Talaga nga bang bobo ang mga Pilipino o sadyang nagpapabobo lang tayo?

mmff
MMFF Movies 2014

Taon taon, ang MMFF (Metro Manila Film Festival) ang sinisubaybayan ng mga Pilipino. Ito ang panahon (Disyembre 25 hanggang Enero 8) kung kailan puro Tagalog lamang ang pinapalabas sa sine. Ang pinakamahusay na producer, director, at aktor ay may kanya-kanyang “best” awards dito. Kasalukuyan, kung pag-aaralan natin ng mabuti ang iba’t ibang prinsipyo sa mga pelikula na maiuukol natin sa ating pagkatao, tiyak na ating mas mauunawaan ang kahalagahan ng magandang sining pagdating sa pelikula. Bilang isa sa mga Pilipinong manonood, nais kong ipaalam ang mga salik ng pelikula na gagamitin natin para maunawaan ang mga prinsipyo at konsepto sa pelikula, at wag sana natin basta bastang tanggapin ang mga walang kwentang pelikulang ipinalalabas ng film industry (no offense).

Ang mga salik ng pelikula ang dapat nating gawing batayan sa paguunawa at pamamahagi ng mga prinsipyo at konsepto na nakalatad sa pelikula. Ayon kay Alfaro (2011), ang  dapat nating tandaan sa (1) Direksyon, ay kung paano ipinahatid ng director ang mensahe ng pelikula, (2) Pagganap, ay kung nabigyan ng bisa ang pagsasabuhay ng karakter, (3) Istoryang Pampelikula, ay kung nabigyan ng linaw ba ang storya, (4) Disensyong Pampelikula, ay kung angkop ba sa storya at mga tauhan ang mga ginamit na kagamitan, kasuotan, tanawin, set at pahanon, (5) Musikal Iskoring, ay kung angkop ba ang musika na ginamit sa iba’t ibang emosyon sa bawat eksena ng pelikula, at para sa akin, (6) Cultural o Historical value ng pelikula, kung ito’y nakapagbibigay mensahe tungkol sa pagkapilipino natin at ang kahalagahan ng sining. Sa paggamit ng mga salik na ito, madali na natin makukuha ang iba’t ibang prinsipyo at konsepto tulad ng feminism, materialism, atheism, atbp. na dapat nating maunawaan upang maipamahagi natin sa ating sarili ang bawat klase ng pelikula at syempre na rin ang kultura at kaysaysayan natin.

 

Sa halip ng mga salik na ito, hindi parin maiiwasan na madami ng tamad dahil sa teknolohiya, at dahil dito, madami na sa ating Pilipino ang mababaw mag-isip. Ayon kay Cruz (2006), ang Philippine entertainment industry ay hindi lamang isang kaparangan kung pati na rin isang mabagsik na instrumento upang malapastangan ang mababaw na pag-iisip ng masa. Kagaya ng “The Amazing Praybeyt Benjamin”, mahahalatang hindi manlang pinag-isipan ang plot dahil halos dinaan lamang sa mga “pick-up lines” at kuro-kurong mga eksenang ipinaalam sa audience na “ganito” kayo mag-isip. Hindi ba dapat na si Praybeyt Benjamin, na tagapagligtas ng bayan, ay kumilos sa mabuti at matinong paraan? Halos kabaklaan at kalokohan lang ang mga ginagawa niya at ng ibang characters. At dahil tayong mga Pilipino ay hindi naman gaanong kalalim mag-isip, masasabi nating ipinaaalam ng media na “bobo” nga tayo; na magugustuhan din naman natin yung pelikula kahit wala tayong matututunan dito.

