin. Ang tungkuling protektahan ang mamayan at ang pamahalaan.
Medalya at Karangalan. Akala ko sapat na ang mga yun para lubosan akong maging masaya, pero bakit parang may kulang? Ito ang hiling ko mula nung namulat ako sa kamusmosan. Oo, naabot ko na ang pangarap ko. Isa na akong deputy officer  ng High-Intelligence Bureau ang pribadong hukbo ng sandatahang lakas ng Pilipinas.

Ako si Caleb Steffan, Sabi nila nasa akin na lahat ng katangian para makuha ang  sino mang gustohin ko. Sana ganun lang kadali. Pero bakit parang hirap maging masaya?

 ———————————————————————————

Isang panibagong assignment muli ang naitalaga sa aking posisyon.

 “You got somethin’ to do” ang bati sakin ng pangulo ng supreme tribunal “Nasa loob ang lahat ng impormasyong kailangan mo”  sabay abot niya sakin ang envelope.

 “Maraming Foreign Diplomats ang inaasang dadalo”  pag-simula niya  ng charge endorsement.

“Dadaan ang convoy ng SVIP sa sec. avenue apat na kilometro ang layo mula sa terminal, titigil ang escorts sa Holy Spirit High School upang salubungin ang parade, bababa siya mula sa bullet proof car upang makipagkamay sa mga madre. Ang signature shake hands ay tatagal ng 48 seconds. Minuto lang ang itatagal ng target sa labas ng sasakyan at yun lang ang pagkakataon mo. Check out the satellite image on the screen, dito sa defunct overpass ka nakapuwesto 70 degrees northwest. You have 40 seconds  to get the shot.

Your mission is to kill the prime minister…….. is the order confirmed?

“Very much”

Tayo ay nakatira sa isang masalimuot na mundo. Bawat galaw ay dikta ng tiwaling gobyerno..Lahat ng bagay ay pinapaikot ng pera. Lahat madumi, walang ng malinis. Hindi ko alam ang pangalan ko. Hindi ko alam kung saan ako nagmula. Wala akong pamilya. Pumapatay ako para buhayin ang sarili ko. Kapalit ng malaki mong halaga ay ang linis ng trabaho ko. Bahagi ako ng isang organisasyon ng  mga highly trained assassin’s  ang “supreme tribunal”. Bawat kalabit ng gatilyo ko ay katuparan ng mithiin ko. Sisingilin ko ang lahat ng mga taong naging dahilan ng galit at puot sa puso ko.  Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay darating ang taong magbibigay sa akin ng halaga at ituro sakin muli ang salitang hindi ko kailaman man naramdaman, ang pagmamahal at ang sumaya.

About Reygel Perales

I believe everyone has the most stupid, craziest, funniest and greatest stories to share. Please spare your precious minute to listen mine. Do visit my blog hit the link http://steffanoperales.wordpress.com/ Please like my Facebook page https://www.facebook.com/reygelperales.wordpress.com