Tatlong daan animnapu’t lima at kalahati

Mabuhay ang OFW!

Nakatingin, nakatanga, bibig ay nakanganga
Nag-iisip, nagtataka mahigit limang buwan na pala?

Nakikinig, nagmamasid sa orasa’y nakatitig
Itutulog na lang ang paghihintay, sa pag-uwi’y nananabik

Tik tak tik tak tik tak sa pagsara ng mata
Tik tak tik tak tik tak malapit na ba?
Tik tak tik tak tik tak ako’y nahihimbing na…
Tik… sana sa aking paggising kasama na kita

Inaalay ko ang tulang ito sa mga kapwa ko Pinoy OFW na walang sawang kumakayod para matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

May mga oras na hindi maiiwasang mananahimik na lang sa isang sulok, at luluha sa mga pagkakataong lumilipas na hindi natin nakakasama ang ating mga mahal sa buhay.

Ilang birthday ang hindi napupuntahan, binyag ng anak, pagtatapos sa hayskul, kung minsan libing o burol ng mga naiwan natin sa pinakamamahal na lupang sinilangan.

Isinulat ko ito nuong ikalimang buwan ko sa Qatar, mag-isang nagmumuni-muni sa mga masasayang alaala na binaon ko malabanan lang ang sakit na uso dito, and “homesick”.

Mabuhay ang mga Pilipinong nasa ibang bansa! Uuwi din tayo, makakauwi din tayo!

Mabuhay ang OFW!
Mabuhay ang OFW!

About emstarr14

A Nurse OFW, formally school journalist whose passion is to create piece of art through writing. "Ang paghalik ng pluma sa manipis na anyo ng kahoy ay isang pag-ibig na wagas" ang pagbabalik loob sa pagsulat
Source :

365 1/2 days