The Beautiful Criminal [Action Series] Chapter 1

Hit the link to play Pearl harbor soundtrack

 “Why do you play that song over and over again?” ang reklamo ng bata. Limang taon pa lang ito, ngunit deretso na kung magsalita.

“Ow, am sorry, sweetie, I’ll  switch it to  radio if it makes you cranky, ” she almost giggled.

Nasa kotse sila ngayon at binabaybay ang daan tungong probinsiya nila, ang Pampanga.

“No, it isn’t. It sounds different to me….. I mean, pleasing.”

Napangiti siya sa narinig.  Unang beses kasi nitong nagustuhan ang classical songs na pinapatugtog niya.

“What’s the title, mom?”

 “It has no title, baby.”

Kumunot ang noo ng inosenteng mukha ng bata.

“It’s a movie soundtrack by Hanz Zimmer,” pagpapaliwanag niya.

 ‘What movie?”

 “Pearl Harbor”

 “Then why it has no title?” ang pangungulit nito.

 Saglit niyang tiningnan ang anak at hinaplos ang maamong nitong mukha.

 “Walang pinagkaiba ang kantang to sa buhay ng isang tao.” Here comes her idealism again.  Hindi nga siya sigurado kung maiintindihan siya ng musmos.

 To her surprise, itinaas ng bata ang mga paa nito sa dash board ng kotse at nakasandal ang pisngi sa maliit nitong kamao animo’y handang makinig sa anumang sasabihin ng ina.

 “Life has no meaning,” pagpapatuloy niya.

 “Even the great Philosophers failed to define what life is. Kahit pa ang science, hindi nito kayang tukuyin kung saan nagmula ang buhay at kung paano ito mahahanap.”

 “Life has no definition, because it is us who give its meaning.” Pagpatuloy niya habang nakatuon ang paningin sa kalsada.

 “Gaya ng kantang to, walang siyang pamagat, ngunit nagkakaroon ito ng ibang kahulugan sa sino mang makikinig sa kanya. Dahil bawat nota nito ay binibigkas ang anumang salita mula dito…sa puso mo. At kahit ilang ulit ko pang siyang patugtugin ay hindi ako magsasawa, anak, kung gaano kaganda ang musikang to ay siyang kasing ganda ng buhay. Kahit na gaano karaming sakit at panganib ang susuungin ko hinding-hindi ako magsasawang patugtugin ang buhay natin.”

 Nilingon niya ulit ang anak, ngunit mahimbing na itong natutulog.

 She smiled. I sounded like a lullaby perhaps.

 Ngunit pinawi ng pangamba ang ngiting yun. Muli niyang napansin ang dalawang itim na van na kanina pa sila binubuntutan.

 Her worryguts. Nangangamba siya para sa kaligtasan ng anak.

 Malayo sa kabahayan ang kalsadang binabaybay nila. Binilisan niya pa ang takbo. Kung habulan lang ang mangyayari ay handa siya, ngunit hindi ang sasakyan niya. Mas kawawa ang sasakyan niya kumpara sa mga sasakyang humahabol sa kanila, hindi lang basta bullet proof ang mga ito kundi sadyang dinisenyo ito para sa madugong labanan. Just like this way.

 “Sweetie, wake up! Here, put this jacket on.”

 “It’s heavy, mom.”

 “Just wear it.”  Pagpasuot niya ng bulletproof vest sa anak.

 “W-what’s happening?” He fazes.

 “Everything will be okay.”

 Ngunit isang malakas na kalabog mula sa likod ng kotse ang muntikan nang nagpasubsob sa kanila.

 “M..mom..!” ang tila naiiyak na sigaw ng anak.

 “Keep your head down!” kailangan niyang magpakita ng katatagan para sa anak niya.

 Tatlong sunod-sunod na putok ang tumama sa likuran nila.

 “Get down!” Her command.

 “But, mom…..” takot ang bumalot sa mukha ng anak.

 “’Wag kang umiyak!  Hindi ka puwedeng umiyak, hindi ngayon.”

 He nodded.

 Binunot niya ang glock 19 pistol mula sa drawer at ikinasa. Alam na alam niya na yun ang unang attack nila.

 She slowed down. Kaya mas nagkaroon  pa ng pagkakataon ang kalaban na mag-bump. Isinakto niya ang pagbukas ng compartment sa pangalawang strike ng kalaban at bigla siyang nag-discharge ng spikes, huli na para sa isang kotse na umiwas sa mga maliliit na metal na nagkalat sa daan at ikinabutas ng wheels nito.

 Muling nagputok ang sakay sa pangalawang kotse na pinuntirya ang side mirrors ng kotse niya.

 “Bull shit!!” nahihirapan na siyang mabasa ang galaw ng kalaban.

 Pero kahit tinted ang kotse ng mga ito ay alam niyang na tatlo lang ang laman nito. Kayang-kayang niya. Bullet proof ang sasakyan ng mga ito; masasayang lang ang bala niya kung gaganti siya sa barilan. Kailangan niyang makahanap ng tiyempo.

 Nasa gitna siya ng pag-iisip ng reciprocal plan nang biglang may humarang na truck sa dadaanan nila. She quickly  put some pressure on the gas pedal, let out the clutch, and steered the car in  360 drift. Halos umusok ang kalsada sa ikot na ginawa niya. Huli na para umatras.

 They were cornered.

 Isa-isang nagbabaan ang mga sakay ng truck at kotse.

1..2…3…4…5…6…7… her calculations.

 Kitang-kita niya ang mga dalang nitong mahahabang armas.

 Her son was gasping.

 “Shhssh”…niyakap niya ang anak.

 “Hush now, sweetie….it’s gonna be okay.” Akmang lalabas siya ng kotse nang pigilan siya ng anak.

 “Stay here, mom; bad guys are out there,” ang impit sa pakiusap ng bata.

 “Here, cover your ears,” sabay abot ng puting unan.

 The foes are getting closer.

 Hinawakan niya ang maamong mukha ng anak. “Tandaan mo, keep your eyes closed. Kung ano man ang maririnig mo, ‘wag kang matatakot at ‘wag kang iiyak. ‘Wag na ‘wag kang umiyak, hindi puwede, hindi sa ganitong sitwasyon. Stay firm, you can cry afterwards, kapag sobrang sakit na, Baby, wag mong kalimutan na mahal na mahal kita.” She kissed her son,” I love you so much”.  Those were her words.

 She exhaled and turned the music to its maximum volume. She has to ensure that the kid won’t hear anything but music. Music alone.

 Nilock niya ang pintuan ng kotse, at kahit sa labas ay maririnig mo pa rin ang musika.

 “Akala ko hindi ka na lalabas ng sasakyan at kailangan ka pa naming kaladkarin”

 “Naiinip na kasi ako sa loob at kailangan kong magpahangin”. her sarcasm.

 Nagkalad siya papalayo at sinusundan siya ng mga ito habang nakatutok sa kanya ang mga armas.

 They were 10 meters away from the car.

 Hinarap niya ang mga ito. Binabasa ang bawat galaw.

 ‘We didn’t expect that the first-class assassin can be easily cornered.’

 She remained unfussy.

 “The council dispersed the best team to drop you off.”

 “Well that’s, flattering”.  said she.

 “And it’s quite disappointing that we weren’t able to utilize our plan thoroughly. Hindi man lang kami pinagpawisan.”

 “I wonder if the council sent you to deliver a monologue?” She grinned.

 “Walang lumalabas na buhay sa council, Samantha.”

 “I’m perfectly aware.”

 “Napapaligiran ka namin, wala ka nang kawala.”

 She scanned the place. Nasa gitna sila ng talahiban. Sa bandang likuran ay ang armored van.

 “Put your gun down!”

 Dahan-dahan niyang ibinaba ang baril at umatras, alam niyang may tao sa likod niya. Yung na ang kanyang pagkakataon.

 “Don’t attempt to do something we will not like.” Mukhang  nababasa din nito ang galaw niya.

 “You’re gonna die!” ang sabi ng isa.

 “Bitch, I will die fighting!”

 She turned  swift at inilusot ang katawan sa malalaking braso ng lalaki and in seconds hawak na niya ang leeg nito, at binali.

 Sunod-sunod na putok ang pinakawalan  ng grupo, ngunit sa malaking katawan lang ng lalaki ito tumatama dahil ginamit itong pananggalang ni Samantha.

 Tatlong gun shots ang iginanti niya na siyang ikinatumba ng dalawa pang kalaban. Mabilis na gumulong si Samantha sa likod ng armored van. Ngunit patuloy pa rin ang pagpapaputok ng kalaban sa direction niya. Kailangan niyang makagawa ng paraan. There were ten bullets left in her Glock’s   magazine, ang baril na nakuha niya sa baywang ng lalaking binalian niya ng leeg kanina.

 Bawal magsayang ng bala.  Pinunit niya ang kanyang damit and then improvised a face mask. Mabuti na lang at may suot siyang shades. Samantha quickly released the CS Tear gas into the air. Walang protective gears na suot ang kalaban. Like a flash, Samantha jumped off from the top of the car and shoot at every movement she sensed. It was fast, but outstanding. Apat agad ang nalagas sa pitong kalalakihan.

 “Pito? Nasaan ang isa?”

 Isang sigaw ng bata ang narinig niya. Hawak ng isa ang anak niya. Binasag  ang window glass ng kotse. Lalong umugong ang malakas na musika mula speaker nito.

 “Mommy!”

 “Bitawan mo ang anak ko!”

 “Tsk..tsk.. we should’ve underestimated you, Samantha.”

 “Release my son, you cluck head!”

 “What if I won’t?”

 “I’m not begging.”

 Bang! She shot the guy’s ear.

 “Tatanggalin ko pati utak mo kapag hindi mo binitawan ang anak ko.”

 Bang! It was another shot to Samantha’s shoulder. Binaril siya ng isa  pang lalaki mula sa likuran niya.

