Sulat ni Pikon para kay Ate

imageDear Ate,

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan to. Promise! Perksman. Mamatay man yung alagang baboy ng kapitbahay namin na nag-iingay tuwing madaling araw. Hindi naman kasi ako talaga sanay sa mga anong ka-eklatan. Gaya nga ng sabi ko sayo, hindi ako sweet na tao. Hindi uso sa akin yung balentayns day, daysary, weeksary, monthsary o anniversary. Ang korny eeh. Ewan! Basta. Pero bakit ganun? Nung dumating ka, naging korny ako?! Paking-syeet! This is not me! Ahaha. #MaisConKorny

Nung unang beses tayong nag-usap, ayuko nga sayo eh. Naiinis kasi ako the way ka mag-type ng messages. Jejemon! Ahaha. Gusto kitang iwasan pero ang kulit mo! Kapal mo pa ha? Nanghingi ka pa ng pic ko! Nyahaha. Nagbigay naman ako pero may kundisyon. Sinunod mo naman yung kundisyon ko. Yeeey! Hindi ka na jejemon! 😛 marunong ka naman palang mag-type ng maayos eh. Nakaka-nose bleed ka nga minsan eh. Lalo na kapag tatawag ka sakin tapos biglang may tatawag sa kabilang phone mo, nosebleed ako sa Ingles nyo! 😛

Alam mo Ate, unang beses ko rin nagpuyat na hindi work related. Dati nagpupuyat ako kapag nagsusulat pero nung nagsimula na tayong mag-usap, naku po! Delayed na lahat ng blogs ko! (Sorry po sa mga readers ko! Si Ate po ang dahilan! Blame her! Nyahaha). Matutulog na sana ako, biglang magpa-pop out message mo, “sweet morning”. Pano pako makakatulog eh gising ka na. Ewan bah! Pero kapag kausap kita, kaya kong hindi matulog. Minsan nga, sinunod ko pa timezone mo. Matutulog ako kapag tulog ka na rin! Badoooy ko syeeeeet! 😛

Sa tuwing naririnig ko ang boses mo, syeet! Buo na araw ko. Best in effort ka rin kasi. Pwede naman kasing sa Line App tayo mag-usap pero mas pinipili mong tawagan ako gamit ang phone mo. Yaman mo Ate! Kamusta naman ang bill mo? Nyahahaha. Paki-Hi nalang ako sa bill mo kapag dumating ahh. 😛

Di naman sa mayabang ako, (kahit alam kong narcissistic ako minsan) bakit ikaw pa? Ang dami kayang nakapila! (Joke lang po! Peace ??). Pero bakit nga ba? Ewan McGregor ulit. Dko alam bakit ikaw pa.

Dko inasahan na darating ka. Hindi ko rin inasahan na mahuhulog ako sa bitag ni Kupido. Hindi ko alam kung ano tayo. Hindi ko alam kung ano ako sayo. Pero tang-ina this! Aaminin ko, espesyal ka sakin. Waaaaaaah! Ang korny! #MaisConKorny

Hirap naman! Hirap ng ganito. Pero atleast nasabi ko yung gusto ko sabihin. Tama ka. May mga tao talagang dinadaan sa biro ang kanilang mga totoong nararamdaman. Ayuko kasing masaktan. Alam mo narin naman kung bakit dba?

Sorry nga pala Ate. Sorry kung minsan may tantrums ako. Thank you na rin kasi kapag mainit ulo ko, ikaw yung nagpapa-lamig nito. Naks! Sweet mo talaga Ate! Ang Korny mo. Nyahaha. Kidding aside, sorry rin kung hindi ko alam kung ano ang definition ng selos. Hindi kasi ako sanay. Dinaraan ko minsan sa tukso tapos pagkainit ng ulo tapos ikaw naman ‘tong nagpapakababa.

Ano ba ang dapat gawin? Ang iwasan ka? Mag-move on? Maghanap ng iba?

Hindi ko alam kung mababasa mo ba ito. Pero feel ko , Oo. Ikaw pa. Alam ko kasing adik ka sa blogs ko. Inaabangan mo nga dba? 😛

Nasabi ko na ang nais kong sabihin. Bahala na si batman.

PS. Sa mga makakabasa po nito, pasensya na po at dito pa ako nagdrama. Nyahaha! Penge nalang din po ng advice. Ehehehe.

Pikon 🙂

About ihatelovestorys

Hindi po ako makata. Nagpapasalamat po ako sa mga bumasa ng gawa ko. Nakakataba po ng puso. Unang beses ko po gumawa ng blog serye. 🙂 wattpad: follow read my stories: