Sulat

Nagising ako kanina. Wala akong masyadong makita dahil sa kapal ng usok. Parang mga hamog, pero nakakaubo.

Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto, pero lalong dumilim ang paligid,parang lalong gumagabi, pagbukas ko ng pinto sa aking kwarto, nahulog ako.

Ang lalim.

Sigaw ako ng sigaw, ang dilim.

“Jessie, gising!”

Napaatras ako,hinihingal.

“Ma!”

“ano bang nangyayari sayo? Aba binabangungot ka na ah, kanina pa kita ginigising.”

Ramdam kong nag-aalala si mama.

Gising ako pero wala kong ulirat, wala sa sarili, dahil hindi ko alam ang mga nangyayari.

Napasigaw ako ng sumigaw ulit si mama.

“Jessie!”

“po?”

“ayos ka lang ba? Parang tulog ka pa ah. Huling araw ng pasok kaya umayos ka na.”

Lumabas na siya ng kwarto ko.

Iniisip ko pa din hanggang ngayon kung bakit ganun ang panaginip ko,parang totoo. Gusto kong ikwento kay mama pero di ko alam kung pano uumpisahan, malamang magagalit na naman yun.

Kung anu ano kase ang pinag-gagawa mo, kaya kung anu-ano ang naiisip mo.

Alam kong ganun ang sasabihin ni mama.

“Jessie!”

“trixie”

“tara kaen na tayo para makagawa na tayo ng drafts dun sa komiks.”

“Sige.”

Ako si jessie reyes, 3rd year mass communication student.

Editor ako sa comics organization dito sa school. Magaling daw akong mag-drawing. Photographer din ako, public relation officer din ako sa student council kaya maraming may kilala sa sakin, pati mga professor.

Masaya naman ako na marami akong nagagawa ngayong college,siguro yun din ang dahilan kung bakit wala pa din akong boyfriend.HIndi ko naman kasi iniisip na kailangan ko ng lalaki sa buhay, si mama nga wala eh.

Palakaibigan din ako pero iilan lang yung malapit sa akin, isa na dun si trixie. Kabaligtaran ko naman siya, tamad pero matalino, siya nga dapat ang editor sa comics org. Kung hindi lang siya tamad. Kampante din si mama kung siya ang kasama ko.

Si mama wonder woman ata yun. Mag-isa niya lang ako pinalaki, kung anu-anong trabaho ang pinasok niya. Nagtinda ng dyaryo, ng mga damit, prutas. Pumasok din siya bilang secretary sa isang kumpanya sa makati, nagkatulong, naglabada at ngayon “callgirl”, kasi sa callcenter siya nagtatrabaho, sayang daw ang kita ngayong college na ko.

Hindi man niya sinasabi, pero alam kong gusto niya ibigay sa akin ang buhay na hindi niya naranasan. Gusto niya akong makapagtapos at matupad ang mga panagarap ko.HIndi ko alam kung sino ang papa ko, kung nasaan ba siya o kung buhay pa ba siya. Hindi naman kasi nagkukwento si mama, hindi rin ako nagtatanong. Kuntento na naman ako na walang tatay.

Inabot na ko ng gabi sa pagtapos nitong drafts ng komiks , as usual ako na naman ang naiwan dito sa opis.7:30 na. Nag-ayos na ko ng gamit.

Wala pala si mama ngayon, graveyard ang shift niya. Medyo nasanay ako na kapag gabi wala siya. Nagring ang telepono.

“Jessie.”

“Ma”

“kararating mo lang?”

“opo”

“di ako pumasok, nandito ako sa quezon, inatake ng stroke ang tito mo.”

“Ha?!”

“wag ka mag-alala, magiging ok din siya, kumain ka na ba?”

“punta ko diyan”

“gabi na. Bukas na lang”

Gusto kong ipagpilitang pumunta ngayon na, pero alam kong magagalit si mama.

“Sige ho.”

