Sulat ni Pikon para kay Ate (2)

ateDear Ate,

Hindi ko na naman alam kong paano ko sisimulan ulit ang sulat kong ka-eklatan. Biruin mo, isang buwan na pala ang nakalilipas? Ahaha.. Ang bilis naman.

Pero bakit ganun? Kahit isang buwan mahigit pa lang parang ang tagal na nating magkakilala? Yung tipong lahat ay puwede kong sabihin sa iyo. Paksyeet! Hindi ako ganito. Ahaha.. Naalala mo dati, nung nag-uumpisa pa lang tayong mag-usap, iwas ako sa mga tanong mo. Kung anong totoong pangalan ko, yung totoong identity ko? Sabi ko pa nga di ba na 1 month after nung nag-usap tayo, same time, same app magpapakilala na ako? Pero paksyeeet! Hindi ko natiis. Nyahahaha! Ewan.. Sobrang sweet mo kasi. Kaya siguro ako nahulog sa pain ni kupido. Paksyeeet na kupido yan, sa puso pa ako tinarget. Nyahahaha. 😛

Nung nabasa mo ang unang sulat ko, alam kong kinilig ka. Nyahahaha! 😛 Pero ewan. Baka gino-good time mo lang ako. Pero sino ba namang tanga ang magpi-print nun kung hindi sya kinilig sa sulat? Nyahaha.. 😛

Hindi ako sweet. MaisConKorny talaga ang mga ganyang bagay. Masyadong baduy.. Nyahaha. 😛 Pero sabi mo kasi, di baleng baduy basta napapasaya kita. 🙂

Wee? Hindi nga? Napapasaya ba talaga kita? Hindi ba araw-araw na lang tayong nag-aaway? Nyahaha.. Inaaway kita. Hindi ko rin alam kung bakit. Nyahaha. Lalo na kapag napag-uusapan si nakaraan. Nyahaha. Sabi mo kasi nagseselos na ako nun. Ganun pala yung selos? Nyahaha. Nagagalit ka lang bigla? Sorry ha.. Insensitive raw kasi ako sabi nung mga nakaraan ko. Hindi ako nagseselos sa mga nakaraan nila. Nyahaha. In short, wala akong pakialam sa kanila.

Hala! Hindi kaya ikaw na yung “Karma” ko? Bwahahaha! Sayo kasi halos lahat ng first time ko. First time sa isang Loooooooooooong Distance Eklabush! Nyahaha. May nakaraan namang LDE (Long Distance Eklabush) pero hindi naman kasi magkabilang mundo. Limang oras lang ang time difference. 😛

First time ko nalasap ang hirap ng ganun. Nyahahaha! Perstaym ko rin maglagay ng “relationship eklabush” sa FB ko. Nyahahaha. Oh dba? Lantaran na?! Nyahahaha..

Perstaym rin in the history of my FB account, binigay ko ang aking email at password. Nyahahah! Paksyeeet! Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin mo sa account ko, wala ka namang mahahanap na ka-eklatan dun kasi mabait naman ako. Nyahaha. 😛

Perstaym ko rin nakaramdam na para akong mababaliw kapag walang internet. Nyahaha! Pero dati nababaliw naman ako kasi hindi ako nakakapag-stream, pero mas nakababaliw yata ngayon. Natatakot kasi ako bigla kang bumuga ng apoy.. Alam mo na.. Iwas away. Nyahaha. 😛

Perstaym ko rin nag-open up sa Mom ko about sa isang taong mahal ko. Pakingsyeeeet! Yown oh! Sinabi ko rin. Bwahahaha. Ang korny. Waaaaaaaaaaaah!

Alam mo bang habang sinusulat ko ‘to eh sobrang kinakabahan ako?! Kasi alam kong may mga tao na namang hindi makaiintindi? Pero di bale na. Hindi naman kasi nila ako kilala kaya ayos lang. Nyahahaha.. 😛

Harmless po ako. Outlet ko lang po talaga ang pagsusulat. Hindi ko kasi kayang sabihin kaya dinadaan ko na lang po sa ganito. 😛

Tinanong mo ako kung ano ‘yung nagustuhan ko sa iyo, secret muna.. Abangan mo na lang yung First 100 Happy Days.. 😛

PS.

For the second time around po, pasensya na. Magalit na po kayo sa akin okay lang po. Sobrang korny po ng ginagawa ko pero ewan bah! Paksyeeet! Nyahaha..

Tinamaan kasi talaga ako eh. Shoot, tagos sa puso! Hahahaha.

Kapag iniwan po ako ah, tulungan n’yo po ako mag-move on.. Nyahaha. Puwede? Salamat! Kampai!

Love,

Pikon #MaisConKorny101

About ihatelovestorys

Hindi po ako makata. Nagpapasalamat po ako sa mga bumasa ng gawa ko. Nakakataba po ng puso. Unang beses ko po gumawa ng blog serye. 🙂 wattpad: follow read my stories: