Takbo Lang! (a Tikbalang Story) Chapter IV Gelre

tikbalangMaliwanag, maputi ang paligid, at hinang-hina ang mga pag-uusap; ang tanging namamalayan ni Lenard.

“nasa langit naba ako?” ang nasa isip ni Lenard. “Patay na kaya ako?” dagdag pa niya.

Parang tagpi-tagping alaala na unti-unting ibinabalik ni Lenard habang hindi pa gaanong bumabalik ang kanyang buong kamalayan.

Isang mukha ang unti-unting namumuo at parang dumidikit sa kanyang mukha.

“Lenard, anak ko!” sambit ni aling Leoville. “Anak, anak ko, napaano ka ba kagabi?” dagdag ni aling Leoville. “Buti na lang at unti-unting sugat lang ang inabot mo at kaunting gasgas”.

Nakadilat lang ang mata ni Lenard at nakatutok sa mukha ng taong pilit siyang tinatawag sa kanyang pangalan.

“Oh! Inay, anong nangyari?” gulat na sambit ni Lenard na para bang biglang natauhan at pilit bumabangon, ngunit hindi magawa pagkat nananakit pa ang kanyang katawan sa mga gasgas at sugat.

“O ‘wag ka munang gumalaw sabi ng doctor,” wikang may pag-alala ni aling Leoville sa kanyang anak.   “Hindi gaanong malaki ang naging pinsala sa iyo, pero dulot ng iyong mga gasgas at sugat ay pansamantala ka muna dito, bukas ay uuwi na rin tayo,” paliwanag ni aling Leoville.

“Inay, ano bang nangyari? Bakit nandito tayo sa hospital?” tanong ni Lenard na nangungulila sa sagot.

Sinalaysay ni aling Leoville ang nangyari, ngunit hindi pa rin buo ang mga pangyayari kay Lenard.

“O, gising ka na pala, anak,” tuwang-tuwang wika ni Mang Ronardo na kadarating lang galing sa tindahan upang bumili ng makakain.

“Anak, may tanong ako, anong nauna, manok o itlog?” patawang dagdag ni mang Ronardo.

Ttatay talaga, oo, ‘yan na naman? Wala ka na bang bago diyan?” sagot ni Lenard.

“O, ito na lang, anak, sino ang pumatay kay Magellan?”  hamong tanong ni Mang Ronardo.

“Kahit saang libro ng kasaysayan ng Pilipinas, Itay, nakasulat doon na si Lapu-Lapu ang pumatay, pero sa tingin ko, itay, ay hindi si Lapu-Lapu, bakit kamo?   Nagkataon lang na si Lapu-Lapu ang pinuno o datu sa lugar na iyon kaya binigay sa kanya ang karangalan at siya na rin ang nakilala,” buong-buong sagot ni Lenard.

“Sinusubukan ko lang kung nauntog ba utak mo..” , pabiglang sambit ni mang Ronardo sabay tawa.

“Weee! Ang sabihin mo, natunganga ka sa sagot ng anak mo. O ‘yan ang nakukuha mo sa katatanong ng kung ano-ano sa anak natin,”  sambat ni aling Leoville na may halong pagkantiyaw kay mang Ronardo.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam munang umalis sina Aling Leoville at Mang Ronardo para magbayad sa gastusin nila sa hospital.

“O siya anak, diyan ka na muna at magbabayad lang muna kami ng tatay mo dito sa hospital,”  wika ni aling Leoville.

Ppara namang makaaalis ako dito, Nay,” pabirong sagot ni Lenard.

“Ikaw, anak ha, napapadalas na ‘yang…”

“ Koke lang, Nay,”  pasok na sagot agad ni Lenard.

“I loveyou, Nay, Tay.”

“Oh sige na, sige na, tama na ‘yang paglambing mo at magpahinga ka na at nang uuwi na tayo bukas,”  wika ni Aling Leoville.

“Tanong ko lang ulit, inay, talaga bang si Gelre ‘yung tumawag sa inyo? At siya din yung kasama n’yong naghatid sa akin kagabi?”  tanong ni Lenard.

“Oo, ‘nak, kaya pag maayos ayos ka na ay magapasalamat ka sa kanya nang personal,” wika ni Aling Leoville , “ Opo nay!”.

Buong pag-alala pa rin ang nasa isip ni Lenard lalo na at ang tatay niya na hindi na kamo gaanong nakalalakad dahil sa rayuma ay naabala pa niya dahil siya ay na hospital.

“Magkano po ba bill namin?”  tanong ni aling Leoville sa cashier.

“Anong pangalan,  ma’am?”

“Lenard D. Horsi,” sagot niya. At inabot ng nurse ang bill na babayaran nila aling Leoville nang biglang napansin niya ang ‘di maipintang mukha ni Mang Ronardo na bakas ang pag alala.

“Ano bang pinoproblema mo ha? Kahit nakautang tayo ay okay lang ‘yan, makababayad din naman tayo, may mga sisingilin pa rin naman akong utang sa mga suki ko,” salaysay ni aling Leoville.

“Hindi ‘yun ang iniisip ko, kundi ‘yung paliwanag ng doctor sa kung anong nangyari sa anak natin, ‘di ko maintindihan at lubhang napakaimposible,”  sagot naman ni mang Ronardo.

“huwag na huwag kang magkakamaling sabihin kay Lenard ang mga sinabi ng doctor,”  wika ni aling Leoville na may pag-alala sa kanyang mukha at nakaturo kay mang Ronardo.

“Nasabi ko na lahat kay Lenard, inayos ko ang pagpapaliwanag kaya wala ka nang gagawin kundi ang manahimik,” dagdag pa ni aling Leoville.

Kinabukasan ay umuwi na silang tatlo sa bahay, ngunit mananatili muna nang ilang araw si Lenard na bahay nila ayon sa doktor.

Out Topic: Kagabi ay nanaginip ako ng isang hindi maipaliwanag na mukha, umiilaw ang kanyang mata na wari ay inuutusan akong sumama sa kanya. Prior to that event, habang naglalakad ako pauwi nang bahay kagabi may sumusunod na anino sa akin.. parang ayaw ko nang tapusin ang short story..uh baka kapre ‘yun na gustong umeksena sa short story..HAHAH! tulonggg..

About animelover_manga

just a nobody, wanted to be somebody. through my writing and imagination. visit my poem site.. http://levikarl.blogspot.com/