Wag natin basta-bastang tanggapin na panget at walang kwenta ang mga pinapalabas. Ayon naman kay Ilda (2011), dapat isang paraan ng pagpapalaganap ng kultura ang mga pelikula na sa gayon, makakaapekto sa ating buhay at ang ating paningin sa bayan, sapagkat isang makapangyarihan na instrumento ito para mabigyan kahulugan kung sino nga ba tayo. Kung pag-aaralan natin ng mabuti ang mga moral lessons sa Kubot, The Amazing Praybeyt Benjamin, Feng Shui 2, My Big Bossing, Shake Rattle & Roll, at Bonifacio, halos lahat ng ito kakaunti lang ang matututunan maliban sa Bonifacio at English Only Please (medj). Oo, nakaka-entertain ang mga ito at hindi boring tulad ng Bonifacio at  English Only Please, pero wala namang laman – wala akong gaanong natutunan, hindi ito nakapagbigay na mabigat na damdamin saakin, walang naiwan sa puso ko, tila parang pinanonood ko ang utak na may magulong imahinasyon. Hindi sa gusto kong mang-insulto, ngunit sana may pagka-intense manlang, yaong bang mangingilabot ka dahil alam mo na kahit papaano, may nagbago sayo, yung mapapaisip ka talaga? Ngunit kabaduyan lang ang nakita ko, wala manlang kritiko, halos hindi angkop sa mga dapat tandaan sa salik ng pelikula, at pwede mo kaagad ibasura ang pelikula pagkatapos ng isang gamitan. Pwede naman tayo mag-isip, gumawa ng storya na kapani-panibago, na matutulungan manlang ang pag-angat ng bansang ito, tulad ng mga indie films na On The Job, Transit, at Norte Hangganan ng Kasaysayan; hindi yung…mga halimbawa ng konsepto sa mga panget na pelikula (no offense, last na to).

Sa panibagong taon, siguraduhin nating higit na maunawaan natin ang mga salik ng pelikula upang taglay nating maintindihan ang mga prinsipyo at konsepto na maaring makatulong kahit papaano sa pag-unlad ng bansang ito. Ang mga pelikula sa MMFF ang iilan lamang sa mga pelikula na tinutukoy kong mala-mainstream (mala-masa), na dapat nating dinadalawang-isip bago natin sabihin na maganda ito. Ngunit kung kaya naman ng mga independent filmmakers gumawa ng nakakapangilabot at nakakapanibago na mga pelikula, bakit hindi kaya ng mainstream? Tila nga ba na alam nila na mababaw mag-isip ang masa? Na basta-basta nalang natin tatanggapin ang binibigay nila? Yung totoo, hindi tayo bobo. Hindi lang  tayo malalim mag-isip. Kaya nagpapabobo nalang tayo. 2015 na. Magbago na tayo.

45 Comments

  1. harang yang MMFF, gusto mo manood ng matinong pelikula,, pinapalabas nila basura.. siyempre may pera ang mga tao,, pasko ,, kaya sige na lang sila sa panonood… parang hinoldap ka ng nakatawa hehe

  2. Kailangan talaga ng pagbangon ang phil. movie industry dahil sa kababawan at too much commercialism nakakalimutan na ng mga producers at pati na ang ibang mga miyembro ng industriya na meron silang pananagutan sa mga viewers. They should not only entertain but also educate and inspire. Kaya nga eto na ang resulta ang pag-iisip ng mga pinoy mababaw at hindi ito magbabago kung hindi magiging responsable ang film industry kasama na rin ang TV industry.

  3. Parang eleksyon lang yan. Alam na ng madla na mangungurakot lang ang kandidato pero iboboto parin nila kasi gwapo. Kulang sa isip, madaling “bilhin” ang taste.

  4. Kahit sa Bollywood pa i-compare, sobrang layo. Just like what everybody has said… Yung “3 Idiots”, entertaining na maganda pa. Kahit 3 hours long pa yung movie. Sobrang ok ang quality. Even Like Stars on Earth, Dhoom 3, PK etc.

    • di lang yun magaganda ang establishing shots ng bollywood tlgang gamit na gamit ang rules of 3rds at cam movement. mlayong mlayo tlga sa pinoy.

