South Korea

South Korea (Photo credit: cia)
South Korea (Photo credit: cia)

 

South Korea (Photo credit: cia)
South Korea (Photo credit: cia)

Matagal-tagal na din akong nahuhumaling sa mga palabas sa telibisyon na nanggagaling sa bansang South Korea. Siguro nasa anim na taon na rin akong halos nakatutok sa panonood ng ibat-ibang Korean Tele-Drama. Deretso sa site nila ang ginagawa ko. Kaya naman natuto na din akong mag salita ng Korean. Mabilis makapukaw ng atensyon at damdamin ang kadalasan na mga tema ng kanilang palabas kaya naman dumami ma ng dumami ang tagahanga ng mga “Hallyu” Superstar o mas kilala sa tawag na K-Pop Idols. Nagsimula ang lahat sa Palabas na Boys Over Flowers, Full House, Stairway to Heaven at sinundan na ng napakaraming Korean Novela sa Pilipinas. Halos lahat ng edad ay kasama sa  mga nahuhumaling sa kagalingan ng mga K-Idols. Bata man o matanda, sunod sa takbo ng panahon at oras kung Korean Novela ang pinag-uusapan. Maging sa mga  Social Networking Sites tulad ng Facebook at Twitter ay kilalang-kilala sila. Napupuri na ang kagalingan nila maging sa Amerika, Europe, Middle East at Asia. Kagalingan sa pag-awit, pagsasayaw, pag-arte at samahan pa ng hindi matatawarang itsura nila. Kaya naman pati ayos ng buhok, pananamit, pagkain, kultura ay ginagaya na din sa kanila.

Dumami rin ang mga turista na pumapasok sa kanilang bansa dahil na rin sa hindi maawat na kasikatan ng mga K-Pop Idols. Nakilala din ang bansang South Korea dahil sa antas at kalidad ng kanilang Edukasyon. Sa katunayan, kabilang sa Top 10 Universities sa Asya ang Seoul National University (NUS) at Korea Advanced Institute of Science & Technology (KAIST). Kaya naman hindi na mapigil ang pag-unlad ng kanilang bansa. May isang artikulo akong nabasa sa website ng Korean Tourism na ang Title ay “From Rags to Richest”. Batid kong maganda ang takbo ng ekonomiya ng kanilang bansa na nanggaling sa hirap at muling nakaahon sa putikan.

Napaisip ako bigla, teka marami din kayang kurakot na mga pulitiko sa bansa nila. May mga nagaganap din bang sabwatan sa pagitan ng mga pulitiko at ahensya ng gobyerno nila? Marahil siguro ay mayroon din pero hindi katulad ng sa Pilipinas. Nubenta porsyento ata ng mga nakaupo sa gobyerno na mataas ang posisyon ay pawang mga kurakot at hindi mapagkakatiwalaan ng taong bayan. Mahirap na nga ang mamamayang Pilipino ay mas lalo pang naghihirap. Tila wala na atang katapusan ang problemang dinaranas ng Pilipinas. Kailan pa kaya tayo muling babangon? Sa napakaraming nag-aasam ng kaginhawaan sa buhay, sa lahat ng Pilipinong hindi nawawalan ng pag-asa at sa lahat ng taong pilit lumalaban sa anumang klaseng pag-subok sa buhay.

Sana sa mga susunod na henerasyon pawang kaginhawaan sa buhay ang maramdaman ng karamihan sa ating mga Pilipino. Tulad ng Bansang South Korea at ibang kalapit na bansa sa atin ay mag silbing ehemplo para sa ikakaunlad ng bansang Pilipinas.

author: Princebox

 

Enhanced by Zemanta

8 Comments

  1. Hey there! I could have sworn I’ve been to this blog before but after checking through some of the post I realized it’s new to me.
    Nonetheless, I’m definitely delighted I found it and
    I’ll be book-marking and checking back frequently!

  2. Have you ever thought about adding a little bit more than just your articles?

    I mean, what you say is valuable and all. Nevertheless think of if you added some great images
    or videos to give your posts more, “pop”! Your content is excellent but
    with pics and video clips, this site could definitely be
    one of the best in its niche. Terrific blog!

  3. Fantastic blog! Do you have any tips and hints for aspiring writers?

    I’m hoping to start my own website soon but I’m a little lost on everything.
    Would you advise starting with a free platform like WordPress or go for a paid option? There are so many choices out there that I’m completely confused ..

    Any tips? Cheers!

  4. I think what you published was actually very logical.
    However, consider this, suppose you added a little content?
    I mean, I don’t want to tell you how to run your website, however suppose
    you added a headline that makes people desire more?
    I mean South Korea – Definitely Filipino™ is a little
    vanilla. You ought to glance at Yahoo’s home page and note how they create article headlines to grab
    people to open the links. You might add a video or a pic or two to grab people interested about everything’ve written. Just my opinion, it
    might bring your website a little bit more interesting.

Leave a Reply

Your email address will not be published.