“O sya sige, ikaw na bahala diyan sa bahay. Kumain ka na din. Bye.”

Dire-diretso niyang sinabi yun, hindi na ko nakapagsalita.

Hindi ako makatulog, hindi ko alam kung sino ang iniisip ko, si mama ba o si tito. Sobrang close kasi kami ni tito, tumayo siyang tatay ko nung bata pa ko, nung tumira ako sa kanila nang namasukan si mama bilang katulong. Tinuring niya akong anak, palibhasa wala silang anak ni tita. Malapit ako kay tito na kabaligtaran naman ng pagkailang ni tita sa akin.

Nag-empake ako.

Andito na ko sa terminal.

Buti na lang sa martes pa ulit ang klase ko.

Tinawagan ko si mama nung malapit na ko sa bayan ng san jose, alas tres ng umaga yun kaya alam kong galit si mama.

“Ang tigas ng ulo mo!”, sagot ni mama nung sinabi kong malapit na ko sa san jose.

“Bye ma.”

Iba ang pakiramdam ko. Makikita ko na si tito, papagalitan ako ni mama.

Pagpasok ko ng bahay, nakita ko si tito, ang laki ng pinayat parang hindi na siya yung lalaking nagturo sa akin umakyat sa puno ng mangga.

Niyakap ko agad siya, hindi ko alam pero naluha na lang ako, gusto niya din yumakap pero hindi niya maigalaw ang mga kamay niya.

“Kumusta ka na tito?”, pinupunasan ko ang luha sa aking pisngi.

“Ok na ko anak,”sumagot siya kahit hirap siyang magsalita.

Nagulat ako sa salitang anak.

“Ayaw niyang mag-paospital,mas gusto niya dito sa bahay.KUmain ka na muna. Nagluto ang tita mo. Bilisan mo at bawal pinaghihintay ang pagkain”, si mama yun, dire-diretsong nagsalita.

Tanghali na, nagpapahinga si tito at si mama. Ang dami kong nakwento kay tito, at alam kong natuwa siya, kita yun sa kanyang mga ngiti.

Ang ganda pa din dito sa san jose, walang polusyon, malamig ang hangin kahit tanghaling tapat. Maayos pa din ang bakuran dito,lalong dumami ang mga halaman at ang daming bunga ng puno ng mangga. Kukuha sana ako.

“Baka mahulog ka dyan”, si tita rosa iyon.

“Tita”, nagmano ako.

“Sorry po.”

Hindi ko alam kung nnarinig niya ang paumanhin ko, pumasok na siya ng bahay.

Isang linggo na kami dito ni mama, at lalong lumalala si tito. Nagpaalam na ko sa mga prof. Ko.

Nalalaglag ako, tulong!! Pero walang boses. May sumalo sa akin. Ang liwanag.

Nagising ako dahil nagkakagulo sa sala. Si tito nagdedeliryo, humihingi si mama ng tulong.

Naiwan ako sa bahay, dinala sa ospital si tito, nagbilin si tita na wag akong papasok sa kwarto nila.

Wala pa rin balita kay tito, 5am na. Mukhang uulan. Sinara ko ang pinto at mga bintana, pero bukas ang bintana sa kwarto nila tita.

Pumasok ako sa kwarto nila kahit nagbilin si tita na wag akong papasok doon.

Nagulat ako sa mga nakita ko.PHotocopy ng mga certificates ko, ng mga awards ko simula nung elementary, naka-frame. Isinara ko ang bintana.

Inayos ko na din ang higaan.

Hanggang sa may lumipad na papel mula sa mesa, may bintana pa palang maliit na hindi ko naisara.

Kinuha ko yung papel.

Sulat ata.

Nakapangalan kay mama, alam kong magagalit si tita pero binasa ko na.

“Buntis ako george, natatakot ako kay ate rosa. Aakuin ko itong bata, sasabihin natin ang totoo kay inay at ate pero hindi kita ipapakilala bilang ama sa magiging anak ko.”