 She knew it was him.

 But she remained still.

 “Sumuko ka na, Samantha!” he was still in severe pain caused by the aerosol.

 “Pakawalan n’yo ang anak ko…huwag n’yong idamay ang anak ko…,” she cried.

 “M-mom….”ang pagpupumiglas ng bata.

 “’Wag na ‘wag mong saktan ang anak ko!” She warned habang nakatutok ang baril.

 “Dalawa lang ang pagpipiliian mo, Samantha. Ang bumalik sa council O kamatayan?”

 “I no longer follow orders, Gab. Gusto ko nang magbago.”

 “Ha-ha-ha, mamamatay-tao ka, Samantha, kahit magtago ka pa sa kahit saan mang sulok ng imperyno, mamamatay-tao ka pa rin!”

 “May dalawang uri ng criminal, Gab. Pumapatay ako sa ngalan ng hustiya, ngunit ikaw, pumapatay ka dahil sa pera. Malaki ang pagkakaiba natin.”

 “Mauubos na ang dugo mo, Samantha, pumili ka na.” He’s approaching.

 “One more step and you’re dead!”

 “Maawa ka sa anak mo, mawawalan lang siya ng ina.”

 “Ikaw ang maawa sa anak ko, hayaan mong magkaroon siya ng inang dating mamamatay tao, ngunit may puso para magbago, mahal ko ang anak ko, Gab. Hindi ko hahayaang maimulat siya sa kinagisnan ko.”

 “I don’t understand.”

 “Talagang hindi mo maiintindihan dahil wala ka nun. Hindi mo alam ang salitang pagmamahal.”

 Muling itinutok ni Gab ang baril sa katawan ni Samantha.

 “I’m sorry, Samantha, I just obey orders.”

 “I know, lagi namang ganun. And you don’t realize how pathetic you are. You always follow orders, kahit kailan walang kang prinsipyo, hindi ka marunong manindigan. Sunod ka lang nang sunod kahit labag na sa kalooban mo.”

 He was astounded.

 “Anyways, salamat sa friendship na nabuo sa ating dalawa.”

 Gab’s tears were streaming down.

 “Sa-samantha!”

 “and Gab, remember that night?”

 He was in still.

 “We had sex Gab, well, I dunno if it was love or just a f**k, but we made a wonderful boy.”

 “A-ano..anong sinasabi mo?”

 “See that boy right there? He’s our son.” She confessed in pain.

 Nanlumo si Gab sa narinig.

 “Mommy…….!!!” ang tila nasasaktan na sigaw ng bata.

 “Kapag nagasgasan ang anak ko, uubusin ko lahat ng bala ko sa ulo mo!” Ang matigas na pahayag ni Samantha. Habang tumatagos ang dugo sa balikat nito.

 Ngunit inilabas ng lalaki ang kutsilyo at dahan-dahang hiniwa nito ang kaliwang braso ng bata.

 “Oughhh!!!” the poor boy was excruciating.

 “No!!!!”ay magkasabay na sigaw ni Samantha at Gab.

 Ngunit bago pa man niya makalabit ang gatilyo ay dalawang putok na ang tumama sa dibdib nito. Dumating ang iba pang kasamahan ni Gab mula sa unang kotseng tumirik sa kalsada sa dahil spikes.

 Gab was completely shocked. Kitang-kitang niya ang dugong umaagos sa katawan ng bata.

 “Oh my god, he’s my son!”

 Hindi niya alam kung sino ang uunahin.

 But Samantha was no longer breathing.

 And Gab then lost his consciousness. He was electrified by a stun gun.

 He saw everything. Kitang-kita niya kung paano binaril ng mga taong yun ang ina niya. Kitang-kitang niya kung paano ito bumagsak sa batong kalasda. He even heard the guy calling him “Son”. Tumigil ang lahat. Gusto niyang sumigaw, pero walang boses na lumalabas sa bibig niya. Ramdam ng bata ang dugong umaagos mula sa mura  niya katawan. ngunit hindi ito masakit. Wala sa braso niya ang sakit. Hindi niya alam kung san nagmumula ang sobrang sakit. He never closed his eyes. Kitang-kita niya lahat, dinig niya lahat. Ngunit bago pa man nawalan ng malay ang musmos ay dinig na dinig niya pa ang musika at ang malakas na pagsabog.

 Ring….ring…

 “Yes.”

 “Project number 3 is dead.”

 “Good.”

 “Leave no marks”

 “Kaso may problema, may sabit tayo.”

 “Kailangan ko bang mabahala?”

 “Kasama niya ang anak niya.”

 “Walang akong nakikitang problema.”

 “Sir, it’s a kid.”

 “Then kill that damn kid!”

 Line disconnected.

Itutuloy…………..

About Reygel Perales

I believe everyone has the most stupid, craziest, funniest and greatest stories to share. Please spare your precious minute to listen mine. Do visit my blog hit the link http://steffanoperales.wordpress.com/ Please like my Facebook page https://www.facebook.com/reygelperales.wordpress.com