Taong Grasa

(Image credit : chikamuna.com)
(Image credit : chikamuna.com/maricar-reyes-as-taong-grasa-in-may-bukas-pa/)

Taong grasa, bansag natin sa mga nilalang na pakalat-kalat sa kalsada. Madungis, nanlilimahid, may amoy na hindi natin ma-take.

Kadalasan, sila ‘yung may mga nakasabit na kung anu-ano sa katawan gaya ng mga plastic bag, karton, laruan o kahit ano lang na napupulot nila sa basurahan.

Ang mga taong grasa ay pagala-gala lang sa lansangan, natutulog kung saan-saan. Minsan sa ilalim ng tulay, sa mga abandonadong gusali, sa tabi ng estero, o kung saan na lang abutan ng pagod, gutom at antok.

Karamihan sa kanila ay wala sa hustong pag-iisip. May iba naman, parang sadya na lang kinalimutan na umiikot pa ang mundo.

Sa pananaw ng isang normal na tao, masasabi nating ang mga taong grasa ay mga nilalang na pinagdamutan ng kapalaran. Mga taong hindi nabiyayaan ng magandang buhay at napagkaitan ng maayos at masayang pamumuhay.

Pero ganun nga ba iyun para sa kanila?

Mas mukha pa nga silang masaya sa mga taong normal na gaya ko. Mistulang isang bata na walang problemang iniisip. Pinalilipas ang kanilang araw nang walang masyadong stress. Kung may magbibigay o sila’y makapupulot ng pagkain, salamat.

Kung walang makain, sa kanila ay okay lang din. Sanay na eh. Samantalang tayo, halos umiyak pag walang maihanda sa hapag kainan. Halos mawalan ng pag-asa pag hindi kumita ng pera at walang maiuwing pagkain sa pamilya. Nasasaktan at nalulungkot pag hindi maibigay ang pangangailangan o gusto ng ating mga anak.

Pero sila, ang mga taong grasa, kuntento na sa kung ano ang meron sila. Masaya sila sa malilit na bagay na nakakamtan nila o nakikita. Minsan naiisip ko, humihiling pa din kaya sila nang sobra pa sa nakukuha nila?

Oo, marumi sila, mabaho, nakadidiri at nakaiirita sa paningin nating mga normal. Pero naisip mo rin ba na maaaring mas mapalad sila kesa sa atin? Na mas totoong tao pa sila kesa sa atin?

Kasi sila hindi nila kailangang magkunwari. Hindi nila kailangang magpanggap. No pretensions whatsoever. They live their lives each day as it is. Sa kanila, masasalamin natin ‘yung kahulugan ng kakuntentuhan.

Sana tayo rin bilang mga normal na tao at merong mas maayos na pag-iisip ay makakuha ng aral sa mga taong grasa. Matuto sana tayong makuntento sa meron tayo. Huwag piliting yakapin ang hindi natin kayang yakapin. Umakto lang sa tama at sa kung anong buhay meron tayo. Hindi natin kinakailangang maging katulad nila literally, na maging marumi, mabaho at magpagala-gala sa lansangan.

Let’s just try to emulate the simplicity of the life they live. Kapos sila pero nabubuhay sila. Wala silang pera pero masaya sila. Kulang sila sa pag-iisip, pero nagagawa pa rin nilang ngitian ang buhay na meron sila.

Siguro kung lahat tayo ganun din, everybody happy na lang. Wala nang pighati at kalungkutan sa mundo.

#DFBI  #DFBloggersIntl   #DFBloggerMonet  #DefinitelyFilipino

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.