Sara

Nagulat ako, nanalamig.

Nag-ring ang cellphone ko.

Si mama.

“Wala na ang tito mo”, umiiyak si mama.

Nalaglag yung cellphone ko at nasira. Napa-upo ako.

Hindi ko namalayan na dumating si tita.

Nakita niya ako sa kwarto nila.

Tiningnan ko lang siya.

Nakita niya akong hawak ko ang sulat.

Nangilid ang luha niya.

Lumabas siya ng kwarto.

Umiiyak pa din ako.

Ang sakit, labing-siyam na taon akong walang tatay.

At ngayong alam ko na ang katotohanan.

Nawala na siya.

Wala na .

Umiiyak pa din ako.

Uumulan na pala.

Nagising ako kanina. Wala akong masyadong makita dahil sa kapal ng usok. Parang mga hamog, pero nakakaubo.

Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto, pero lalong dumilim ang paligid,parang lalong gumagabi, pagbukas ko ng pinto sa aking kwarto, nahulog ako.

Ang lalim.

Sigaw ako ng sigaw, ang dilim.

??jessie, gising!??

Napaatras ako,hinihingal.

??ma!??

??ano bang nangyayari sayo? Aba binabangungot ka na ah, kanina pa kita ginigising.??

Ramdam kong nag-aalala si mama.

Gising ako pero wala kong ulirat, wala sa sarili, dahil hindi ko alam ang mga nangyayari.

Napasigaw ako ng sumigaw ulit si mama.

??jessie!??

??po???

??ayos ka lang ba? Parang tulog ka pa ah. Huling araw ng pasok kaya umayos ka na.??

Lumabas na siya ng kwarto ko.

Iniisip ko pa din hanggang ngayon kung bakit ganun ang panaginip ko,parang totoo. Gusto kong ikwento kay mama pero di ko alam kung pano uumpisahan, malamang magagalit na naman yun.

Kung anu ano kase ang pinag-gagawa mo, kaya kung anu-ano ang naiisip mo.

Alam kong ganun ang sasabihin ni mama.

??jessie!??

??trixie”

??tara kaen na tayo para makagawa na tayo ng drafts dun sa komiks.??

??sige.??

Ako si jessie reyes, 3rd year mass communication student.

Editor ako sa comics organization dito sa school. Magaling daw akong mag-drawing. Photographer din ako, public relation officer din ako sa student council kaya maraming may kilala sa sakin, pati mga professor.

Masaya naman ako na marami akong nagagawa ngayong college,siguro yun din ang dahilan kung bakit wala pa din akong boyfriend.Hindi ko naman kasi iniisip na kailangan ko ng lalaki sa buhay, si mama nga wala eh.

Palakaibigan din ako pero iilan lang yung malapit sa akin, isa na dun si trixie. Kabaligtaran ko naman siya, tamad pero matalino, siya nga dapat ang editor sa comics org. Kung hindi lang siya tamad. Kampante din si mama kung siya ang kasama ko.

Si mama wonder woman ata yun. Mag-isa niya lang ako pinalaki, kung anu-anong trabaho ang pinasok niya. Nagtinda ng dyaryo, ng mga damit, prutas. Pumasok din siya bilang secretary sa isang kumpanya sa makati, nagkatulong, naglabada at ngayon “callgirl”, kasi sa callcenter siya nagtatrabaho, sayang daw ang kita ngayong college na ko.

Hindi man niya sinasabi, pero alam kong gusto niya ibigay sa akin ang buhay na hindi niya naranasan. Gusto niya akong makapagtapos at matupad ang mga panagarap ko.Hindi ko alam kung sino ang papa ko, kung nasaan ba siya o kung buhay pa ba siya. Hindi naman kasi nagkukwento si mama, hindi rin ako nagtatanong. Kuntento na naman ako na walang tatay.

Inabot na ko ng gabi sa pagtapos nitong drafts ng komiks , as usual ako na naman ang naiwan dito sa opis.7:30 na. Nag-ayos na ko ng gamit.