  5. Our top grossing films are solely for the entertainment and use of the Filipino people, unlike India’s “3 Idiots,” which really teaches a great lesson. The movie “Avatar” is also a great movie and deserves to be the top grossing film of all time. Other blockbuster movies outside the Philippines, Toy Story 3, Finding Nemo, ET, Independence Day, etc. among others, seem to have taken many years in order to be filmed and animated.

    Most of the MMFF entries nowadays were like filmed on the first weeks of December and aired on the 25th.

    The record holder of the highest earnings ever made is the “The Unkabogable Praybeyt Benjamin.” If foreigners will watch it like how we’ve watched their movies, surely, they’ll not laugh at it or even be entertained at it, or even learn a lesson. India’s “3 Idiots” somehow reflects what was really happening there–that at your very first glance to the light of the world, your fate is already determined by your relatives. “Avatar” symbolizes the greed of us, humans, that everything, including nature, must be sacrificed for power. Dreamworks and Disney movies never cease to teach lessons to people of all ages. Now I wonder what our MMFF entries from the past years symbolizes, reflects, or teaches.

    Disclaimer: I only posted what I am feeling and seeing now and wish not no offend anyone. I am also not saying that foreign movies must be our standard.

  6. I do agree with you that most of the Filipino-made films, especially during MMFF, are quite “rubbish.” I wish not to offend anyone, but the truth speaks for itself. Truly, “Praybeyt Benjamin” is entertaining in a sense, but the way its main characters entertain and make jokes are quite disturbing especially to the eyes and ears of the young. I haven’t watched “My Big Bossing,” and I do not intend to, but If I will base the whole movie from its trailer(s), that constantly disturbs my watching TV, it’s almost the same as last year’s “My Little Bossings.” Just like what Mr. Lourd De Veyra said, it’s an example of PNY– Pwede Na ‘Yan.

    There are certain types of people, when confronted about these movies and matters, will say, “Of course we will watch those movies because ‘they’re for the kids!'” How I wish I could explain everything further to them.

  7. I stop watching pinoy films since I was in highschool. That was almost 20 years ago. I’m glad someone shout out the reasons why I stop.

    Yes we have a lousy film in terms of intelligence and values.

    When someone ask me kung bakit ayaw ko manood ng pelikulang atin eh may response is “because ang bo-bobo ng mga character”, well that was an impulse I admit which is a bit too much I admit. And I could never understand why these people is so entertain on something that does not feed your brain, something that doesn’t make you think anymore, where the characters is so dumb who keeps making obvious bad decisions. But then I think many of these characters are a mere reflections of majority nating mga pinoy(maybe too harsh for me to say but that’s my opinion).

    Many Pilipinos keep watching this kind of bad characters in the movie which they idolize and follow, and that is one of the reasons many of us keeping the same ideology and never progress. Why don’t we make film character we can really look up to?

    I agree that the film that we have are not as good as we want and expected. But the film makers are only making movies depending on the appetite of the majority of the citizens. Most of the fault lies on us, the viewers. If we can be satisfied on the crap that they keep feeding us, then its all we ever gonna get.

    • I actually agree with most of the points of the writer here. But with all due respect, if you stopped watching Pinoy movies almost 20 years ago, I don’t think you have any basis to give an opinion on this. Much has changed on the PH film industry, and while MMFF films are mostly crap, there are a lot of good Filipino films that you should support.

      I watch and pay for even the boring ones, as long as they are well made and well thought out — at least those that made an effort. Then if a movie is not good, I get to say my opinion about it.

      • You do have a point. I do missed a lot since then, I apologize if I sound like pointing on all pinoy movies, I’m sure there are good ones out there.

        Though I occasionally live in a house with other people and I occasionally took a peek when they watch pinoy movies and most of the time(NOT most of the films), it would only take 5-30 minutes before I see the same bad taste i see back then and some new (still)bad taste. It disappoints me to see what we have accomplished for many years, well at least only from those I took a peek at.

