Sulyapan ang inaabangang Jollibee Funko Pop na nakasuot ng barong-tagalog

Image from Jollibee via Twitter

Siguradong marami na sa atin ang nakakita na o nangongolekta ng funko pop.

Ang funko pop ay isang uri ng collectible figurines na kinalolokohan ng marami dahil sa mga favorite characters na gawa sa vinyl at may pinalaking ulo.

Lahat na yata ng tauhan sa pelikula, tv series, o famous personalities ay mayroon lumalabas na sariling version ng funko pop.

Isa ang Jollibee sa nakiuso at naglabas ng sarili bersyon ng Jollibee Funko Pop.

Image from Jollibee via Facebook (click image to see post)

Itinampok ng unang Jollibee Funko Pop model ang tradisyonal na red-and-white Jollibee.

Kamakailan lang, inilabas naman ang bagong bersyon ng Jollibee Funko Pop. Sa pagkakataong ito, ang iconic mascot ay nakasuot ng barong-tagalog na pambansang kasuotan ng mga lalaki.

Ayon sa Facebook post ng Jollibee, mabibili ang Jollibee Funko Pop sa mismong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa June 12.

Sa isang Twitter video naman ay ipinakita ang mismong hitsura ng Jollibee Funko Pop na nakasuot ng barong at itim na pantalon.

Image from Twitter (click video to watch)

Halo-halong reaksyon ang nanggaling mula sa mga netizens dahil sa paglabas ng Jollibee funko pop.

Image from Twitter
Image from Twitter

Mabibili sa lahat ng Jollibee stores nationwide, ang Jollibee Funko Pop ay may kasamang 6-pcs bucket of chicken joy sa halagang 950 pesos.

Mabibili ang Jollibee Funko Pop mula June 12 hanggang June 21.

Source :

Facebook, Twitter