Wala pala si mama ngayon, graveyard ang shift niya. Medyo nasanay ako na kapag gabi wala siya. Nagring ang telepono.

??jessie.??

??ma”

??kararating mo lang???

??opo”

??di ako pumasok, nandito ako sa quezon, inatake ng stroke ang tito mo.??

??ha?!??

??wag ka mag-alala, magiging ok din siya, kumain ka na ba???

??punta ko diyan”

??gabi na. Bukas na lang”

Gusto kong ipagpilitang pumunta ngayon na, pero alam kong magagalit si mama.

??sige ho.??

??o sya sige, ikaw na bahala diyan sa bahay. Kumain ka na din. Bye.??

Dire-diretso niyang sinabi yun, hindi na ko nakapagsalita.

Hindi ako makatulog, hindi ko alam kung sino ang iniisip ko, si mama ba o si tito. Sobrang close kasi kami ni tito, tumayo siyang tatay ko nung bata pa ko, nung tumira ako sa kanila nang namasukan si mama bilang katulong. Tinuring niya akong anak, palibhasa wala silang anak ni tita. Malapit ako kay tito na kabaligtaran naman ng pagkailang ni tita sa akin.

Nag-empake ako.

Andito na ko sa terminal.

Buti na lang sa martes pa ulit ang klase ko.

Tinawagan ko si mama nung malapit na ko sa bayan ng san jose, alas tres ng umaga yun kaya alam kong galit si mama.

??ang tigas ng ulo mo!??, sagot ni mama nung sinabi kong malapit na ko sa san jose.

??bye ma.??

Iba ang pakiramdam ko. Makikita ko na si tito, papagalitan ako ni mama.

Pagpasok ko ng bahay, nakita ko si tito, ang laki ng pinayat parang hindi na siya yung lalaking nagturo sa akin umakyat sa puno ng mangga.

Niyakap ko agad siya, hindi ko alam pero naluha na lang ako, gusto niya din yumakap pero hindi niya maigalaw ang mga kamay niya.

??kumusta ka na tito???, pinupunasan ko ang luha sa aking pisngi.

??ok na ko anak,”sumagot siya kahit hirap siyang magsalita.

Nagulat ako sa salitang anak.

??ayaw niyang mag-paospital,mas gusto niya dito sa bahay.Kumain ka na muna. Nagluto ang tita mo. Bilisan mo at bawal pinaghihintay ang pagkain”, si mama yun, dire-diretsong nagsalita.

Tanghali na, nagpapahinga si tito at si mama. Ang dami kong nakwento kay tito, at alam kong natuwa siya, kita yun sa kanyang mga ngiti.

Ang ganda pa din dito sa san jose, walang polusyon, malamig ang hangin kahit tanghaling tapat. Maayos pa din ang bakuran dito,lalong dumami ang mga halaman at ang daming bunga ng puno ng mangga. Kukuha sana ako.

??baka mahulog ka dyan”, si tita rosa iyon.

??tita”, nagmano ako.

??sorry po.??

Hindi ko alam kung nnarinig niya ang paumanhin ko, pumasok na siya ng bahay.

Isang linggo na kami dito ni mama, at lalong lumalala si tito. Nagpaalam na ko sa mga prof. Ko.

Nalalaglag ako, tulong!! Pero walang boses. May sumalo sa akin. Ang liwanag.

Nagising ako dahil nagkakagulo sa sala. Si tito nagdedeliryo, humihingi si mama ng tulong.

Naiwan ako sa bahay, dinala sa ospital si tito, nagbilin si tita na wag akong papasok sa kwarto nila.

Wala pa rin balita kay tito, 5am na. Mukhang uulan. Sinara ko ang pinto at mga bintana, pero bukas ang bintana sa kwarto nila tita.

Pumasok ako sa kwarto nila kahit nagbilin si tita na wag akong papasok doon.