        Throughout those 20 years I admit I already develop the attitude to be hook up on foreign films and snub our own. So yes I did missed the good ones, it just saddens me to see that most of the famous and liked, well budgeted, well marketed are the ones that is crap; and its also the most viewed and cheered by many. and the influence this films have done to the viewers are poorly.

        Filipino attitude of “mababaw lang ang kaligayahan” has its perks surely, but it has also some disadvantages if we apply it on too many things and its dragging us down.

        And since I’m not a perfect person, I sometimes react impulsively and emotionally, that’s is why I’m going to take this chance to say to all those zombie fanatic viewer who mostly enjoy watching and supporting mindless shitty crappy spoon-feeding stupid unproductive mediocre movies to wake the **** up! your dragging everyone down!

        • Cool. And so with that, can it be your new year’s resolution to support well made Pinoy films from now on? 😉 Let’s come together to show the industry what kinda viewers they should making movies for!

          And to everyone else reading this —
          C’mon guys, let’s at least resolve to support at least 3 movies that really make an effort (expect low budget though) per year! Let’s show those producers that we’re here to support them in making this change, and maybe eventually things will start to get better. 🙂

          (and no, i’m not in any way associated with the entertainment industry. just a lover of good films.)

  8. There are a lot of movies in America that can be considered idiotic or stupid and earned very well in the box office leaving good films to shame when it comes to earnings. Some even made it to number 1 for weeks. Does that mean Americans are also idiots?

    • No. I meant these for the “masa” people of the Philippines. I’m not implying it to the Americans. And in America, it’s just some that’s lame. There are also movies that would not only entertain us but also educate us such as “Interstellar”, and “Sherlock Holmes”. Here in the Philippines, basically all movies made by the film industry has the same recycling plots and unimproving quality, yet still a lot loves it.

      • Uh-uh. We know very well which movie you are talking about here though you never pinpointed it. I’m not a fan of Vice Ganda nor do I like watching his movies but to each their own. I’d respect you more if you made a movie review rather than calling people bobo.

        • Please re-read my conclusion, specifically on the part “Yung totoo, hindi tayo bobo. Hindi lang tayo malalim mag isip.” besides, these movies reflect how filipinos are.

  9. kaya ako d nanonood ng mga walang kwentang peniklang pilipino… wala kang mapupulot na maganda.. totoo ang lahat ng sinabi ng writer dito!!agree!! masarap pang manood ng short mo/indi film.

  10. eh mga pinoy mas inuuna pa ang showbiz interest kesa sa usaping pambansa, teknolohiya, trabaho,,..
    Duterte for President na nga lang para uunlad tayo

  11. Film, as a form of media, has a lot to do with shaping the mentality and awareness of the people. Yes, the films are entertaining. They make us laugh. They make us whimper with fear. They make us forget for a moment our problems. For the masses, it may be a form of escapism. However, given the power of the media, they have also the power of forging a more intelligent nation by showing materials that actually matter, materials that allow us to at least be aware and reflect about something meaningful. Pwede naman sigurong makagawa ang mga producers and directors ng pelikula na mapagyayaman ang ating kaisipan lalo na sa mga social issues na kinakaharap natin ngayon. There are films in the golden age of Philippine Cinema that proved to be thought-provoking.

    The problem lies with the commercialization of the media. Kapag hindi kikita, kahit maganda at kapupulutan ng aral, hindi bibigyan ng budget.

    Maybe the worse part is that most people come to see the films to see their idols, who, in my opinion, just drives the masses to idolize them and the things related to them: their shows, their movies, their endorsements. Ang naging tanong tuloy ay hindi “maganda ba ang kuwento?” Ang naging tanong ay “sino ba ang bida?”

    It’s not a bad thing to be entertained. The problem is that, for so long, masyadong maraming pelikula ang ipinalabas na hindi tayo hinahayaang mag-isip na nasanay na ang karamihan na tanggapin na lang kung ano ang inihain sa kanila. Katulad ng isang latang walang laman, napakaingay ng promotion ng mga pelikulang ito, samantalang ang mga pelikulang may makabuluhang mensahe ay tahimik lamang, karamihan ay hindi napapanood ng masa. Batay nga sa sikat na linya ni Spiderman, “With great power comes great responsibility.” Hindi natin maikakaila na ang media ay isang makapangyarihang sandata. At bilang isang kapangyarihan, may kaakibat itong responsibilidad.

