Sugat

“Mahal Nasugatan si Journey ng Pang ahit mo” sabi misis sa kabilang linya.. pinilit kong pakinggan ang mga salita ng bata sa pagitan ng hikbi at taranta ng inang binigyan ng pansin ang dugong dumadaloy sa hintuturo ng bata. Iniwan ng panandalian ang pagpapaligo kay bunso upang gamutin ang sugat ni kuya na hindi naman naging problema sa bunso na walang saplot. Hanggang matapos ang tawag at ang huling pagdinig sa hikbi ng bata at ang assurance sa kabilang linya na okey na ang lahat, ay may naramdamang pagsisi sa sarili kung bakit naiwan bukas at hind natakpan ung blade ng razor hayyy..Pwede rin kaya sisihin ang paglaki ng bata dahil naabot na niya ang lababo at nakuha ng kamay ang matalim na blade ng pang ahit. O kya ang kanyang curiosity sa bagay na iyon na lagi kong hawak sa tuwing matapos maligo at inilalapat sa pisngi at baba. (feeling Beard hehehe). May sugat din sya sa baba nangangahulugan na sumubok syang mag-ahit dahil feeling nya siguro mahaba na din ang balbas ng kanyang mahigit 2 years old na mukha pero malamang ginagaya nya ako.

Patuloy ang pagdaloy sa isip ko ng kabalintunahan ng sugat na iyon.Ang kakaibang pag alala sa sandali na dumadaloy ang dugo sa kanyang daliri, sana naroon ako sa bahay at wala sa trabaho, na sana nasaway ko sya bago pa man nya nakuha ito. Ewan ko pero daglian dumaloy sa aking isip ang mga alala na parang mga dahon sa taglagas, naalala ko ang mga panahon ng kabataan…ang mga sugat na aking natamo na hanggang ngayon ay nakamarka pa rin sa king katawan sa mukha at sa ibang pang parte nito na hindi nakayanan ng sebo de macho ayon sa mga payo ng ilang tao nung panahon hindi pa sikat sila Dr.Bello. Mga peklat ng nakaraan. Mga peklat na nagpatunay ng mga pakikipaghamok sa buhay mula sa pisikal na labanan tulad ng suntukan upang patunayan ang pagkalalaki na minsan o madalas ay uuwing talunan dahil naunahan o kya nalamangan sa diskarte. Meron ding aspeto ng aksidente, kapabayaan na rin dahil sa natural na daloy ng buhay musmos tulad ng mga makikitang bente singko at piso sa aking tuhod, braso galing sa pagkakadapa, pagsemplang sa biskeleta, skateboard uhuh ( sosyal un, ahhh hindi, skooter na kahoy na ang gulong ay bearing pala un,)…mayroon din mga guhit sa noo at marka ng hiwa sa kilay dahil sa pakikipag agawan sa iisang bola dahil sa matinding hangarin maishoot ang winning basket sa isang larong pustahan gayong pagsasaluhan din naman lahat sa pulutan at inuman kapag nagkaayaan ng uminom ang barkada.

