“T A G A L I G T A S”

TAGALIGTASSa dami ng superhero-ng puwede kong piliin, si Spider-Man talaga ang gusto ko sa lahat. Period. Bukod sa cool at astig ang costume niya, pa-swing-swing sa matataas na building at nagtataglay ng lakas ng pinagsamang sampung wrestler at isang litrong Cobra, naaastigan ako sa ‘spider-sense’ niya. Kakaiba, parang adik na sobrang alerto. Friendly neighborhood pa. Di tulad ni Superman, isang kryptonite lang ang katapat kahit sinlaki man ng vetsin, wala ng silbi.

Pero totoo to: yung adventure, love story at pakikipagbasag-ulo lang naman talaga tayo updated sa iniidolo nating superhero. Wala tayong alam o idea kung ano ang paborito nilang pagkain, sa’n sila madalas tumatambay at kung ano-ano pa ba ang hobbies/talents meron sila. Hindi natin alam yun. Wala kasi silang social media accounts.

Nakakatuwa nga yung isang scene sa nakalipas na franchise movie ni Spider-man kung saan namimili siya ng gamot, (may sipon at trangkaso ata) at sa kamalas-malasang pagkakataon e kelangan niya pa ring umastang superhero, kaya kahit mukha lang niya ang naka-costume at boses ‘singo’ (boses may sipon na ngongo) on the go pa rin ang responsibilidad niyang maging tagapag-ligtas (natsambahan si kuyang holdaper). Dun ko na-realize at napaisip, paano kung wala sa mood at masama ang pakiramdam ng mga superhero? Broken hearted? Natanggal sa trabaho? Namatayan ng tropa? Kikilos pa rin ba sila?

Yan ang mga bagay na madalas hindi natin napapanuod sa pelikula o nababasa sa comics, isang araw sa buhay ng isang superhero. Bakit? Kasi. Superhero. Sila. Wala sa vocabulary nila ang dapuan ng sakit, dahil sa abnormal na daloy ng dugo at pagiging mutant. Wala pa kong nabalitaang superhero na namatay dahil sa dengue o nagkaron ng HIV. Healthy at fit kasi sila. Kaya nga nilang sumalo ng isang libong suntok at bumagsak mula sa kalawakan na gasgas lang ang epekto. Kinabukasan nun, parang wala lang.

Ayaw nating isiping may weakness sila. Ayaw nating malaman na ang tanging tagapagtanggol ng mga naaapi e kinakapitan din ng sipon. Wala tayong pakelam kung kumain na ba sila o hindi, naligo, nagpagupit o kahit simpleng na-stress sa trabaho. Superhero kasi sila, kaya na nilang i-handle lahat yun. Deadma lang kung bumaho na ang hininga nila o parang tinapay na ang kili-kili nila. Amoy putok. Yung mga babaeng superhero nga hindi rin naman nababanggit kung nireregla o kasalukuyang nireregla habang nakikipagsapakan. Bakit? Sabi ni direk.

Yung pagiging matikas, malakas at tagapagtanggol lang talaga ang alam natin sa kanila. Sabi nga sa kanta ng Five for Fighting, “even heroes have the right to bleed…”.

Paano kung isang araw e mawalan na sila ng gana sa responsibilidad nila? Na isang araw ma-realize nila na wala naman silang napapala sa pinaggagagawa nila dahil hindi rin naman sila binabayaran ng gobyerno? Na napapagod na sila dahil wala na…

 

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.