  12. You try to check and watch Indian movies like ” 3 Idiots” and ” Every Child is a Gift ” by Amir Khan. I gave these two DVD copies ng Bollywood movie sa anak ko when he was 10 years old. Pinanood lang niya ito when he was 13 years old and sabi niya 5 times na niyang pinapanood yun and he thanked me for giving that DVD na nabili ko sa Kyapo for 12 pesos each. Marami siyang lessons na natutunan dun and in fact yun ang pinopost nya sa FB messages niya. Despite of the shortcomings ng Pinoy movies,dapat tangkilikin pa din natin ito dahil marami siyang trabaho na nacrecreate at Pinoy tayo Sanman! Reach Penaflor

  13. I agree with your essay but not entirely. Hindi naman tayo bobo at hindi malalim mag-isip. Very gullible lang, andalilng maniwala sa walang kawawaang pelikula. Pero look at the results of the MMFF Awards?! Walang nakuha ni isa mang award ang walang wentang pelikula gaya ng Praybeyt Benjamin, Feng Shui at iba pa…. Buti na lang may Cinemalaya Films na gumigising sa ating katinuan… Sana lang yun ang mga dapat na ipinalalabas sa mga P25 pesos na re-issue movies sa mga sinehan rather than the Thai, Indonesians, English Films, etc. May hope pa naman sa mga manonood na Filipinos…… Let’s respect each other’s opinion…..

  14. Grabe nmn ung writer n2, anu ka sa tingin mu Ms. Czarina Burgos…. may knya knya taung pananaw s buhay. At wla kang karapatan na sabihin un….. Kung sa tingin nag trend ka dahil opinion mu lng ito well nagkkamali ka…. Nag trend ka dahil mas BOBO kang mag isip dahil npaka wlang kwenta ng Blog n 2, be straight to the point at wag kang magppsakalye kc obvious na may pinatatamaan ka. I suggest you to go back to school to learn some manners and understanding…..

  15. Ang pangunahing issue sa MMFF at sa pelikulang Pilipino (hindi lang naman Tagalog) sa pangkalahatan ay isa itong negosyo. Mas nae-engganyo ang mga producer na mag-pondo at gumawa ng mga pelikulang “formula” o iyong mga subok nang kumikita – tulad ng mga slapstick comedy, romantic comedies, comedy-horror-musical, at walang kamatayang tearjerker drama. Bakit nga naman ako gagawa ng pelikulang hindi ko mababawi ang aking puhunan at pagkatapos ay kumita? Mas malayong “mura” ang mga indie films dahil wala itong malaking artista at mga tauhan na tulad ng mga production outfit. Sa isang bahagi naman, nakatulong ang paglalaan ng pondo at suporta ni Imelda Marcos sa mga pelikula noong sinimulan niya ang Metropolitan Film Festival (ang nanay ng MMFF), Manila International Film Festival at Experimental Cinema of the Philippines. Iyon lamang, maaaring mas malaki ang kontribusyon ng irony, hypocrisy at tension gawa ng Martial Law sa paghubog ng tindi at tapang ng mga pelikulang nasa antas na pang-festival. Tumabo ba sa takilya ang mga pelikulang tulad ng Insiang at Minsa’y Isang Gamu-gamo (remember, “My brother is not a pig” line)? Hindi ko alam, ngunit nagpatuloy ang paggawa ng mga classic at immortal na mga pelikula ni Brocka at Bernal at marami pa sa panahong ito. Naniniwala akong mabigyan lamang ng suporta tulad ng mas mababang buwis at karagdagang pondo ang mga gumagawa ng pelikula, maaari pa rin tayong gumawa ng mga pelikulang mataas ang antas upang panoorin ng mga Pinoy. Naniniwala rin ako na isa sa mga function ng pelikula ay ang escape. Hindi mawawala ang mga formula films kung ako ang tatanungin dahil sa function na ito.Hindi bobo ang Pinoy, kaunti lamang ang pagpipilian niya at gusto niyang mag-escape.

