Tara! Sparing Tayo!

“Tara! Ano lalaban ka? Angas mo eh!” sabi ng iyong anak na walang kamuwang-muwang sa kanyang ginagawa.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit siya nag-aya ng away?

Naangasan?

Napikon?

O kinain lang ba siya ng lipunan?

Anong mga dahilan iyan para magsimula ng gulo? Makabuluhan ba? May patutunguhan ba ang inyong pag-aaway sa kalsada at gumawa ng komosyon na wala namang kwenta?

Alam niyo ba ang ginagawa niyo?

Kahit ako, naging isang saksi na rin kung paano sumiklab ang pag-iinitan at pagpapasikat ng mga kabataan pagdating sa pag-aaway.

Ang sumama sa mga away na wala namang patutunguhan.

Ang maging isang salot sa bansa natin.

Ang mga kabataan na pag-asa parin ba ng bayan?

Isinakatuparan parin ba natin ito? Pinahalagahan at tinandaan? O sadyang alam niyo lang nang hindi man lang inuunawa?

….

“Ay, Ma’am hindi po iyan magagawa ng anak ko.”
Ang bukang-bibig ng iyong magulang na walang alam sa iyong kahihiyan. Ang kawalan ng kanyang presensya habang ikaw ay naliligaw sa lubak na daan. Ang pagkapit mo sa patalim dahil hindi mo na alam ang iyong ginagawa. Ang kagustuhan mong maging kilala at katakutan sa inyong lugar. Ang mabansagang malakas, maangas at hindi umuurong na babae na kabilang sa isang grupong nalululong na sa bisyo. Ang pagkawala mo sa tunay na mundo nang hindi man lang alam ng iyong pamilyang alalang-alala sa iyo. Ito ang nangyayari sa ating kabataan.

Ang ating kabataan na walang gabay at inspirasyon sa kanilang ginagawa. Ang maligaw ng landas dahil sa kawalan ng pansin. Ang pakikipag-barkada kasya mag-simba kasama ang pamilya. Ang pagkalugmok sa kalungkutan na nauwi na lamang sa bisyo at kamatayan.

“Lahat naman binibigay ko sa iyo, pero bakit ba ayaw mo parin mag-aral?”
Sabi ng iyong tatay na walang ginawa kung hindi magtrabaho para sa iyong kinabukasan.

Ano nga ba ang kulang? Saan siya nagkulang? Ayaw mo ba sakanya? O sadyang pagod ka na mag-aral?

Siguro, presensya ang kailangan iyong anak. Dahil hindi mo pa nabibigay ang lahat. Ang iyong yakap at payo ang kanyang kailangan, hindi ang mga gamit na lagi niyang inaabandona at ipinagmamayabang.

“Ma, Pa, lalayas na ako. Sa mga kaibigan ko nalang ako titira. Kaya ko naman na sarili ko eh.”
Ang marinig ang mga salitang iyan, nakakabagabag ng puso’t isipan, hindi ba? Ito ang mga salitang ayaw marinig ng ating mga magulang. Ngunit lubos na tinatangkilik ng mga kabataang hindi pa kilala ang sarili nila.

Ang makulong sa rehas ng sambayanan. Ang maging utusan at alipin ng lipunan. Ang maging sunud-sunuran sa kung anong uso at ano ang mayroon ang kaniyang mga kaibigan at ang lugar na kanyang ginagalawan.

…….

Ngayon ba’y napagtanto niyo na kung paano nakakapag-impluwensiya ang kapaligiran ng isang tao sakanyang ugali at galaw?

Kung paano nagkaroon ng kahulugan ang “Kinain ng Lipunan” na mga biro.

Mga kabataa nag aaway ng walang dahilan

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.