Minsan mayroon din abstract na aspeto ang sugat, ito ang sugat ng mga karanasan sa buhay, Sugat na dulot ng realidad. Sugat ng paghamak kung halimbawang kulang at salat sa mga karangyaan, sugat ng pagdaramdam sa mga pag aglahi kung ano kinabibilangang lahi o tinitirahan, o dili kaya’y kinalakihang lugar. Sugat ng pagkapukaw ng kamalayan na hindi pala pantay ang agwat ng buhay ng mga tao na taliwas sa paniniwala noong bata pa. Na iba ang bawat pamantayan ng totoong pagpapahalaga sa kasalukuyang panahon. Kung sino nakapangyayari, na sadyang nakakapuwing sa mata dahil sa batid natin mayroon mas tamang kalagayan at ito ang sugat na rin sa ating pag asam dahil dito nakakaramdam minsan ng kawalang halaga ng buhay sa mundo. At kung ano tunay na kulay ng mundo ay tila higit pa sa patalim na sumusugat sa ating mga pangarap at mga pagsisikhay na magpatuloy sa paglalakbay sa buhay na ito. Sumusugat ang mga sitwasyon sa paligid, politika, mga unos sa ekonomiya, gobyerno, at kahit ang ating kultura at buhay buhay ay nakakabahala. Mga kwento ng paglabag sa karapatang pantao, mga pang araw araw na hinagpis ng mga mamamayan. Pero Ang madalas makaapekto sa isang indibidwal ay ang mga sugat ng puso..OO sugat ng puso,,walang nilalang na mortal nabuhuhay o dumaan sa buhay na ito at sa ngayon ang hindi dumanas nito. Ang kahit paano’y mahiwa ng mapaglarong pagkakataon ang puso..Ang mga bagay na ito sumasaklaw sa ibat iba uri ng heartaches sa wikang Ingles, Gaya ng pagkabasted, pag iwan ng boyfriend/Girlfriend, Hindi naexpress na damdamin, pagkamiss ng sobra sa isang mahal, At maraming maraming pang uri ng kalungkutang dulot ng pagkahiwa at sugat ng puso. Sino ba sa atin ang walang maisalaysay pag napadako na ang paksa sa topic na ito. Kulang ang oras mo sa internet kung lahat ng blog about broken heart ay babasahin o uunawain mo. Ganun ang sugat minsan kahit magaling na andun pa rin ang pilat nagpapaalala ng lahat na nais mo ng talikuran, takasan..dahil nga siguro kahit na may kasabihan tayong “Time heals all wound” ika nga, Time pa rin ang magbabalik nito sa iyong kamalayan kahit matagal na panahon na itong nawala…Parang sugat at pilat na maaring naitago mo sa pagpapaderma o lazer operation..gaano man ito nawala o tuluyan ng nawala. Sa isang gilid ng kamalayan itoy naroroon na naghihintay lang ng pagkapukaw muli.

Naisulat ko ito sa isang kamalayan na nagtatanong sa aking isip, dahil sa pagdaloy ng gunita ay kasamang napukaw ang mga dating oras ng mga samahan at mga taong naging espesyal na bahagi ng panahong iyon. Napansin ko na kahit ang kasalukuyang sistema ng pakikisalamuha na naging isang kagulat gulat na instrumento upang manumbalik ang kumunikasyon ng lahat sa napalayong kaibigan, kasama, katoto, ka Emyu at kung ano ano pang uri ng relasyon na tinatawag nga nating Social Networks ay nananitili pa rin hanggang doon na lang muna yon..Nasabi ko ito marahil sa personal kong pamantayan sa mga tao sa yugto ng buhay na ito at hindi pa rin ganap na babalik ang lahat ng samahan, kahit ang tulay ng kumunikasyon ay isang tipa na lamang sa iyong computer. Dito nauunawaan ko ang aspeto ng mga sugat ng puso na nanatlili at hindi nawawala. Katotohanan ito na maaring mawala ang sugat ngunit ang karanasan kaakibat nito ay kasama na sa pag hugis sa ating pagkatao sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Umiyak si panganay sa sugat natamo,,alam ko ang hapdi nito sa kanyang murang kaisipan gusto kong sabihin na okey lang yan, Dapat maging handa at maging matatag sya sa hinaharap. Lalo na ang panahon ng paggising ng kamalayan, kapag haharapin na ang tunay na buhay o kaya kapag umibig na sya at masaktan. Ang mga sugat na kanyang mararanasan ay maghihilom at sa bawat yugto ng kanyang buhay ay maiipon na tila ba “footnotes sa libro” ng nakaraan. Ang sugat ay mga alaala, karanasan at magdidikta ng kung magiging sino sya at ano sya sa pagdating ng panahon. Pansamantala nais ko munang manatili ang kanyang kamusmusan dahil kailangan nya pang lubos na maranasan ito, ang buhay na malaya sa lahat kaakibat ng Adult life, matingkad pa ang kulay ng paligid. Wala pang mga dinadala o alalahanin. At sana ang mga magagandang karanasan maiibahagi namin sa kanya at kay bunso ang kanilang maging gabay sa panahong darating at maging kalasag at apoy ng liwanag ng kanilang landas ng buhay ano man daan ang kanilang tahakin.