  16. ano ba ang pwede mong pg pilian sa mga pelikulang pilipino. e halos pare pareho ang istorya, kung baga pabalik balik lang. e anu nga ba ang matutunan mo? ang pelikulang pilipino e pampa lipas lang ng oras para mawaglit ang problema na ginagawa ng mga mambabatas. ngaun kung gusto mo ng pelikulang high tech at may aral talaga ang dala ng istorya, panuurin mo ung mga gawa ng universal, twenty century, at iba pa. mas malalim ang mensahe at ng istorya.

    • Maraming pelikula, libro, kanta o kwento, ay magkakalapit kung titignan mo. Mabuti laban sa kasamaan, pag-ibig, nasyonalismo, atbp ay mga unibersal na konsepto ang mga at mauulit at mauulit ito. Pero nasa pagsusulat at pagpresenta. Hindi mo kailangan ng mamahaling special effects o naglalakihang budget para gawin ito. Tignan mo ang mga indie films natin. Ang mga tema nila hindi naman sobrang orihinal at ang mga budget nila ay limitado pero nadadala sa pagsusulat, pagdirekta, at pag arte, kaya sila ang mga nananalo sa mga international film competitions. Sa puno’t dulo, hindi ako sang ayon sa sinabi mo. Para mo na ring sinabi na ang pelikula (kahit saang bansa man manggaling) ay hindi sining at limitado lang ang halaga.

      • tama ka kaibigan, ang tanong sino ba ang judges sa indie at sa MMFF pareho ba? ano ba ang batayan? pareho ba, now ang hanap ng manunood e sumaya, matakot, at malungkot , kasama ba ang manunood sa ng dedisisyon kung sino ang mananalo? sa indie kaya nanalo kac kakaiba ang istorya, hango sa tunay na buhay, at ang batayan sa indie dapat hindi gumastos ng malaki ang ng entry, db? e sa MMFF? isa pa ang manunood ba e alam kung ano ang batayan sa MMFF? at alam ba nila ang proseso? simply lang basta gusto nila ung panunuurin nla wala ng pakialma kung anugn istorya, ung bold movie nga tinatao pero kung pg babasihan mo istorya wala. db? sa kanta ok. kahit parepareho ang mensahe iba iba naman ang tono kasi 4 na klase ang nakikinig ng music, una ung tune, 2nd, ung lyrics, 3rd. ung instrument, 4th. ung messages ng song. sa tune 2 klase naman, ung pinakikigan ang boses ng kumakanta, at ung arrangement. ung dangerous life if you remember, bakit foreign ang gumawa maganda ang tema ng movie?

  17. sa nag post ni to..ni rerespeto kita kasi comment mo yan at alam naman na tin na iba2x ang pananaw2 natin sa buhay,,

    pero sa cnabe mung “bobo” dun ka nag kamali, ikaw mismo alam mo na mababaw lng pasayahin ang ang mga pinoy , hindi mo rin ba gets na gusto ng lng nating mga pinoy ng ,.”TUMAWA” despite sa Problema na kinakaharap ng ating bansa. pero for sure nong kapanahunana mo nanonood ka din ng mga pilikulang pinoy na out of this world kung baga taliwas sa realidad…

    TUMAWA KA

    MATAKOT KA

    MA INLOVE KA

    at ma AMAZE ka kasi isa karin sa makikinabang pag mananalo ang mga MOVIE na gawang pinoy sa ibang bansa…^_)^ Y..