Nagulat ako sa mga nakita ko.Photocopy ng mga certificates ko, ng mga awards ko simula nung elementary, naka-frame. Isinara ko ang bintana.

Inayos ko na din ang higaan.

Hanggang sa may lumipad na papel mula sa mesa, may bintana pa palang maliit na hindi ko naisara.

Kinuha ko yung papel.

Sulat ata.

Nakapangalan kay mama, alam kong magagalit si tita pero binasa ko na.

??buntis ako george, natatakot ako kay ate rosa. Aakuin ko itong bata, sasabihin natin ang totoo kay inay at ate pero hindi kita ipapakilala bilang ama sa magiging anak ko.??

Sara

Nagulat ako, nanalamig.

Nag-ring ang cellphone ko.

Si mama.

??wala na ang tito mo”, umiiyak si mama.

Nalaglag yung cellphone ko at nasira. Napa-upo ako.

Hindi ko namalayan na dumating si tita.

Nakita niya ako sa kwarto nila.

Tiningnan ko lang siya.

Nakita niya akong hawak ko ang sulat.

Nangilid ang luha niya.

Lumabas siya ng kwarto.

Umiiyak pa din ako.

Ang sakit, labing-siyam na taon akong walang tatay.

At ngayong alam ko na ang katotohanan.

Nawala na siya.

Wala na .

Umiiyak pa din ako.

Uumulan na pala.

13 Comments

  1. MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGBASA NG AKING STORYA, AKO PO AY LUBOS NA NATUTUWA DAHIL SA MGA KOMENTO NINYO, AT SA ORAS NA INYONG INILAAN PARA BASAHIN ANG AKING KWENTO…BINIGYAN NIYO PA PO AKO NG DAHILAN PARA LALONG PAGBUTIHIN ANG AKING PAGSUSULAT..HINDI PO NINYO ALAM KUNG GAANO AKO KASAYA DAHIL PINAGAKSAYAHAN NINYO NG ORAS BASAHIN ANG AKING AKDA..MARAMING SALAMAT PO MULI:D WAG PO KAYO MAGSASAWA MAGBASA NG MGA STORYA DITO SA DEFINITELY FILIPINO:D
    GODBLESS PO SA INYO:D,

  2. @Rosana Dulfo Alam mo di mo dapat sisihin ang mother mo siguro meron syang nararamdaman sa dibdib Nya na di nya kayang e share sau dahlia nahihiya sya unawain mo na lang at mahalin mo sya katulad ng pagmamahal nya sau noong sinilang ka mundong ito. We love and honor our parents regardles of what happen kasi makakamit mo ang mga bagay na pagmamahal na di mo madama sa iyong ama balang araw and you will get the blessing from God almighty. Di ka nagiisa marami ang katulad mo at isa na ako sa mga bagay na yan o.k ingat ka and may God will bless u . I know it’s none of my business and I don’t know u ,pero nararamdaman ko ang nararamdaman mo bilang isang anak……,.,

    • @tessie watson, your so kind to give advice to @rosana Dulfo, pero hindi din po naten siya masisisi kung bakit in apin pa din sya, all we can do is to understand and pray for her..
      maraming salamat po for reading my story..:D

  3. @Rosana Dulfo Alam mo di mo dapat sisihin ang mother mo siguro meron syang nararamdaman sa dibdib Nya na di nya kayang e share sau dahlia nahihiya sya unawain mo na lang at mahalin mo sya katulad ng pagmamahal nya sau noong sinilang ka mundong ito. We love and honor our parents regardles of what happen kasi makakamit mo ang mga bagay na pagmamahal na di mo madama sa iyong ama balang araw and you will get the blessing from God almighty. Di ka nagiisa marami ang katulad mo at isa na ako sa mga bagay na yan o.k ingat ka and may God will bless u . I know it’s none of my business and I don’t know u ,pero nararamdaman ko ang nararamdaman mo bilang isang anak……,.,

Leave a Reply

Your email address will not be published.