Survey: Malaking porsyento ng mga working professionals ang may balak mag-resign sa mga susunod na buwan

Image from Shutterstock

Sa isang survey na ginawa ngayong taon ng online career and recruitment platform na Monster.com, lumahok ang mahigit 899 Filipino respondents na kapwa mga working professionals.

Lumabas sa survey na 62% ng mga lalaki at 71% naman ng mga babae dito sa Pilipinas ang nagbabalak nang bumitiw sa kani-kanilang trabaho at lumipat na sa bagong kompanya.

Sa mga naging respondents ng survey, 56% dito ay mga ina at 53% naman ang mga ama. Ayon sa kanila, isa sa mga pressure kaya nagre-resign ang mga katulad nilang mga working parents ay dahil na rin sa kanilang pamilya.

Sa kabila ng mga kompanyang nagbibigay ng flexible arrangements para sa mga empleyado, isa pa rin sa mga kadahilanan ng pagre-resign nila ay ang kulang-kulang na compensation at hindi magandang work-life balance.

Image from Freepik

Nasa 77% ng mga respondents ang nagsabing mayroon namang flexibility sa kani-kanilang mga trabaho, ngunit mayroon pa ring 50% ang nagsasabing nahihirapan sila sa pagkakaroon ng work-life balance na nakakaapekto sa kanilang parenting, at 40% naman ang nagsasabing kulang ang ibinibigay sa kanilang compensations.

Inilahad rin ng survey na 54% ng mga lalaking respondents ang nangangamba sa tamang childcare support para sa kanilang mga anak, habang 64% naman ang mga babaeng nagsabing bumabalik lamang sila sa kanilang mga trabaho pagkatapos manganak para masuportahan ang pinansyal na pangangailangan ng kanilang anak.

Ayon din sa survey, malaking porsenyento ng mga working moms ang nagsasabing nahihirapan silang iwan ang kanilang mga anak kapag sila ay pumupunta ng trabaho, at sumasang-ayon naman dito ang mga working dads na isa sa mga dahilan ng pag-alis sa trabaho ay upang ibigay ang oras sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang anak.

Image from Shutterstock

Talaga nga namang mahirap ang maging working parents, lalo na at ang mga anak ang nagdurusa kapag parehong magulang ang laging wala sa tahanan.

Kung kaya’t ninanais ng nakararami ang pagkakaroon ng trabaho na mayroong flexibility sa oras at maraming compensation para sa kanila at sa kanilang mga anak.

Mistulang naging wake up call ang survey na ito para sa mga kompanyang nagnanais ng matibay na workforce at mapanatili ang kanilang mga senior employees.

Sa panahon ngayon kung saan ay marami ang kakumpetensiyang kompanya na mayroong mas magagandang benepisyo at compensations, importanteng mapanatili ang mga ang mga empleyadong regular, senior, at working parents sa pamamagitan ng pagpo-promote ng work-life balance at pagbibigay ng sapat na compensations.

Source :

Esquire, Monster