“Summer Time! Tara na sa Biyahe ko”

????????????????????????????????????

Summer time! Tara na sa biyahe ko”1376401_10200706803812564_818463843_n

Habang sinusulat ko ang article na to, nakikita ko sa paligid ko na balot pa rin kami ng niyebe. Spring na raw dito, pero gabundok pa rin ang yelo sa labas.

Nakakamiss talaga ang Pilipinas lalo na nasa ganitong panahon kung saan nagsisimula na naman ang tag-init at bakasyon na naman ng mga estudyante.

Pilipinas nga naman, wala kang katulad at kasing ganda. Hindi katulad sa malalamig na bansa, ang summer time dito ay halos tatlong buwan lang. Kalahati ng taon ay taglamig, magtitiis ka sa ginaw at halos tatlong buwan mo lang mae-enjoy ang panahon ng tag-araw o summertime.

Minsan maiisip mo na sobrang biyaya ng Pilipinas kasi 365 days mo ma-enjoy ang sikat ng araw at 365 days mong puwede suutin ang damit na gusto mo.

Bilang isang OFW na nasa abroad, mami-miss mo ang mga ganitong panahon. Maiisip mo ang bakasyon ng pamilya, barkada, kababata at mga kaibigan mo. `

Bago pa man tayo mapunta sa topic natin tungkol sa mga gala natin ngayong bakasyon, ang linggong ito ay buwan ng kuwaresma para sa mga kapatid nating mga katoliko. Ito ‘yung panahon kung saan mag-alay tayo ng dasal at magpenitensya sa mga kasalanan natin. Panahon ng katahimikan at pag-aalay ng dasal, at paghingi ng kapatawaran sa Panginoon sa mga nagawa nating mga kasalanan.

Marso na naman, panahon na naman ng nagsitapos sa pag-aaral, at kung nabasa ninyo ang unang blog ko, iyun yung tungkol sa buhay estudyante, kung saan sila ‘yung mga taong nakatapos dahil sa sipag at tiyaga at determinasyon na makatapos sa pamamagitan ng pagtatrabaho at pag-aaral. Nakayanan nila ang hirap at pagod at puyat at pagpupursigi na makatapos.

Kaya sa mga nagsitapos sa panahong ito, mabuhay kayo at magsilbi sana kayong inspirasyon sa iba at makatulong sana kayo sa iyong mga magulang at mapaunlad mo ang buhay ng iyong pamilya.

Simula pa lang ng laban, manalig ka at lahat ng iyong minimithi ay makakamit mo rin. Kapamilya, kapuso o kapatid, mabuhay ka. Saludo ako sa sakripisyo na ginawa mo.

Balik tayo sa topic tungkol sa panahon ng bakasyon, ramdam n’yo na ang init sa tag init. Panahon at  plano nating magbakasyon sa probinsya , sa kamag-anak natin, kaibigan, at mga lolo at lola natin sa probinsya.

CIMG1919

‘Yung iba naman na may budget ay kaya nilang magbiyahe sa ibang bansa para dun magbakasyon. ‘Yung iba naman ay pupunta sa Singapore, para mapuntahan ang universal studios at iba pang attraction, ‘yung iba naman ay pupunta sa Hong Kong Disneyland, sa Japan at Korea.

Well, kapatid, huwag kang mabahala kung hindi mo afford ang bakasyon sa ibang bansa, kasi nandito naman sa atin ang hitik na mga magagagandang lugar na puwedeng magbakasyon. Ikaw ang mamimili na gusto mong puntahan.

Nariyan ang mga magagandang beach, mga waterfalls, ilog, kuweba at mga amusement park na malapit lang. Iba’t ibang adventure ang puwede mong marasanasan ngayong bakasyon.

‘Yung mga taong mahihilig sa magagandang beach, nariyan ang World famous na Boracay, Palawan, Bohol, Cebu, Pangasinan, Ilocos at sa Mindanao din. Marami kang mapagpilian na mapupuntahan at depende sa budget mo.

