Sorry, Bati na tayo?

9017155-256-k3387e3
(Photo Credit: wattpad.com)

Paano nga ba ang tamang paghingi ng paumanhin? What I mean is ‘yung tamang pag-sorry sa tamang pagkakataon.

Ang hirap eh.. madalas akong humingi ng tawad kahit hindi ko naman kasalanan. Sa tingin ko kasi dahil na rin sa paniniwalang baka bukas makalawa, wala na tayo sa mundong ibabaw… *sounds crazy*… at tsaka pa lang tayo magkakaroon ng kagustuhang humingi ng tawad.

Ang hirap din naman kasi ng hihingi ka na nga ng tawad tapos pagtatawanan ka pa. Ano ‘to?! Insultuhan? Ganun ba yun? Ako na nga ‘tong mukhang tanga, tapos gaganyan-ganyan ka pa.

Opo. Alam naman natin siguro kung nakakagawa tayo ng pagkakamali sa isang tao.. pero sana naman, bilang pagpapahalaga.. huwag naman tayong masanay sa reverse psychology. Ang hirap mag-isip ng kung ano nga ba ang kasalanan mo lalo pa’t hindi ka naman talaga nakagawa ng kasalanan.

“Sorry kung may nagawa ako sa iyong pagkakamali”, palagi kong inuusal kapag pumapangit na ang pakikisama sa akin ng isang kaibigan.. Nagpapahalaga ako sa pagkakaibigan kaya naman ako na ang nagpapakumbaba. Kaya lang minsan nakakasawa na rin eh.. Nakakasawa nang humingi na tawad sa mga bagay na ‘di mo naman kailangang humingi ng tawad. Ang hirap balansehin! Nakakapagod.

I have this sense na pinaglalaruan lang nila ang damdamin ko.. na pinagtitripan kumbaga. ‘Yung feeling na iniisip mo na lang na para sa friendship ay gagawin ko ‘to, para sa kanya, para peace, para walang kaaway, para sa katahimikan ng lahat.

Ginagawa ko to nang paulit-ulit na para bang sirang-plaka na ako sa mga ginagawa ko.

“Sorry”, isang salita lang pero minsan ang hirap ibigay, but in my case, hindi. Ibaba na lang ang dapat ibaba, ang pride. Wala tayong mapapala sa pagpapataas ng pride o kaya naman ng ego ng isang lalaki. Hello, hindi ‘yan ikauunlad ng ekonomiya ng bansa.

“Sorry”, sana marunong kang magpatawad, sana naiintindihan mo ako, tanga na kung tanga pero sorry talaga.. gusto kong malaman kung anong kasalanan ko sayo. Bati na tayo, please.. 🙁

All I know is to act like a crazy in front of you while saying “sorry” as soon as kaya ko nang humarap sa iyo.

About Jiro Magiting

I'm one of a kind of a person who is simple and weird.