Supermegahyper

supermegahypereditAng perpektong salita na magsasalarawan sa sitwasyon ko habang sinusulat ko ito. Supermegahyper lamig ng aircon, supermegahyper na nakabibingi ang katahimikan ng kuwartong walang ibang lamang nilalang kundi ako, supermegahyper boring, at supermegahyper namimiss ang sariling bahay.

Bigla ko tuloy naisip ang kanta ni Chris Allen na may lyrics na “You’ll never know a good thing till it’s gone”. Well, hindi naman literal na may nawala, may kulang lang, kumbaga sa pag-aaral, ‘di mo lang nagawa ang isang assignment mo.

Ang totoo, ‘di ko alam kung ano ang patutunguhan nito. Ang alam ko lang ay gusto ko nang umuwi; manood ng eat bulaga, tumawa nang malakas sa mga banat ni Jose Manalo (na bentang benta sa ‘kin), tumambay sa labas ng bahay habang hinahanapan ng garapata ang aso naming mukhang basahan ang balahibo, mainis kay Willie Revillame tuwing gabi habang nagpapakitang tao siya sa harap ng camera at binabastos ang mga dancer at co-host niya, makinig ng balita tungkol sa oil price hike, rally, holdapan, kidnapan, carnapan, pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas, murder, homicide, ang walang kamatayang  lovelife at trust rating ng presidente nating kilala sa tawag na PNOY, panooring pumasok at lumabas si Arroyo sa ospital  at magising sa tahol ng mga aso sa tapat, gilid at likod ng bahay namin.

Wala pa rin talagang tatalo sa Alaska ay este sa usok ng mga jeep at tricycle, sa sikip ng ilan sa mga lugar sa Pilipinas, at sa mga bubble gum na natatapakan mo kapag naglalakad ka sa kalsada.

It’s more fun in the Philippines! Yan ang laging banat ko sa sarili ko kapag nag-iisa ako. (corny pero masaya!)


Minsan talaga, di mo makikita ang halaga ng isang bagay hanggat di pa panandalian o permanenteng  nawawala sayo, parang lovelife, binreak mo yung ka relasyon mo dahil may nakita kang bago, pero maiisip mo bigla na better siya kaysa sa ipinalit mo, (uy nakakarelate! )  Parang pag-aaral, isinasawalangbahala mo ang assignments kasi ang akala mo konting percent lang ang hatid nun sa grade mo, pero sa bigayan ng classcards, makikita mo, bagsak ka pala, dahil di ka nagawa ng assignment, (uy! Nakakarelate nanaman!)

Ang mahalaga talaga sa buhay natin dito sa mundong ibabaw ay ang pahalagahan ang mga bagay na meron ka at ang mga taong nakapaligid sa iyo. Bago ko tapusin ang weird metaphors column kong ito ay nais kong  iwan ang mga katagang, It’s more fun in the Philippines!
 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.