Naalala ko dati tuwing ganitong mga panahon ay yung Summer Outing ng kompanyang pinagtratrabahuan natin. Madalas tayong mag summer outing sa Laguna, sa Batangas, Rizal, Bikol, sa Cavite, Baguio,at minsan sa Subic. Nakakamiss talaga ang bakasyon sa Pinas.

Tuwing bakasyon din kadalasan sa mga nakatira sa siyudad ay umuuwi sa probinsya. Umuuwi tayo sa kanya-kanya nating probinsya.

‘Yung iba naman naman ay sa kanilang iba’t ibang kamag-anak.

Huwag kang mag-alala, kaibigan, kung nakatira ka man sa Kamaynilaan or sa siyudad, maraming mga pasyalan na tiyak na magugustuham ng iyong mga pamilya. Maraming mga Amusement park na malapit sa sa siyudad, nariyan ang Star city, Enchanted Kingdom, Manila Zoo, at Tagaytay. Kung hirap ka talaga sa budget, nariyan naman ang mga Parke na libre lang, nariyan ang Luneta puwede kayong mag-picnic ng iyong buong pamilya, masaya, ‘di ba.

Ang bakasyon din ay panahon ng Santacruzan, fiesta sa ibang ibang bayan, panahon ng selebrasyon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Nandyan ang Ati-atihan, Dinagyang, Pahiyas, at iba pa. Kaya, kapatid, relax ka lang, i-enjoy mo lang ang panahon ng bakasyon kahit saan ka man pumunta or kahit sa siyudad ka lang.

Naalala ko noon na tuwing bakason, nung nasa probinsya pa ako ay pumupunta ako sa bukid at tumutulong sa paggapas ng mga aanihin na palay, at nangunguha kami ng buko, pumupunta kami sa bundok, at ang madalas gawin ng mga kaibigan ko nung bata pa ako ay naglalaro ng mga larong pambata. Habulan, tago taguan, tumbang preso, siyato, at yung bahay bahayan. Nakakamiss balikan ang mga tagpong ‘yun, lalo na yung mga batang lumaki sa probinsya.

????????????????????????????????????
chocolate hills

Yung mga batang nasa siyudad naman ay nakikita ko na abala din tuwing bakasyon. Nariyan ‘yung nagtitinda ng palamig, nagtitinda ng Halo halo, at ‘yung mga street foods. Pero kadalasan ang mga kabataan ay madalas abala sila sa mga online games, hindi katulad noon na mas masaya ang gingawa nila tuwing bakasyon.

‘Yung mga magulang naman na nakatira sa siyudad na ayaw lumayo at gusto nila na manatili lang sa siyudad, maraming programa ang mga kabataan,. Puwede nilang i-enrol ang mga anak nila sa mga summer class, puwede silang mag-enrol ng swimming, karate, taekwondo, gymnastics, skating, basketball at iba pang laro, kung saan mahubog ng mga kabataan ang kanilang potensyal sa iba’t ibang laro. Mga paraan kung saan ang mga kabataan ay mailalayo sa mga ‘di magandang bisyo. Bagkus ay matututunan nila ang maraming bagay at madevelop at mahasa ang kanilang kanya-kanyang talento.

Kaya nga mga kapatid, kaibigan at kapamilya. Huwag sayangin ang bakasyon, sulitin mo at ienjoy mo. Hindi mo kailangang magmukmok sa sa bahay habang ang iba ay sinusulit ang bakasyon. Hindi kailangan ng magastos sobra para ma-enjoy mo ang iyong bakasyon. Ang sekreto ay tamang plano, at lagi mong isaalang-alang ang iyong budget.

Sabi nga nila hindi kailangan mahal ang pagmamahal. Ang mahalaga ay nabigyan mo ng kasiyahan ang iyong pamilya. Isipin mo na lang na hindi lahat ay kayang gawin ang magbakasyon.

Sabi nga sa slogan, huwag maging dayuhan sa sariling bayan. Tuklasin ang angking ganda ng Pilipinas at tuklasin ang mga nakatagong Paraiso ng ating bayan.

Kaya tara sa biyahe ko……..

????????????????????????????????????
Cuatro isla Leyte
????????????????????????????????????
Cuatro islas Leyte

 

email [email protected]  [email protected]