    • well una sa lahat ang karaniwang nananalo sa mga internation film festival na gawang pinoy eh ung mga indie. Bakit? Kase sila ung mga tipo ng tao na gumagawa ng pelikula na thought-provoking. Hindi sila gumagawa ng pelikula para lang bumenta. Gumagawa sila ng pelikula kase may maganda silang mensahe na gustong sabihin. Medium lang din naman ang mga films eh. Katulad ng dyaro, ano mas seseryosohin? Tabloid o broadsheet? Ang point lang naman ng author dito is kaya ganito lang ung mga films na ginagawa ng nasa industriya kase karamihan ng pilipino ganyan lang mag isip. Dati pinalabas sa mga sinehan ung gawa ni Brillante Mendoza, ung Thy Womb. Nilangaw. Bakit? Kase hindi gusto ng pilipino yan “masyadong malalim”. Eh ano na nagiging labas ng mg sinehan tuwing MMFF? Tabloid version ng sinehan?

      • Maraming salamat talaga na nagets mo yung point ko. Medj ang dami kasing galit na I pointed them out as “bobo” even though cinon-clude ko na “Yung totoo, hindi tayo bobo. Hindi lang tayo malalim mag-isip. Kaya magbago na tayo.”
        *sigh*

        • Haha tska mejj nakakaewan din ung sinasabi nila ung ibang bansa merong mga idiotic films din naman na ginagawa or mga money-grabbing films. Tama sila in a way eh. Same lang din naman sa pilipinas, minsan may mga movies na worthwhile ung iba naman talagang wala. Pero ang point mo kase is MMFF to METRO MANILA FILM FESTIVAL film festival ng heart ng pilipinas tapos ang usual offer Praybeyt Benjamin? Shake rattle and roll? Feng shui? My little bossing?

      • The way Directors and Film Producers make sequels and prequels for movies that earned a lot only shows that they only want to earn, and it’s very annoying.

        I wish there will be no more sequels or prequels for films like Praybeyt Benjamin, Big Bossings, Kubot, etc. because, seriously, it gets nastier and nastier and even nastier everytime a sequel or prequel is made especially for these kinds of films. It’s a getting something out of the garbage can to be thrown at it again “for entertainment.”

        I wish none of these will be like Enteng Kabisote. My… seven sequels?! Who would’ve thought that recycling a movie seven times will be a good idea?!

    • Again, Please re-read my conclusion, specifically on the part that I said, “Yung totoo, hindi tayo bobo. Hindi lang tayo malalim mag-isip.”

      We need to think deeply because even though these movies DO entertain us, it does not change our problems. WE NEED MOVIES THAT WILL INSPIRE US TO SOLVE OUR PROBLEMS, NOT SIMPLY ENTERTAIN US.

    • Ayan tayo e. Yan mismo yung sinasabi ng author. Nahilig ang mga pinoy kumain ng tae dahil sa sobrang tagal nitong pinapakain ng mga tae ng mga komersyal na film studio. Sabagay, ang tae madaling gawin, mura pa, tiyak pang papatok sa takilya! Kakaunti lamang ang gustong sumubok magluto ng kare-kare dahil bukod sa mahal gawin ito, wala ring kasiguraduhan na bibilhin ito ng mga tao. Takot mag-isip ang masang Pilipino dahil kagaya nga ng sinabi mo, gusto lang nila matawa, matakot, mainlove. Lahat na basta wag lang mag-isip.

  18. Kung sabagay the advance countries use the movies to enhance the knowledge and sometimes change the attitude of people thats why they become inventors etc and as a result they become rich country

  19. Ang MMFF ay parang Election lang din… sinasamantala ng mga producers, directors ang kababawan ng mga tao. Tulad ng Pulitiko, alam na natin na marumi, corrupt pero kapag nabigyan ng pera ang bobotante, iboboto parin… Sa MMFF, kahit magkakaroon ng ilang parts ang pelikula panonoorin parin at tatangkilikin kahit alam natin walang kwenta (sayang ang pera at panahon). Ganyan ang cycle ng mentality ang mga Pilipino kaya reflection lang na mahirap ng magbago ang Pinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.