Status: It’s Complicated – “Friend Zone”

(Photo Credit: hqwallbase)
(Photo Credit:  hqwallbase)
(Photo Credit: hqwallbase)

May mga bagay sa buhay natin na dumadating ng hindi pinaplano o inaasahan. Sabi ng mga nakatatanda, hindi ka naman daw bibigyan ng pagsubok na hindi mo kayang lampasan. Pero paano kung dumating sa punto na kailangan mong mamili? Paano kung ang nakataya ay ang kaligayahan mo kapalit ng katahimikan ng puso mo? Makakaya mo bang pumili? Hindi ba, kaya rin nila sinasabi na “nasa huli ang pagsisisi”, dahil hindi naman natin masisiguro kung ano ang kahihinatnan ng mga desisyon natin sa buhay.

Kilala na kita mula pa nung mga bata tayo dahil kaklase kita nung elementary. Hindi tayo naging close dahil magkaiba ang circle of friends natin. Mabilis na lumipas ang maraming taon, at para sa akin, bahagi ka nalang ng nakaraan ko. One person among countless others who have become a fragment of what my life used to be.

Hindi ko inaasahan ang muling pagdating mo sa buhay ko. Pero ipinagpapasalamat ko na bumalik ka sa tamang pagkakataon. Nang mga panahon na ‘yun, kailangan ko ng isang kaibigan, ng taong masasandalan. Pakiramdam ko dati, para akong taong nalulunod. At ikaw ang sumagip sa akin. Pilit akong kumapit sayo, dahil alam ko na sa oras na bumitiw ako, tuluyan akong mawawala.

Sa simula, naging maganda ang takbo ng pagkakaibigan natin. Dahil magkalayo tayo, chat at text messaging lang ang naging communication natin. Mas lalo kitang nakilala, at mas nakita mo kung sino na ako ngayon – malayo sa batang kaklase mo noon.

Minsan, nagkasundo tayong magkita at mamasyal. Paraan para mas maka catch up tayo sa naging buhay ng isa’t isa. Nalaman ko na madaldal ka talaga sa personal, samantalang ikaw, napansin mo na mas madalas na tahimik lang ako. Hindi ko nalang sinabi sayo na kaya lang ako tahimik dahil mas kalmado ang pakiramdam ko ng kasama ka.

Magkahawak kamay tayo habang paikot ikot sa mall. Sa mga nakakasalubong natin, marahil nagmumukha tayong magjowa. Pero hindi ako nailang, because at that time, your hand felt so right in mine.

Doon nagbago ang lahat. At first, I held on to you because I wanted so bad to have someone to lean on. I never realized that by doing so, I am putting myself in a position that will leave me more broken than before.

Ngayon, sa bawat pagtunog ng cellphone ko, umaasa ako na pangalan mo ang makikita ko. Walang lumilipas na oras na hindi kita iniisip, kung kumain ka na ba, kung ano ng ginagawa mo, o kung iniisip mo din ba ako. Madalas, pinagdadasal ko na sana magkita uli tayo, na sana maramdaman mo din kung ano ‘yung nararamdaman ko para sayo.

Sometimes, you take me by surprise. Tipong magiging sobrang sweet and concerned ka. Other times, you act as though I don’t exist. Dahil sayo, naging mantra ko na ang “Wag kang mag assume”, dahil sa lagay natin, tanga nalang talaga ako kung aasa pa ako naa may meaning sayo ang lahat ng ito.

Sabi nila, isa ito sa mga pagkakaiba ng babae sa lalake. Pag lalake ang nagtanong ng “kumain ka na ba?”, wala syang ibang ibig sabihin dun, gusto lang nyang malaman kung kumain ka na, plain and simple. Samantalang tayomg mga babae, matanong lang nun, iniisip na agad natin na concerned sila, na nagpapaka sweet na sila.

Kaya ngayon, nasasaktan ako kapag lumilipas ang isang araw na wala akong natatanggap na text mula sayo. Hindi naman ako pwedeng magtanong at magdemand dahil kaibigan mo lang naman ako.

I know that by being this way, I am just putting myself up for more pain.

Sinubukan kong umatras, pero huli na. Masyado na akong nakabaon.

Twilight speaking, you were my Jacob. Because you were my sun. But unlike Bella, my Jacob is not in love with me.

Minsan, iniisip ko, paano kung sabihin ko nalang na mahal na kita. Ano kaya ang isasagot mo? Masasabi mo ba na kaya mo rin akong mahalin?

Paano kung hindi? Kaya ko pa bang ituloy ang pagkakaibigan natin? Kaya mo pa ba? Knowing na nasasaktan mo lang ako.

Right now, this is the choice that I have to make. Love or friendship?

If I choose love, kailangan kong sabihin na mahal kita. I have to take the risk and hope against hope that you feel the same way. If you do, then I get my happy ending. If you don’t, then, I guess our friendship is going to be the price.

If I choose friendship, it will mean loving you in silence. Hindi ko pwedeng ipakita na affected ako kapag hindi ka magtetext or tatawag ng ilang araw. Hindi mo pwedeng mahalata na nasasaktan ako kapag nagkukwento ka tungkol sa ibang babae.

Gaya ng sinabi ko kanina, kaligayahan o katahimikan ng puso?

Pero sa kaso ko, kaligayahan mo ba o katahimikan ng puso ko?

So what’s it going to be?

Love or friendship?

About hashie

I am a woman, a nurse, and a mother who loves to read and to write. I hope that someday, my literary pieces will be enough to make a difference - no matter how small it will be - in a world that is struggling to live in a peaceful way. Please visit and like my page https://www.facebook.com/pages/Hashie/276925455677468?ref=hl