The 3 Kinds of LOVE

(Photo Credit: Yourfragileheart.wordpres)
(Photo Credit:  Yourfragileheart.wordpres)
(Photo Credit: Yourfragileheart.wordpres)

4:35 am at naka-repeat si Christina Perry sa p.c. ko. Hindi ko naman talaga bonggang-bonggang gusto yung kanta niyang “A Thousand Years,” pero magmula nang marinig ko yun sa kasal ng pamangkin ko (I’m older by blood, GUILTY!) eh ewan ko ba at parang tinatamaan ako nang sobra (at kung minsan nga ay masakit) sa pag-iisip sa kung ano nga ba talaga ang PAG_IBIG.

Syet, oo pag-ibig na naman. Sandamakmak na ang mga kanta, movies, nobela, tula at blog tungkol diyan, pero minsan kahit alam na naman natin ang ibig sabihin ay sadyang napakahirap iesplika. Minsan, alam mong nagmamahal ka, ng bf/gf/nanay/tatay o ng kung sino pa mang mahal mo sa buhay, pero nakararamdam ka ng kirot. O kaya minsan naman para kang naka-lagok ng ecstacy sa sobrang pagka-high sa pag-ibig.

Balik tayo sa kasal ng pamangkin ko; sabi nung Pari sa kasal nila, may 3 Uri daw ng pagmamahal. Aba’y akalain mo yun?!   Tatlong uri? Eh akala natin iisa lang, ‘di ba? Basta sinabing mahal mo, ok na, ‘di ba? Sabi ni Father (Sorry po, nakalimutan ko po ang pangalan n’yo.) may tatlong uri nga raw ng pagmamahal.

Ang una ay:

 Eros: Pangalan pa lang erotic na ang dating!   Taray! Well, actually siya nga ang root word ng salitang Erotic. And ang sabi sa Wiki sa description ng Eros ay ” is passionate love, with sensual desire and longing” pero hindi naman daw ibig sabihin porke eros na ang level ng love mo eh may something sexual na kaagad. Kadalasan ang tawag sa kanya ay “Selfish Love” kasi nga ang goal lang nito ay makuha ang gusto niya. “I love you KASI . . . . .” yan ang dialogue ng mga taong nagmamahal ng ganito.

 Phillia: Sabi nga ni Father, ito yung give and take na relationship, and puwedeng mai-apply sa mag-asawa, magkaibigan, o sa kahit na sino na may relasyon na parehong nagbe-benefit at nagbibigay. Ito raw yung general type of love, sabi nga ni Wiki. Pero kahot gaano kaganda ang pagmamahal na ito ay nanlalamig din. Kumbaga, nandiyan lang siya kapag may napapala pa ang isa’t isa. Kapag wala nang pakialam ang isa, kadalasan ang ending: bye bye na!

 Agape: True Love, wala nang mas gaganda pang deskripsyon para rito. Hindi lang mahal kita kasi at mahal kita dahil ang maririnig sa kanya.

“MAHAL KITA KAHIT NA”

Siya yung pagmamahal na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Yung tipong pahirapan at limited edition lang ang dating kasi ito yung pagmamahal na hindi naipipilit. At kahit na bumitaw pa ang taong minamahal ng taong Agape ang pagmamahal ay hindi pa rin siya bibitaw. “Mahal niya nga kasi kahit. . . .”

 Napakasarap magmahal at mahalin. At minsan kahit pakiramdam natin hindi na dapat mahalin ang tao ay nagagawa parin nating magmahal. Bakit? Kasi totoo ito, kasi ito yung pagmamahal na tumatagos sa lahat ng pagsubok. Ito yung pagmamahal na pinapangarap ng lahat. Kasi sa pagmamahal na ito, gumwapo o gumanda ka man, pumangit ka o maghirap, tubuan ka man ng pigsa sa mukha, mamahalin ka pa rin ng taong nagmamahal sa ‘yo ng totoo.

(Hindi po ako propesyonal para sabihin alam ko lahat ng tungkol sa pag-ibig, pero kung nagmamahal po kayo ngayon, o minamahal kayo, ng kahit na anong uri ng pagmamahal na nasabi sa itaas; namnamin niyo po at pagkaingatan.)

About charl13

i'm a twenty-something mother of a little girl, who is addicted to action movies, and surprisingly stays away from romantic movies. check out my personal blog at http://myshortymemory.blogspot.com/ thanks!