Snappy Rebuttals to Stupid Taxi Driver Excuses

For representation purposes only
07/18/17 11:16:52 PM

Since time immemorial na lang yata naglipana ang isa sa mga pinakamalalalang problema sa larangan ng transportasyon sa lipunan – ang tahasang pagtanggi ng mga taxi. Siguro karamihan naman sa atin ay minsan nang nagkaroon ng engkwentro na ganito.

Nah, ako nga tinanggihan ng halos 20 taxi nung isang araw na kailangan kong pumunta sa BGC para mag-cover nun sa isang event bilang blogger. At hindi lang ito nangyari sa iisang lugar. Sa dalawa pa nga eh.

Yung iba, nuknukan ng pagiging arogante pa kung tumanggi na as if isa na siyang demigod at deity ng katrapikan sa Metro Manila. Yung ilan napakabayolente. Yung iba naman, dinaan na lang sa bait para hindi halata ang pagdi-diva nila.

Sa sobrang kakupalan ng ganitong aktibidades, sarap tuloy gawin ulit ‘yung biglang baba ka na lang ng taxi – at hindi mo isasara ang mga pinto nito. (Oo, ‘ulit’ kasi nagawa na namin yun dati at walang halong pagsisisi yun. Ta***a niya eh.)

Ito lang ha? Pare-pareho lang naman tayo nagkukumahog na kumita sa araw-araw. Pero kailangan mo ba talagang manlamang ng kapwa mo at hihirit ka pa ng “keso ano naman gawin ko? Magnakaw?!” (sabay labas ng crowbar o katana). Mga tsong, hindi dahilan yan.

At please lang, kung gusto ninyo na pagkatiwalaan kayo ng publiko sa halip na patulan namin ang mga TNVS, huwag na huwag kayong tumanggi sa pasahero, at baka mabara lang namin kayo sa alinmang isasambit ng mga gaya nito:

“Ma-traffic eh.”

Teka nga, halos kabuuan naman sa Metro Manila ay tinatamaan ng traffic ah. Anak ng tokwa, nagtataka ka pa ba? Minsan nga, pati mga expressway at ultimo ‘yung Skyway na sa pagkahaba-haba ng panahon ay dumaranas rin ng matinding kalbaryo. So, tanong ko pabalik: saan ba dito sa lupaing ibabaw na ‘to ang hindi matraffic, aber? Pakihatid nga ko dun.

“Hindi ‘yun way ko.” Ito madalas ang sinasabi ng mga driver na halos pagarahe na. Well, medyo considerable siya sa akin. Pero kung hindi ka naman pa-garahe, aba…

So sinungaling ‘tong nakapintang text sa taxi mo na “from (location redacted) to any point of Luzon?” Ganun? Sinungaling ka at ang taxi mo kung ganun? Perjury pa ‘yan kung tutuusin kasi echos ninyo lang pala ‘yang sinumpaan n’yong tungkulin bilang mga tagamaneho na naninilbi na rin sa bawat mamamayan na mananakay ay ihahatid mo kami sa alinmang lokasyon na saklaw ng iyong prangkisa.

“Maulan dun.”

Kasi nga pag maulan, matraffic. Parang instant noodles din kasi ang kalagayan ng mga kalsada at sasakyan dito sa atin eh. Dagdagan ng tubig, presto instant hassle na umuwi.

Pero kasalanan ba ni Pnoy/PDuts/namin/God/flying Spaghetti kung umulan?

Kung ayaw mong maulanan, panoorin mo si Sarah G at sabayan mo siyang mag-Sun dance.

“Malayo naman!”

Malamang, alangan namang magtaxi kami na pagkalapit-lapit ang pupuntahan namin. Maliban na lang kung marami kaming gamit at kailangan ng mga sasakyan.

So sino mag-aadjust? Palalapitin namin destinasyon namin? Wala tayo sa sarili nating parallel universe. Gising.

Click here to continue reading.