Isang band aid ang pansamantalang nakalapat sa kanyang daliri para lunasan ang sugat..Sana may mga band aid din ang mga sugat ng nakaraan o kaya may sebo de macho o lazer surgery ng paglimot sa mga hinanakit, nasirang relasyon, samahan, at marami pang negatibong damdamin sa realidad ng buhay. Sa gilid ng isip ko ang patuloy na panalangin sa hinaharap, Sa aking sarili, sa mga tao at mga kaibigan na minsan ay nasaktan na sana ay tuloy pa rin ang katatagan maging sa harap ng mga kabiguan. Kay Tatay Lauro Visconde, sa mapaglaro at masalimout sistema ng hustisya sa ating bansa. Sa mga pamilya ng biktima ng Maguindano Massacre. Sa mga nawalan ng tahanan at mahal sa buhay dahil sa patuloy na trahedya at unos. Sa mga nahihirapan at patuloy na nakikibaka at sa mga patuloy na biktima ng isang uri ng sistema na bumabansot sa mga Pilipino bilang isang Republikang Malaya? Sa Panlabas na anyo. Sa mga bayaning nagbuwis ng buhay upang tanawin tayo sa dako pa roon sa mas miserableng kalagayan. Sa mga taong nawalay sa pamilya upang sikaping ipagpatuloy ang daloy ng dugong bubuhay sa pamilya sa bansang sinilangan kumapit man sa patalim tulad ng mga binitay sa bansang tsina. Sana patuloy ang pagaling ng mga sugat ng nakaraan. At higit sa lahat ang sugat ng Bansang Pilipinas sa Patuloy na delubyo ng ating panahon. Kunsabagay..”Ang buhay ay hindi isang kahon ng Tsokolate Dahil di mo alam kung ano ang iyong makukuha. Hindi pa sa ngayon pero sana sa malapit na hinaharap…

9 Comments

  1. Hay sugat, masdan mo ang ginawa mo. Anyway may mga sugat talaga na pilit nmagpapaalala ng pait at sakit ng kahapon. Sugat na kahit na anung tagal ay halos hindi na gumaling(pareng Rey ibang sugat yang nasa utak mo ngayon, hindi yun ang ibig ko sabihin lol).

    Anyway nice job pare, hoping that you will publish more of that kind.
    More power, God Bless.

  2. ang magulang tlga hnd kayang tiisin ang sakit n nrrmdman ng mga anak kht p ito’y pisikal o emosyonal, plgeng nanjan pra sumaklo2 s anak n nsaktan kya iba tlga ang Pgmmhal ng magulang un ang unconditional love kht nhi2rapn at nssktan bsta maiparmdm lng ang pgmmhal s anak.

  3. lesson to be learn– ang sugat habang patuloy mo kinukutkot, lalong tumatagal gumaling, at kung gumaling man lalong obvious ang peklat kaya dapat hayaan na lang gumaling na kusa at matanggala ang langib. ganun din ang puso pag- nasugatan, the more na ene-entertain mo ang sakit, the more na di ka makalimot, the more na masasaktan ka. ang sakit kusang nag- hihilom, kaya wag nam- namin.

  4. “Pero Ang madalas makaapekto sa isang indibidwal ay ang mga sugat ng puso..OO sugat ng puso,,walang nilalang na mortal nabuhuhay o dumaan sa buhay na ito at sa ngayon ang hindi dumanas nito. Ang kahit paano’y mahiwa ng mapaglarong pagkakataon ang puso..”

  5. Reyalidad.. Sugat na nagdudulot nang sakit sa bawat isa. Hanggat may naniniwalang mayroong gamot sa bawat uri ng sugat na nabanggit mo, pasaan at pasaan din ay makakamtan natin ang lunas na iyon. Marami po salamat sa pagshare mo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.