Sylvia Sanchez bilang “Gloria” ng ‘The Greatest Love’, Napakahusay ng Pagganap!

Kung suki ka rin ng teleseryeng “The Greatest love” ng ABS CBN Entertainment, marahil madali kang sasang-ayon sa akin sa pagsasabing napakahusay gumanap ng aktres na si Sylvia Sanchez bilang si Gloria, ang main character ng pampamilyang kuwentong ito.

Si Sylvia Sanchez ay Jossette Campo sa tunay na buhay, edad 45.  Napakarami na niyang naging proyekto ngunit tila ito ang kanyang pinakamalaking break bilang lead character — at well-deserving namang talaga na gumanap bilang Gloria. Fan mo na ako!  ^_^

Hindi ako palanood ng TV ngunit ito ay muling nagpanumbalik sa aking pag-aabang sa isang teleserye. Mas gusto ko kasing magbasa kaysa manood.  ^_^

Kasi naman madadala ka sa kanyang pag-arte, makikiiyak ka sa kanyang mga pinagdaraanan at gayundin, makikisaya ka sa mga magagandang eksena sa kanilang buhay bilang pamilya.

Kahanga-hanga rin ang mga kasama niyang gumanap bilang kanyang mga anak. Mahuhusay rin pati ang mga gumanap na dalagang Gloria at binatang si Peter; sina Ellen Adarna at Ejay Falcon. Si Nonie Buencamino ay kaaawaan mo at hahangaan rin sa kanyang character na ginampanan.

Kung iisa-isahin, talagang lahat sila na kasama sa cast ay napakahusay. Mula sa junkshop people at sa iba pang supporting characters. mahuhusay silang lahat.

Maraming mga eksena ang makare-relate ang maraming ina, anak at ama. Maraming aral na mapupulot sa teleseryeng ito. Aabangan mo talaga kung ano na ang susunod na mangyayari.

Narito ang background sa ‘The Greatest Love’ kung ikaw ay hindi pa nakapapanood nito.

Ang pampamilyang soap opera ay pinagbibidahan ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez bilang si Gloria; isang ina na makararanas ng Alzheimer’s disease.

Gumaganap naman bilang mga anak niya ang mga batikan na ring personalidad sa showbiz na sina Dimples Romana, Andi Eigenmann, Matt Evans at Arron Villaflor. May gagampanan namang mahalagang papel ang aktor na si Joshua Garcia.

Ang “The Greatest Love” ay itinuturing ni Sanchez na isang napakagandang oportunidad na hindi basta-basta dumarating sa buhay ng mga artista.

Sinabi rin niya na: “Sa mga nagdaan kong soaps okay lang ako, medyo-medyo relax pero ngayon hindi ako puwede mag-relax kasi teaser pa nga lang lumabas, ang dami na namin nakuhang mga papuri which is nakaka-pressure talaga.”

Kaya naman ibinuhos niya ang kanyang ‘pinaka-best’ sa proyektong ito upang mabigyang katarungan ang bibihirang pagkakataon na ibinigay sa kanya.

Narito ang isang eksena na kamakailan lang ipinalabas:

Balikan natin ang trailer:

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.